"Past is past," says Aljur Abrenica of spat last year with Richard Gutierrez

IMAGE 0


"Sa akin naman po, past is past," says Aljur about the incident between him and Richard last year. "Alam ko kasi na mahirap ang pinagdadaanan niya ngayon. Siyempre, bilang isang Kapuso, kung ano ang nangyari, nangyari na yun, e. Forgive and forget na lang. So, hopefully, maayos na ang kaso niya."


Bagamat naka-cast pa ang kaliwang kamay ni Aljur Abrenica, hindi ito naging hadlang para sa kanyang launching bilang isa sa mga pinakabagong endorsers ng Bench. Kasama ang kanyang screen partner na si Kris Bernal, rumampa ito ng shirtless sa Trinoma Activity Center in Quezon City, noong ika-25 ng Setyembre.

Ang kanilang tambalan ay mapapabilang sa Overhauled Jeans campaign ng nasabing clothing company, at "dream come true" raw ang pagiging image model niya ng Bench, na ini-endorso rin ng mga sikat na artista gaya nina Richard Gomez, Dingdong Dantes, Diether Ocampo, Richard Gutierrez, Gerald Anderson, to name a few.

"Siyempre po, natupad na rin ang isa sa mga pangarap ko noong bata pa ako, ang magkaroon ng billboard dito sa Manila. At siyempre, ang Bench endorser, simula nang mag-showbiz po ako, matagal ko na rin po siyang pinapangarap and at last, nandito na rin po siya and I'm very thankful. Masayang-masaya na rin po ako with the chance na binigyan ako ni Lord ng ganito."

Maganda ang timing ng kanilang launch dahil nalalapit na rin ang showing ng movie nila for Regal Films, ang Nandito Ako... Nagmamahal Sa 'Yo.

"Actually, very thankful nga ako dahil ang gaganda ng nangyayari sa amin ni Kris na saktong-sakto ang timing. Yung launching ng movie, 'tapos ito pang Bench. So talagang nakakatulong sa career namin."

READY TO BARE IT FOR BENCH? Much-anticipated ang underwear fashion show ng Bench na ginaganap tuwing July. Isa na ba siya sa aabangang rarampa nang sexy dito?

"Yung underwear, sa ngayon... hindi ko kasi alam kung yun ang iisipin ko by that time. Sa ngayon kasi, topless talaga ang kaya kong ibigay. Pero hindi ko masabi, di ba?"

Sa Nandito Ako... nag-trunks na siya, so what's keeping him from the joing the underwear fashion show of the brand he endorses?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Let's see, let's see... iba kapag live, e. Nahihiya ako. Hindi ko alam kung kakayanin ko," natatawa niyang sabi. "Sa movie, kaya kong gawin kasi iilan lang naman kayong nandoon, so let's see."

May pressure na ba siyang nararamdaman?

"I know it's a great responsibility na makapunta rito sa Bench. Ang daming privileges pero great responsility rin kasi. Nandiyan yung kailangan mong gampanan, so, ready na rin ako, in time."

Sa movies, hanggang saan ba ang kaya niya in terms of pagpapaseksi?

"Sa mga movies po, sa ngayon kasi, more on acting ako. So, mas dine-develop ko ang acting skills ko than being sexy, pero, nandoon na rin."

"AGAW-EKSENA" WITH KRIS. Last September 23 ay premiere night ng The Echo, na remake mula sa Sigaw na ipinalabas noong 2004. Kasama sa Hollywood version si Iza Calzado pero ang binigyang-pansin ng mga writeups ay ang naganap na eksena sa pagitan nila ni Kris.

Dapat kasi'y sabay na dadalo ang magkapareha sa premiere, pero na-late si Aljur sa pagsundo kay Kris at nauna na ito sa sinehan. Noong dumating si Aljur ay dali-dali nitong iniabot ang dalang bulaklak para kay Kris. Natuon ang pansin sa kanila ng halos lahat sa sinehan.

Nagkataong sa sandaling iyon ay iniinterbyu si Iza, na ang katabi ay si Megastar Sharon Cuneta. Para raw tuloy naagaw ang limelight sa mga dapat pag-ukulan ng atensiyon.

Pero ayon kay Aljur, "Wala po sa intention ko na gawin yun. So, ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para humingi ng sorry, apologies to Ms. Iza Calzado. Kay Ms. Sharon Cuneta, hinahanap ko nga po ang contact [number], hindi ko na nga lang po nakuha. Kay Ms. Iza lang po ang nakuha ko.

"Gusto ko po talagang mag-sorry kay Ma'am Shawie kasi hindi nga po talaga tama. So, very sorry pong talaga. Nahiya po talaga 'ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At least ba'y pinatawad siya ni Kris?

"Okey na po kami ni Kris. Salamat sa Diyos at sa chance na ibinigay sa akin."

Pero bakit hindi na lang niya kasi inabisuhan si Kris na mali-late siya?

"Minalas kasi yung phone ko, namatayan."

Hindi kaya gimik lang nila ito ni Kris dahil may movie nga silang ipapalabas?

"No, no, no... ang kuwento ko, galing kasi ako sa hospital, natagalan. 'Tapos, kailangan ko pang mag-ayos. Hindi ko na-expect na ganoon katagal. Hindi ko kayang ayusin ang sarili ko kasi nga, may injury ako.

"So, on the way na ako sa bahay ni Kris, sabay ibibigay ko ang flower kasi na-late ako. Pagdating ko sa bahay, wala na siya. Kasi wala ngang contact, patay na ang phone ko. Nasa SM na siya.

"So tumuloy ako sa SM, matagal na pala siyang naghihintay dun, pumasok siya sa loob. E, hindi naman niya alam na may dala akong flowers. Pagpasok ko sa loob, saka ko iniabot sa kanya ang flowers. Hindi ko ine-expect na magnanakaw kami ng atensiyon."

ROW WITH RICHARD. Sa nasabing sinehan din ay dumating si Richard Gutierrez, na siyang bida sa Pinoy version ng The Echo.

Hindi nga ba sila nagpansinan?

Matatandaang nagkaroon ng isyu ang dalawa noong kutusan diumano ni Richard si Aljur sa Fiamma bar sa Makati City noong ika-17 ng Oktubre noong nakaraang taon. Ang sinabi noon ng isang insider sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ay wala raw malay ang Starstruck Batch 4 hunk kung bakit ginawa iyon sa kanya ng dalawang beses, sabay tanong pa raw ni Richard sa kanya, "Sino ka? Ano'ng gusto mo? Babae? Lalake?"(CLICK HERE to read related story.)

Pinabulaanan ni Richard ang mga nangyari, at sa statement niya, lumabas na ang pagiging gatecrasher umano ni Aljur ang naging dahilan ng kanilang confrontation. (CLICK HERE to read related article.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dalawagang linggo matapos ang insidente, nagsalita si Aljur at sinabing: "Hindi po totoo ang lahat ng sinabi niya." (CLICK HERE to read related article.)

Fast forward to this year, inusisa namin kung ano na ba ang nangyari doon.

"No, pinansin ko po. Nagbatian po kami. Noong nakaupo na po siya, binati ko po siya," ang matipid na sagot na All My Life star.

Sa palagay ba niya, tapos na yung hindi nila pagkakaunawaan noon or ang sinasabing nagawa raw sa kanya ni Richard?

"Sa akin naman po, past is past. Gusto ko na lang magtrabaho and at the same time, gusto ko na lang din maayos ang lahat. Like siya, sa kaso niya, sana maayos na rin para lahat kami makapagtrabaho nang mabuti. Kasi, naiintindihan ko na rin yung sa side niya.

"Alam ko kasi na mahirap ang pinagdadaanan niya ngayon. Siyempre, bilang isang Kapuso, kung ano ang nangyari, nangyari na yun, e. Forgive and forget na lang yun, e. So, hopefully, maayos na ang kaso niya," ang tinuran ni Aljur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN