Stars lend a helping hand to Ondoy victims

IMAGE 0


Kris Aquino (not in photo) reported in The Buzz this afternoon, September 27: "Si Ryan sumulong sa five feet of water, trying to swim to bring gatas at pagkain doon sa pamilya."


Imbes na magpahinga ngayong araw ng Linggo, ika-27 ng Setyembre, karamihan sa mga artista ay nag-volunteer para sa telethon ng dalawang istasyon.

Nitong tanghali, isa si Kris Aquino sa mga nanguna sa pangangalap ng donasyon para sa ABS-CBN Foundation. At habang abala siya sa pagbibigay ng update sa ASAP '09, binanggit naman sa SOP ng executive vice president ng GMA Kapuso Foundation na si Mel Tiangco, na nag-pledge din ng amount sa kanya ang TV host-actress.

Halos mapuno naman ang studio ng GMA-7 dahil sa pagdagsa ng mga young stars na nag-volunteer sa pagsagot ng tawag ng mga nais tumulong at matulungan. Dumating sina Lucy Torres-Gomez, Iza Calzado, Rhian Ramos, Isabel Oli, Michelle Madrigal, Mark Herras, Arnell Ignacio, Butch Francisco, Benjie Paras, Ynna Asistio, at ang mga stars na kabilang sa noontime variety show ng Kapuso station.

Ang iba, hindi man sila nakita sa telebisyon, ay kumilos para makapagbigay at mangalap ng donasyon.

Bukod sa donasyon nitong 500,000 pesos ay namataan daw ang aktres na si Angel Locsin na tumutulong sa mga residente ng Marikina City.

Ang news personality na si Tintin Babao ay nag-donate din sa Sagip-Kapamilya at Gawad Kalinga kaninang hapon.

Si Maxene Magalona naman ay kahapon pa nagplano ng mga bibilhin para sa mga biktima. Isa rin siya, pati si Bianca King, na nagpadala ng damit para sa kapwa artista nilang si Cristine Reyes.

Sina Miriam Quiambao, Bianca Gonzales, Iya Villania ay tumulong sa pag-disseminate ng mga mahalagang impormasyon sa kanilang mga Twitter accounts at pag-engganyo ng mga sasali sa mga donation drive.

Samantala, umani naman ng papuri ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos dahil dumayo pa sila sa Vista Verde, Cainta, Rizal, para dalhan ng pagkain at gatas si Gladys Reyes at ang pamilya nito.

Binuksan naman ni Jennylyn Mercado ang kanyang tahanan para sa mag-inang Jean at Jennica Garcia, na ilang oras ding nakulong sa kanilang bahay sa Commonwealth Avenue, Quezon City, kahapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STILL IN NEED OF HELP. Kanina, napabalitang stranded din sa kanilang bahay sa Greenmeadows Subdivision, Pasig City, sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel, kasama ang kanilang kambal na sina Cassandra at Maverick. Iniulat ding may lagnat ang huli.

Humihingi rin ng tulong ang host-comedienne na si Giselle Sanchez dahil hindi rin makalabas ng bahay ang kanyang sister-in-law at mga pamangkin. Sa text message na natanggap namin kaninang alas nuwebe, aniya: "Please make an appeal to PEP readers...My sister in law, Ruth Sanchez, and her kids are still trapped at 20 Road 1 Riverside Village, Pasig City. May high fever yung two-year-old niece ko."

Ipagpatuloy lang natin ang pagkakaisa at pagdarasal. Sana dumating na ang tulong na kinakailangan ng mga kababayan natin, at sana malampasan natin ang lahat nang ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN