(UPDATED) Giselle Sanchez's family finally rescued

IMAGE 0


Giselle Sanchez is calling for help for her stranded family in Pasig. "pls rescue my family—25pax, 3 days stranded w.o.[without] food and water in 20 road 1 riverside village ortigas ave. Ext. Pagpasok sa riverside dulo kanan then rite [right] uli. Children have fever na. Richard Sanchez and his family trapped in the 2nd floor across," was the text message of the PEP blogger. To all PEPsters, we are launching a


Kahapon, lumabas sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang ginawang pagtulong ng mga artista mismo sa mga naging biktima ng bagyong Ondoy.

At hindi lang mga karaniwang tao ang naperhuwisyo ng bagyong nanalanta sa halos buong Luzon, kundi pati na rin mga showbiz celebrities.

Iniulat nga kahapon na maging ang mga artistang sina Cristine Reyes, ang couple na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi at mga anak nila, ang pamilya nina Gladys Reyes at Christopher Roxas, at mag-inang Jean at Jennica Garcia ay nakatikim din ng hagupit ng bagyong Ondoy.

Pawang nakaligtas na ang mga ito, at laking pasasalamat ng PEP (Philippine Entertainment Portal) blogger na si Giselle Sanchez dahil kabilang na rito ang kanyang pamilya, na ayon sa text message niya kaninang alas dose lang ng tanghali, her "family—25pax, 3 days stranded w.o.[without] food and water in 20 road 1 riverside village ortigas ave. ext."

Worried na worried kanina ang host-comedienne dahil ayon pa rin sa kanya: "I'm exhausting ol [all] my connections, no avail pa rin."

Bandang alas sais y medya ng gabi nang ma-rescue ang kanyang mga mahal sa buhay. Sa susunod na blog entry siya magkukuwento ng kanilang "madamdaming reunion."

Nakarating din sa PEP, sa pamamagitan ng associate editor ng YES!magazine na si Anna Pingol, na nakaligtas na kagabi ang six-month pregnant na si Sylvia Sanchez at mga anak nito, na malapit din sa Marikina river ang village na tinitirhan.

Tanging siya at ang anak niyang bunso na si Gela ang naisakay sa speed boat patungo sa kaligtasan, habang ang mga anak naman daw nito ay nilangoy na lang ang rumaragasang tubig na nakapaligid sa bahay nila para lang makarating sa mga rescuers.

Kasalukuyang nasa pangangalaga na sina Sylvia at mga anak nito sa bahay ng mga biyenan niya (the Ataydes) sa Corinthian Gardens pero kinakailangan pa rin daw dalhin sa ospital ang mga anak ni Sylvia na lumangoy upang masiguradong hindi nakainom ang mga ito ng grasa mula sa tubig baha. Si Sylvia ay nagpa-check up din, at nabigyan ng clean bill of health.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN