Kris Aquino sold the house she and husband James Yap own to back Noynoy's campaign

IMAGE 0


TV host-actress Kris Aquino talks about selling her house in Valle Verde II so they can use the money for the campaign of her brother, Senator Noynoy Aquino (inset, top), who will run in next year's presidential race. Kris also defended her friend and talent manager, Boy Abunda (inset, bottom), who is being attacked for turning his back on Senator Manny Villar to support Noynoy's candidacy.


MOVING TO A CONDO. Isa-isang sinagot ni Kris Aquino ang mga isyung umiikot sa kanya at sa kanyang pamilya sa presscon cum launching ng bago niyang product endorsement na Downy Antibac last Friday, September 25.

Nung Biyernes ay itinuloy ni Kris ang paghahanap ng condo unit na titirhan nila ng kanyang asawa at mga anak. Nabenta na kasi ang bahay nila ni James Yap sa Valle Verde II. Gagamitin ang pinagbentahan ng bahay ni Kris para sa kampanya ng kanyang nakatatandang kapatid na si Senator Noynoy Aquino para sa kandidatura nito bilang presidente sa 2010 elections.

Kuwento ni Kris, "Tinanong ko si James, sabi ko, 'Okay ba sa 'yo 'to? Baka naman after May, sinisisi mo 'ko? Tapos, sabi niya, 'Hindi, 'eto na yung tulong natin talaga.' So, we're downgrading. It's not like we're going to be homeless, kasi sabi nga ni Noynoy, nakakaloka na bigla na lang kaming nag-rent. We're buying a much smaller place, a condominium. We have to move by November dahil yun ang gusto ng buyer na time na lilipat siya sa bahay namin.

"What made me sure about this decision and what convinced James also was what happened when my sisters went to Bacolod. Yung urban poor, gara-garapon ibinigay nilang pera para donation kay Noy. Sabi ng Ate [Ballsy] ko, sa kanila pagkain na yun. Paano ko matutumbasan ang ginawa ng mga tao na hindi naman namin kadugo?

"Binasa na lahat ang contract yesterday. It helped also that it happened in Bacolod because that's where James grew up. Sabi niya, kung yung mga kababayan niya kayang gawin yun para kay Noy, sino ba naman kami para hindi namin gawin ito para sa kapatid ko? Emotional, kasi sa tulong na ibinibigay sa amin, paano namin masusuklian yun later on?

"Di ba, sanay tayo, 'pag eleksyon ikaw ang inaabutan? Ikaw nililigawan? This is the first time, apart from time ng Mom ko [former President Cory Aquino] na nangyayari na they sacrifice para sa kapatid ko. Iniisip ko, kailangan sabayan ko. Nakakahiya naman hindi ko gagawin yun sa kapatid ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masuwerte ako limang endorsements ang nasara ni Boy [Abunda, Kris's talent manager] nung nasa Hawaii ako. 'Kalahati sa anak mo, kalahati sa 'yo.' The house is enough. This is not for you, this is for mom.'

"Kung tutuusin, masyado rin naman malaki ang bahay na yun para sa amin. Nag-ilusyon lang ako. It was my dream. Our house has a floor area of 680 sq.m. Malaki yun. Ang lilipatan namin, kalahati nun. Condominium. Yun ang kaya namin at this point, para hindi rin ako umutang," tuluy-tuloy na sabi ni Kris.

DEFENDING BOY. Ipinahayag naman ni Kris ang kanyang damdamin sa paninira na dumating sa kanyang kaibigan, manager, at co-host sa The Buzz at Showbiz News Ngayon na si Boy Abunda. Ito ay dahil sa pagtalikod ni Boy ng kanyang suporta kay Sen. Manny Villar para kay Noynoy. Matatandaang bago pa man nagdeklara ng kanyang kandidatura si Noynoy ay ipinalabas na sa TV ang campaign ad na ginawa ni Boy kasama si Senator Villar. (Click here to read related story.)

"Last night, he showed me a text and I thought it was cruel..." simula ni Kris kasunod ang pagtulo ng kanyang luha. "Sorry, naiiyak ako. Kasi, parang sinabihan siya na tinatanong kung totoo daw na tumanggap siya ng pera galing sa mga Villar, and ngayon, ayaw niyang ibalik kahit na nag-Noy na siya.

"It's so untrue! I think, even when the reporter called up the Villars, sinabi nilang walang perang tinanggap si Boy. Kasi yung unang interview [with Senator Villar] na ginawa ni Boy, he did it for free. He did that out of the years of friendship he had with the Villars. It's not fair na titirahin siya because I know na he's doing it for us and for our family, Actually, ito, siguro, Boy should not be the one defending himself, I can defend him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"For BIR [Bureau of Internal Revenues] purposes, Boy has certification to prove na yung mga interviews na ginawa niya initially, he was not paid for that. Actually, Holy Spirit siguro ang nag-guide sa kanya na humingi ng certification kasi alam naman natin na when you're high profile, mainit ang mata talaga ng BIR sa 'yo. So, hawak niya yung papeles na yun.

"Sana, huwag na nilang tirahin si Boy kasi kung wala naman si Noy dito, hindi naman mangyayari 'to, e. Huwag lang siyang atakihin talaga. Kasi, mahal niya ako, e. Kaya lang naman nangyari ito kasi napamahal na ang pamilya ko sa kanya. Sobra ang pinagsamahan namin kasi. Apart from my family, ang unang nakaalam na maysakit ang Mom, na iniyakan ko pa sa dressing room na kaming dalawa lang, was him. Nung alam na namin na mawawala na ang Mom, si Boy yung nandun. Nung time na namatay ang Mom, family lang namin ang nandun, and Boy.

"When he heard last night [Sept. 24] na I was closing the deal for my house, sinabi niya na 'Krissy, nung sinabi ko yun, it was a figure of speech about how much I'm willing to support Noy. Pero tutulungan kita, hati tayo doon sa TV spot na bibilhin mo.' So, I mean, wala na akong mahihingi pa, di ba? Nawalan na nga siya, mag-aabono pa siya ngayon," saad ni Kris, na naiiyak pa rin.

UPCOMING SHOWS. Tuloy na ba ang bagong shows na gagawin niya sa ABS-CBN?

"I have a new game show coming out by first quarter of next year," pagbabalita ni Kris.

Dagdag niya, "And napayagan ako ni James to accept teleserye. The reason why I accepted the teleserye is because I need the money for Noy. I explained it to James na from now until elections, Noy gets half of everything I earn. In all fairness sa akin, kahit maldita akong kapatid, generous ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At yung mga trabahong in-offer sa akin, inaral ko, ipinakita ko kay James ang script at sinabi ko, 'Ito yung pinaka-hate mo, yung umuuwi ng four in the morning, tiisin natin, please. It's only for four months.' Sinabi lang ni James, 'E, ginamit mo na si Noy, e, tatanggi pa ba ako?'

"Pero meron din akong tinanggihan, yung movie sana for Star Cinema. It's intended for Mother's Day presentation. Tinanggihan ko kasi masasabay talaga yung shooting at promo sa campaign. Nanghihinayang talaga ako kasi napakaganda ng material, pero hindi talaga puwede."

ROSARY ALBUM. Nag-record na rin last Wednesday, Sept. 23, si Kris at ang kanyang mga ate na sina Ballsy, Pinky, at Viel para sa rosary album na ilalabas ng Star Records.

"Nakakatawa," ngiti ni Kris. "Sabi ng mga sisters ko, 'Bakit ikaw take one, kami isang oras?' I said, 'Because I do it every day.' Ang ginawa nila, yung time na sabay-sabay, ako ang inilagay sa front para daw konti na lang ang kailangan i-cure. Mas mahina ang boses nila. It's really beautiful, especially the passages or reflections in between. Si Father Manoling Francisco ang gumawa.

"Promise ko yun sa kanya [her mom]. Selling well naman ang album namin ni Baby James. My Mom said to me kasi noon pa, 'Kris do something for the rosary.' Perfect, kasi on October 11, 55th wedding anniversary [of Cory and Ninoy Aquino]. Regalo namin. Launch yun.

"She only had one bilin: 'Always take care of each other. As far as being a mother is concerned, nalugi si Josh. When he was young, you had to establish yourself. Now that you're established, bumawi ka kay Josh and make sure that you're always there for Baby James.' Pag malalaki na 'yan, iisipin mo, bakit ako nag-taping until five in the morning and slept until 12 noon when I could have brought them to school?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I made so many promises to my mom. Pangangampanya kay Noy... Shy kasi ang mga sisters ko kaya ako yun. Di ko naman alam na 2010, ang alam ko 2013! Sabi ko kay Noy, 'Alam mo, ikaw napasubo mo ako talaga. Why didn't you stop me nung promise ako nang promise kay Mom?' Sabi niya, 'Malay ko rin ba?' Whatever promise you made to your mom, you better keep it."

Pinaplano na rin ni Kris ang pagbuo ng another baby next year. Nung nakaraang buwan nga ay very vocal ang TV host-actress sa pagsasabing she wants a daughter this time since dalawang lalaki na nga ang anak niya.

"Sabi ko nga, parang yun na yung last chance, yung next year, kasi I'm 38 now. So two more years, I'll be 40, nakakatakot na," sabi niya.

AQUINOS & COJUANGCOS. Sinagot din ni Kris ang isyu tungkol sa suporta ng Aquino-Cojuangco clan sa kandidatura ni Noynoy. Pati na ang pagtatatapat sa presidential race ni Noynoy at ng second cousin nilang si National Defense Secretary Gilbert "Gibo" Teodoro sa 2010.

"I can't speak for the elders of our family, but I would like to think siguro, as far as our family is concerned, siguro si Tita Lupita [Kashiwara, her aunt, sister of Ninoy Aquino], hindi na namin maaasahan. Pero si Tita Tessie [Aquino-Oreta, isa pa niyang auntie], eto, I can say this, nagka-closure with Mom. I was a witness to that, in the hospital. Her husband, Tito Len, was Noy's mentor. Nagkatarabaho sila ni Tito Len. Tito Len stood in as Noy's second father for so many occasions. So, yun siguro, okay.

"As far as the Cojuangcos are concerned, walang problema. Sa mga pinsan ng mom ko, inaayos namin. Ang masasabi ko lang dun kasi, with Gilbert, siyempre hindi na namin maayos 'yan, that's understandable. But maybe with Gilbert's uncle, I don't know, umaasa ako. Ang sa amin lang, me and my sisters, inilalabas ko si Noy sa usapang ito kasi kung isasali natin si Noy, lalabas na parang may political color.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"On a personal level, we want closure. Yun lang. Mom is no longer here. Kung anuman ang mga naging differences in the past, happened even before I was born. So, kung tatanungin n'yo ako, buong puso at buong pagpapakumbaba, gusto naming maayos," seryosong pahayag ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN