UPDATED: A feverish Yasmien Kurdi finds "missing" grandmother in Cainta

IMAGE 0


Yasmien Kurdi's last Facebook status shoutout was "going to Cainta to clean there and find my Grandma." Yasmien has not heard from her grandmother Nenita Ong Navarro, 65 years old, since the typhoon broke out.


Isa pang celebrity na naapektuhan ng bagyong Ondoy ay si Yasmien Kurdi.

Sa kanyang Facebook account, nananawagan si Yasmien sa kung sino man ang puwedeng tumulong sa paghahanap sa kanyang lola. Ang kanyang lola na si Nenita Ong Navarro, 65 years old, ay residente ng 196 RR St., Soldiers Village, Pasig City. Dahil magkaiba sila ng tirahan ni Yasmien, na tiga Quezon City, nung burol pa ng Iglesia Ni Cristo spiritual leader na si Ka Erdy Manalo huling nakita ni Yas ang kanyang lola.

At nang umatake ang bagyong Ondoy, nanatili lang si Yasmien at ang kanyang Mommy Miriam sa bahay nila. Kaninang umaga lang sila nagkaroon ng kuryente.

Kahit na may lagnat, kumilos agad si Yasmien at ang kanyang ina upang hanapin ang kanyang Lola Nenita, na ayon sa dalaga ay nasa Cainta.

Pinilit na kontakin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Yasmien sa kanyang cellphone upang humingi ng update sa kanyang paghahanap, ngunit choppy ang signal at tuluyan nang "out of coverage" ang huling narinig ng PEP mula sa cellphone number nito.

Huling entry sa shoutout box o Facebook status ni Yasmien ay ito: "Yasmien Yuson Kurdi is going to Cainta to clean there and find my Grandma."

UPDATE. As of 4:27 pm, ibinalita na ni Yasmien sa kanyang Facebook na nakita na nila ang kanyang Lola Nenita.

Nag-post na ng photo ng kanyang lola si Yas kasama ng pasasalamat sa mga tumulong at nag-alala sa kanyang paghahanap.

Nakalagay sa caption ng photo ng lola ni Yas: "Thank you everyone for the support and concern. Thank God we found her. She's safe and healthy... I'm so happy!"

Kabilang sa mga pinasalamatan niya ang mga kaibigan niya sa press, ang GMA-7, ang office ni Manny Villar at ang National Disaster Coordinating Council (NDCC).

Sa pagtatanong ng PEP kung paano niya natagpuan ang kanyang lola, sinabi ni Yasmien na katulad nila sa Quezon City ay na-stuck din ang kanyang lola sa tinitirhan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Super naiyak ako sa tuwa kasi we saw her. Nagbaha sa kanila pero nakaraos naman po. Salamat din po sa press and media at diyaryo at nakita niya yung news po. Kaya di sila makakontak kasi po walang electricity, water and phone po sa place nila. Super saya po namin at nakita ko sya. Nakita na namin siya sa bahay na po," masayang balita ni Yasmien, kahit na patuloy pa rin itong may lagnat dulot aniya ng stress sa mga nangyari sa kanya nitong nakaraang araw.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN