Kristine Hermosa dismisses rumor that she did not report for work just to play badminton

IMAGE 0


"Kung may nakakita man sa akin somewhere, it's because excused ako that day from work. Nagpaalam ako nang maayos, pero hindi totoong nag-badminton ako, o nakita ako sa kung saan badminton court," says Kristine Hermosa about a blind item claiming that she had asked not to tape for her teleserye just so she could play badminton.


Ayaw nang pagkaabalahan pa ni Kristine Hermosa ang mga lumalabas na balitang nag-iinarte siya sa set ng ABS-CBN primetime series na Dahil May Isang Ikaw. Parang hindi pa ito sapat para sa detractors ng aktres dahil may lumabas ding isyu na nag-excuse siya sa taping ng nabanggit na releserye para mag-badminton lamang.

"Ayoko talagang patulan dahil blind item lang naman yun," sabi ni Kristine sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Pero, marami na rin kasing nagtatanong sa akin. Sa simula pa lang, tinatawanan ko lang ang mga inimbentong isyu dahil siguro sa wala lang silang maisulat tungkol sa akin.

"Hindi na rin tama. Kasi, paano ako magba-badminton? Hindi ako athletic na tao. Hindi ako mahilig sa ganyan. At saka uunahin ko na lang talaga ang trabaho kesa recreation. E, wala na akong time para diyan!"

Si Kristine daw kasi ang tukoy na tukoy sa blind item, pero hindi raw siyang ang tipo na papatol pa tungkol dito.

Sabi naman ng isang Kristine defender from ABS-CBN: "Maski itanong ninyo sa staff at sa iba pang co-stars ni Tin, wala silang naging problema sa kanya simula noong mag-taping sila. Nakakaalarma rin na sunud-sunod ang bira sa kanya samantalang wala naman siyang ginagawang masama. Tahimik lang siyang nagtatrabaho. Kung ito ay tactics para sa labanan sa ratings, unfair yata na si Tintin ay tinitira sa ganoong paraan, lalo't walang katotohanan ang mga akusasyong yun."

"IT'S MY BIRTHDAY." Ayon mismo kay Kristine, ang natatandaan lang niya, nagpaalam siya noong birthday niya noong September 9 para hindi muna mag-taping.

"Hindi ko na lang pinaalam sa kanila ang talagang dahilan, but it's something personal," sabi ng aktres. "It has something to do with my birthday din naman, with my family, with some friends. I want to spend that special day with them. At matagal ko nang ipinagpaalam sa management yun. Na yung araw na yun, hindi talaga ako available. Pinakiusapan ko sila na sana'y hindi mataon sa trabaho ko yun, at pinagbigyan naman nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung may nakakita man sa akin somewhere, it's because excused ako that day from work. Nagpaalam ako nang maayos, pero hindi totoong nag-badminton ako, o nakita ako sa kung saan badminton court," paglilinaw ni Kristine.

Kung ang isang araw na yun na hiniling ni Kristine ay para sa nababalitang boyfriend niyang si Oyo Sotto, she sees nothing wrong with that.

Aniya, "Birthday ko naman yun, at allowed naman siguro akong gawin ang kung anumang gusto ko sa special day na yun sa buhay ko. Hindi naman siguro kailangang magkuwento pa ako ng detalye. In fact, simpleng-simple lang ang birthday celebration ko at walang kagarbo-garbo. Nag-guest lang ako sa ASAP '09 with Jericho [Rosales], na recently nag-birthday rin."

SEPARATING PERSONAL LIFE FROM WORK. Ito na ang phase na walang ibang iniintindi si Kristine kung hindi ang trabaho niya. Kung anuman ang sa personal niya, hangga't maaari, she keeps it to herself.

"Pero alam naman ng mga tao na special ang tratuhan namin ni Oyo, at wala rin kaming itinatago," sabi niya. "Magkasama kami ni Echo sa isang teleserye, pero iba na ang level ng relasyon namin bilang magkaibigan, at hiwalay na yun sa personal namin. Huwag namang isisi pa sa amin na pinasasakay raw namin ang fans, samantalang kami na mismo ang nagsasabing may kanya-kanya na kaming buhay, at iba na ang sitwasyon ngayon.

"Sa nakikita ko, kaya hindi ako basta nagsasalita sa isyung ito dahil alam kong naiintindihan ng mga tao ang sitwasyon namin. They don't really care, for as long as naa-appreciate namin ang ginagawa namin sa Dahil May Isang Ikaw.

"Kung hindi matanggap yun ng iba, wala naman akong magagawa. Naiintindihan ko rin sila. Basta, masaya kami sa consistent ratings ng teleserye, at wala akong dapat problemahin kung alam kong patuloy na nagtitiwala ang ABS-CBN sa amin ni Echo, at ipinagpapasalamat namin 'yun," pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN