PEP EXCLUSIVE: Presidential son Mikey Arroyo denies buying alcoholic drink at the height of typhoon Ondoy

IMAGE 0


"Paano ako pupunta sa Rustan's Katipunan noong Sabado? Imposibleng makadaan sa Katipunan noong Sabado dahil bahang-baha? Kasama ko ang pamilya ko sa Malacañang Palace noong Sabado. Tumutulong ako sa mobilization ng rescue at relief operations," says presidential son and congressman Mikey Arroyo about a photo posted in Facebook saying that he was buying an alcoholic drink at the height of typhoon Ondoy.


Kumalat noong Linggo ng gabi, September 27, sa social networking site na Facebook ang litrato ng isang lalake habang nakatingin siya sa mga bote ng alak sa isang supermarket. Tinukoy ng nag-post ng naturang litrato ang lalake na si presidential son at Pampanga Congressman Mikey Arroyo.

Ito ang titulo na nakalakip sa larawan: "Do you know where Mikey Arroyo was when Ondoy was ravaging the Metro? in Rustan's buying a brand of alcoholic drink."

Ito naman ang caption na nakalagay: "Was buying food for keeps... then we saw Mikey Arroyo in Rustans Liquor Section asking the salesman for a brand of hard alcoholic drink. Effin Crazy! Just a few kilometers away from Katipunan, people are needing help for search and rescue, and there he was buying bottles of alcohol."

Kinunan daw ang naturang litrato—na naging ugat para muling batikusin si Mikey ng media at ng Facebook users—sa Rustan's Supermarket noong Sabado, September 26, sa kasagsagan ng bagong Ondoy.

Sa exclusive phone interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Mikey kaninang bandang 7:30 ng gabi, Sept. 30, mariin nitong pinabulaanan na bumibili siya ng alak sa Katipunan branch ng Rustan's Supermarket noong Sabado.

"Paano ako pupunta sa Rustan's Katipunan noong Sabado? Imposibleng makadaan sa Katipunan noong Sabado dahil bahang-baha? Kasama ko ang pamilya ko sa Malacañang Palace noong Sabado. Tumutulong ako sa mobilization ng rescue at relief operations," pahayag ni Mikey sa PEP.

Sinabi ng presidential son na disappointed siya sa mga paninira sa kanya ng ibang tao.

Nang tanungin namin kung sino sa palagay niya ang kumuha ng litrato, sumagot si Mikey ng: "Baka isang estudyante na hindi ako gusto."

Nagpahayag din ng kalungkutan si Mikey dahil nagagawa pa raw ng ibang tao na manira habang abala sila ng kanyang pamilya ng mga nasalanta ng bagyo.

Para patunayan na hindi totoo na bumibili siya ng alak sa supermarket noong Sabado, gumagawa na ng aksyon si Mikey para malaman ang identity ng tao na nag-post ng kanyang litrato sa Facebook at may malinaw raw na intensyon na siraan ang pagkatao niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Idinagdag pa ni Mikey na dapat ma-regulate ang Facebook para hindi ito magamit ng mga tao na malakas ang loob na manira ng kapwa, pero hindi ipinapakilala ang sarili. (CLICK HERE to read related article on Spot.ph.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN