Sen. Jinggoy Estrada on Sen. Ping Lacson's 'expose' about Erap: "Ako, nakakatulog ako nang mahimbing."

IMAGE 0


"I didn't start this. Siya lang ang unang tumira. Natural lang na umaksyon ako," says Sen. Jinggoy Estrada about his conflict with Sen. Ping Lacson.


Proud na hinipo ni Sen. Jinggoy Estrada ang kanyang tiyan sa harap ng media habang iniinterbyu siya sa birthday celebration ng kaibigan niyang si Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr. noong September 25. Nagubunga na rin daw kasi ang ilang buwang pagda-diet ng actor-politician.

Hindi naman binigo ni Jinggoy ang kanyang kaibigan nung gabing yun, bagamat nandun din ang mga kapartido ni Bong sa Lakas party, sa pangunguna ni Pres. Gloria Macapagal Arroyo. Ang intriga, sinadya raw ni Jinggoy na hindi muna pumasok sa loob ng Whitespace, kung saan ginanap ang birthday party, dahil nandun pa sa loob si Pres. Arroyo.

Totoo ba ito?

"Hindi ko alam na nandun siya," simpleng sabi ni Jinggoy.

Pagkatapos nito ay inalam na lang namin kung ano ang iniregalo niya kay Bong.

"Wala, yung pagmamahal ko sa kanya at loyalty ko talaga," sagot niya.

Ano ang birthday wish niya kay Bong?

"Sana maging maligaya siya sa buong buhay niya at sa buong bayan."

SEN. LACSON'S "EXPOSE." Isang linggo rin silang nagbalitaktakan ni Sen. Ping Lacson sa Senado dahil sa "expose" ng huli tungkol sa ama ni Jinggoy na si dating Pangulong Joseph Estrada.

Kumusta naman si Jinggoy pagkatapos ng mga pasabog sa pamilya niya at engkuwentro nila ni Sen. Lacson?

"Okey lang. Ako, nakakatulog ako nang mahimbing. Sa akin, dapat lang talaga na gawin ko yun sa kanya. Na pabulaanan ang mga sinabi niya tungkol sa aking ama. Mas mahirap naman siguro kung hindi ko dinepensahan ang father ko," saad niya.

Sabi ni Bong ay pinayuhan daw niya pareho sina Jinggoy at Sen. Lacson na i-settle na lang ang problema nila. Ano ang reaksiyon dito ni Jinggoy?

"I didn't start this. Siya lang ang unang tumira. Natural lang na umaksyon ako," sabi niya.

Ano sa tingin niya ang epekto ng bangayan nila ni Sen. Lacson at ang mga sinabi nito tungkol sa kanyang ama?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, siguro may pinagtatakpan si Senator Lacson. Napatunayan ko naman na hindi kami mamamatay tao. Murdering is not our pastime," aniya.

Willing ba silang magkaayos kung sakaling si Sen. Lacson na mismo ang lumapit sa kanya at sa pamilya niya?

"Ang family ko is very forgiving. Si Chavit [Singson] na lang, di ba, napatawad niya [Erap]? Yun pa kayang naging tao niya? Naging tao niya 'yan [Ping], e," sabi ni Jinggoy.

May mensahe ba siyang gustong sabihin kay Sen. Lacson?

"Wala naman. Basta ako, marami akong kaibigan na hindi natatakot na i-squeal ko sila," makahulugang sabi niya.

2010 ELECTIONS. Malaki pa rin ang porsyento na tutuloy ang kandidatura ng dating Pangulong Erap sa 2010 election. May napipisil na ba na vice president ang kanyang ama sa pagtakbo niya next year?

"Baka si Mayor [Jejomar] Binay," sambit ni Jinggoy.

What about him? Wala ba siyang planong tumakbo for a higher position?

"Kinu-consider ako ni Senator [Manny] Villar na maging running mate niya, pero sabi ko pag-iisipan ko," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN