Thankful Cristine Reyes goes back to work after Ondoy nightmare

IMAGE 0


Cristine refuses to quantify or dwell on how much the flood has cost her, knowing she and her loved ones escaped with a whole lot more: "Kung iisipin ko pa yun baka manghina lang ako lalo. Importante ay buhay kami sa halos 60-plus na taong namatay sa village namin."


Kailangan nang bumalik sa trabaho ni Cristine Reyes dahil sa matinding pinsalang inabot ng kanyang tahanan mula sa bagyong Ondoy na rumagasa sa malaking bahagi ng Metro Manila noong nakaraang linggo.

Last Tuesday nga raw ay nagsimula na siyang mag-shooting para sa pelikulang pagtatambalan nila ni Vic Sotto, Ang Darling Kong Aswang na entry sa darating na Metro Manila Film Festival itong Disyembre.

Through text, kinumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ngayong tanghali (Oct. 3) ang FHM's Sexiest this year at aminado ang aktres na hindi niya malilimutan sa buong buhay niya ang mga nangyari sa kanila ng mga kamag-anak at kasambahay niya, at ipinagpapasalamat na lang niya na ligtas silang lahat sa animo'y bangungot na karanasanang iyon.

"Opo, back to work na ulit, ang dami ko po kasing babawiin, lahat nawala po pati yung brand new na car ko at saka van," panimulang text ng aktres.

Nang usisain ng PEP kung magkano ang total damage sa kanya personally, eto ang naging tugon niya.

"Naku, Ate, ang dami na po nagtanong niyan, pero kung iisipin ko pa yun baka manghina lang ako lalo. So, much better na 'wag na lang po. Importante ay buhay kami sa halos 60-plus na taong namatay sa village namin," saad pa ng message niya.

"Tatlong kotse po nawala, e, isang Dodge, Starex, at pick-up. Tapos lahat ng appliances, and buong bahay namin, sinira ng baha. Yung Dodge ko nga po hindi pa tapos hulugan, e," kasunod na text pa ni AA (tawag kay Cristine).

RICHARD TO THE RESCUE. Ipinagtanggol naman ni Cristine ang kanyang leading man-producer sa pelikulang Patient X na si Richard Gutierrez sa intrigang kesyo gimmick lang ang pagliligtas sa kanya ng aktor.

"Naaawa nga po ako kay Richard, kasi gumawa na nga siya ng kabutihan. Tumulong na nga na halos siya rin e puwedeng may hindi magandang mangyari, tapos huhusgahan pa siya ng mga taong walang magawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Idinagdag ni Cristine na kung hindi nakarating si Richard, ay babalikan naman daw siya ng mga kapatid niya na inunang i-rescue ang mga maliliit na pamangkin niya.

So, sa tingin niya kahit nadisgrasya ang kanyang ari-arian at muntik nang madamay ang mga mahal sa buhay ay may kapalit namang blessings ito, tulad ng iba't ibang project gaya nga ng Patient X at Ang Darling Kong Aswang?

"Siguro nga po, basta work lang muna ang gagawin ko. Kailangan kasing maibalik din ang mga nawala sa akin, parang back to zero, e," pagwawakas ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN