Aiko Melendez refutes claims that she did not extend help to typhoon victims in Quezon City

IMAGE 0


"Naniniwala naman kasi ako na ang mga bagay na ganito ay responsibilidad talaga ng isang public servant na gaya ko. Lalo na sa ganoong pagkakataon, pero hindi na kailangang konting kibot, nami-media para lang masabing tumutulong ako," says Aiko Melendez.


Iniintriga pala ang actress-politician na si Aiko Melendez kaugnay ng nakaraang bagyong Ondoy na maraming pininsala. Iniugnay kasi ang pagtulong diumano ng aktres na si Angel Locsin sa ilang barangay na nasasakupan ni Aiko sa second district ng Quezon City bilang konsehala roon, at sinasabing wala raw nagawa si Aiko para matulungan ang kanyang constituents na naapektuhan ng kalamidad.

Pero mariin itong pinabulaanan ni Aiko nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Hindi naman kasi totoong wala akong ginawa," sabi ni Aiko. "And in fact, hanggang ngayon, wala kaming tigil sa pagtulong at paghingi na rin ng tulong para sa mga naapektuhan ng bagyo. Pagkatapos na pagkatapos ng bagyo, kahit binabaha pa ang ilang areas, dumalaw na ako sa Barangay Holy Spirit at sa Bagong Silangan para mamahagi ng relief goods, at obserbahan na rin ang iba pang pangangailangan ng mga tao doon.

"Naniniwala naman kasi ako na ang mga bagay na ganito ay responsibilidad talaga ng isang public servant na gaya ko. Lalo na sa ganoong pagkakataon, pero hindi na kailangang konting kibot, nami-media para lang masabing tumutulong ako."

At press time, 15 barangays na raw ang nabibisita ni Aiko nang personal at namamahagi talaga siya ng tulong.

"Pagkain talaga ang kailangan nila doon," sabi niya. "Dapat na ma-sustain din ang pagtulong, at hindi naman yun minsanan lang. Kailangang pina-follow up yun, at yun ang hindi naiintindihan ng iba. Kaya nga kinakapalan ko na ang mukha ko, nilalapitan ko pati ang mga kaibigan ko, like Regine Velasquez, Ogie Alcasid, and Pops Fernandez. Nagbigay talaga sila ng tulong. Kasi, kung iaasa din lang lahat sa Q.C. government 'yan, kakapusin.

"Napakalawak ng damage ng bagyo, lalo sa district na nasasakupan namin. Mabuti na lang, to prove it, ikinalat ko sa Facebook yung documented photos, yung accounts ng pagtulong na ginawa namin personally.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi na ito dapat ginagawa, pero mabuti na rin yun. May dates talaga ang na-document na mga litrato, just to prove na kumikilos naman kami at hindi totoong wala na kaming ginagawa. Sa City Hall din kasi, kailangan ang mga proof na yun para malaman din nila doon na totoo ang naire-report namin at yung hinihingi naming tulong na dapat i-extend sa mga kababayan natin," paliwanag ni Aiko.

Malapit na kasi ang eleksyon. Hindi kaya naiisip ni Aiko na pakana rin ito ng mga kalaban niya sa pulitika?

"Hindi ko na iniintindi kung inggit ba 'yan o sinisiraan lang ako, kasi hindi ko na problema 'yan," saad niya. "Ako naman, mananahimik lang siguro ako kung guilty ako sa mga akusasyon. Pero ito'y malinaw na walang basehan.

"Hindi ko lang talaga ugaling sa bawat pagtulong ko, kailangang nabu-broadcast o nami-media. Kawanggawa 'yan, e. Hindi na 'yan dapat ibinabalandra sa mga tao, kasi marami naman ang makapagpapatunay—lalo na ang mga supporter ko—na tumutulong talaga kami sa mga nangangailangan.

"Hindi na rin kailangang maghintay na may humingi ng tulong. Kasi, sa halip na siraan nila ako o intrigahin, o kahit na sino sa panahon ng krisis, mas mabuti sigurong tumulong na lang tayo. Yun lang din ang ginagawa ko, hindi lang bilang public servant, kung hindi as a private citizen na may responsibilidad sa kapwa ko kapag may mga ganitong pagsubok na dumarating.

"At wala naman sa intensyon ko na gagawin ko lang ito dahil tatakbo ako sa pagka-vice mayor sa susunod na eleksyon. Hindi sa lahat ng pagkakataon, sapat ang maitutulong ng munisipyo, pero gumagawa kami ng paraan para makatulong."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN