Kobe Bryant sends message of hope to Filipinos hit by typhoons

IMAGE 0


NBA superstar and L.A. Lakers shooting guard Kobe Bryant says Filipinos' strength and perseverance are remarkable. "I have no question in my mind that they'll bounce back from it. And I can't wait to go back over there and help them out," Kobe said.


Kamakailan ay ini-report sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang mensahe ng pakikiramay at paghingi ng tulong ng Hollywood stars na sina Demi Moore at Ricky Martin, pati na rin ang world-renowned novelist na si Paulo Coehlo. (CLICK HERE to read related article.)

Nitong Martes naman, mismong si U.S. President Barrack Obama ang nagparating ng kanyang pakikiramay at pangakong financial aid para sa Pilipinas matapos makita ang danyos na nagawa nina Bagyong Ondoy at Pepeng.

Nang sumunod na araw, sa YouTube, in-upload naman ng NBA (National Basketball Association) correspondent na si Elie Seckbach ang interview niya kay NBA superstar and Lakers shooting guard Kobe Bryant na nagpadala ng mensahe ng pag-asa at pagbibigay ng moral support sa mga nasalantang Pilipino. (CLICK HERE to watch video.)

"My thoughts and prayers are with them. And...they have a lot of strength, a lot of pride. And the time that I spent over there, getting to know the country a little bit and the people, and the perseverance and the strength that they have is remarkable. So, I have no question in my mind that they'll bounce back from it. And I can't wait to go back over there and help them out," sabi ni Kobe sa interview sa kanya ni Elie.

Kagagaling lang sa Pilipinas ni Kobe noong July 21 at ang Manila ang una niyang pinuntahan sa kanyang six-city Asian tour matapos manalo ang team niyang L.A. Lakers ng pang-apat na NBA championship nito.

Mula 2006, taun-taon nagpupunta si Kobe sa Asia bilang parte ng promotion ng isang brand ng sapatos at upang makita ang progress ng players ng basketball sa bahaging ito ng mundo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN