PEP EXCLUSIVE: Mikaela Bilbao denies sending threatening text messages naming Gretchen Barretto and Pops Fernandez

IMAGE 0


"As far as I know, I did not send any text messages that are bad to Ana Abiera, to Gretchen Baretto, or to Pops Fernandez," says Mikaela Bilbao.


Itinanggi ng businesswoman na si Mikaela Bilbao na siya ang nagpadala ng text messages na nailathala rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, October 8.

Dalawang beses naming nakausap sa cell phone si Mikaela ngayong araw, Oktubre 9. Una ay noong 3:31 ng hapon at pangalawa noong 6:29 ng gabi. Tumagal lamang ng 12 minutes ang dalawang beses naming pag-uusap.

Sinabi niyang wala siyang ipinadalang text messages kay Ana Abiera na nagdadawit kina Gretchen Barretto at Pops Fernandez. Ayon sa text messages, "nakikikomisyon" daw ang dalawang artista sa mga road projects ng dating executive director ng Road Board na si Rodolfo "Dody" Puno. (CLICK HERE to read related story.)

THE FIRST CONVERSATION. Kung kahapon ay nahirapan kaming kontakin si Mikaela, kanina ay nakontak namin siya sa kanyang cell phone sa tulong ng isang photographer na malapit sa kanya.

Pagkatapos naming ipakilala ang aming sarili ay humingi kami ng pahintulot kay Mikaela na i-record ang aming pag-uusap. Pumayag siya.

Kinumpirma muna ng PEP kay Mikaela kung may ipinadala siyang maiinit na text messages kay Ana Abiera, kung saan binanggit din ang mga pangalan nina Gretchen, Pops at Dody.

"Wala akong pinapadalang text messages kay Ana Abiera except tungkol... Ang alam ko lang kasi, bebentahan ako ni Ana Abiera ng insurance, Sun Life, and then sa kanya ako umo-order ng pabango. Wala akong ibang, other... Is that it, tungkol ba sa pabango?" tanong sa amin ni Mikaela.

Sinabi naming hindi ito tungkol sa pabango kundi sa diumano'y "pangongomisyon" nina Gretchen at Pops "sa road safety at road works ng mga raket ni Dodie."

"If you're talking about any text messages coming from me, I don't have anything to do with that...." sabi ni Mikaela.

Nang makausap namin siya, sinabi niyang hindi pa niya nababasa ang artikulong naisulat sa PEP kahapon.

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Gretchen noong gabi ng Oktubre 7, kinumpirma ng aktres na may ganoong threatening text messages. Ipinadala raw ang mga ito sa kaibigan nila ni Pops na si Ana Abiera, at ang nagpadala raw ay si Mikaela Bilbao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Then the burden of proof lies on her [Gretchen]," sagot naman ni Mikaela nang kunin namin ang kanyang reaksyon sa sinabi ng aktres. "First, she has to prove that that is my phone... If the phone number is the one I gave you... If the number is what I gave you, then it is my number. If it is another number, I don't have any other number.

"As far as I know, I did not send any text messages that are bad to Ana Abiera, to Gretchen Barretto, or to Pops Fernandez. As a matter of fact, I've been trying to get in touch with Pops because I just received a letter from her yesterday with regards to her endorsement. So, I was trying to get in touch with her, but her number is not already... hindi ko makontak yung number niya. Palagay ko nagpalit siya ng number. But that is only because of her endorsement.

"Other than that, wala akong kinalaman kay Dody Puno, na text messages regarding Dody Puno, text messages regarding komisyon or whatever, wala akong kinalaman diyan," mariin niyang sabi.

Kung hindi siya ang nagpadala ng text messages na ito, may hinala ba siya kung sino ang nagpadala o nagpakalat ng mga ito?

"Hindi ko alam, e. Wala akong idea, e. Wala akong idea kung sino, kasi nananahimik ako, e. That's so impolite," sabi niya.

Kaibigan ba niya sina Gretchen, Pops at Ana?

"I used to go out with them... But when I got sick, I have been recovering, so I don't go out anymore," sagot niya. Hindi niya sinabi kung ano ang naging sakit niya.

Kinausap ba siya ni Gretchen, ni Pops, o ni Ana tungkol dito?

"No, no, no... I'm surprised myself that you're calling me, and I haven't read your article yet. But rest assured that I will read it... Is it criminally incriminating?" tanong niya sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinagot namin siya na "matapang" ang mga nakasaad sa text messages at sinabihan namin siya na basahin muna ang artikulong lumabas dito sa PEP at saka namin siya ulit kukunan ng pahayag.

"Okay then, I will have to consult also my lawyer if that is the case," sagot sa amin ni Mikaela. "Babasahin ko muna kung maaari, kasi wala akong idea kasi, e. I was caught unaware right now."

May mensahe ba siyang nais iparating kina Gretchen, Pops, at Ana?

"Well, I don't know... I wish everybody the best of life... I don't know," tila nalilito niyang sabi.

Bago namin patayin ang aming mga telepono ay nangako si Mikaela na tatawagan niya kami pagkatapos niyang mabasa ang artikulong sinulat namin.

THE SECOND CONVERSATION. Gaya ng ipinangako ni Mikaela, tinawagan niya kami makalipas ang tatlong oras. Kalmado ang tono niya nang makausap namin siyang muli.

Nabasa na raw niya ang artikulo. Inulit niya sa amin na hindi siya ang nagpadala ng text messages na nakarating kay Ana.

"It's not me," diin niya.

Na kay Ana ba ang cell phone number ninyo?

"Oo," mabilis niyang sagot.

Posible bang may ibang taong nag-text kay Ana gamit ang cell phone niyo?

"No."

Bakit sinabi ni Ana kay Gretchen na galing sa inyo yung text message?

"Hindi puwedeng manggaling sa akin 'yon," ulit ni Mikaela. "Ask her, ask her... She should verify the cell phone number first."

Pero bakit tila siguradong-sigurado si Gretchen na galing sa inyo yung mga text messages?

"Ask her," sabi na naman niya. "Kasi, hindi ko pa alam, e. I can't answer the question."

Ano yung reaksyon n'yo sa mga sinabi ni Gretchen?

"Well, 'eto... I did not approach them for anything, much so for a government project, because it is not my business. I don't want anything to do with government. And I never wanted to have anything to do with government. It's not my line. My line is in beauty, pa-sexy!" sabi ni Mikaela na may kasabay na halakhak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang reaksyon niya sa sinabi ni Gretchen na gusto siya nitong "ipa-blotter" at "kasuhan"?

"Everybody has the right to do what they want to do," sagot niya.

Inulit namin ang aming tanong sa una naming pag-uusap: hindi ba niya sinubukang kontakin si Gretchen upang linawin ang paglabas ng text messages na ito?

"Wala. Wala naman," maikli niyang tugon.

May balak ba siyang kausapin si Gretchen o si Pops?

"Wala din."

Okay ba sila nila Gretchen?

"Well, we used to go out before, kaso lang nagkasakit ako, so nag-lie low ako, nagpapahinga ako. Medyo lie low ako ngayon sa mga social activities. So, yun lang. Ayokong magpuyat, ayokong mag-socialize muna, ayokong mag-inom-inom."

Wala naman silang away ni Gretchen?

"Sa pagkakaalam ko, wala."

Are you still friends?

"I hope so!"

Kung magkaibigan pa rin sila hanggang ngayon, bakit tila mahirap para sa kanila ang tawagan ang isa't isa upang klaruhin ang paglabas ng text messages na ito?

"Because we're not close. Hindi kami close. Social friends, oo, pero we're not close," sagot ni Mikaela.

What's the next step for her now that this issue has come out?

"I don't think there is any next step but to call you, with due respect to PEP, which I very much respect. I respect PEP very much. So, that's the reason why I had to call you. That's my only plan. I had to call you, and I have to give you an answer with due respect to you," saad niya.

Sa unang pag-uusap namin ay nabanggit ni Mikaela na baka kailangan niyang konsultahin ang kanyang abogado pagkatapos niyang mabasa ang artikulo namin. Ngayong nabasa na niya ang artikulo, may dahilan ba para komunsulta siya ng abogado?

"Wala nga, e, kasi nung nakita ko, hindi naman. 'Tsaka gabi na rin ngayon, so hindi ko na rin mako-consult. Kasi noong una, nung sinabi n'yo sa akin na may legal ano si Gretchen, kaya ko rin lang sinabi na kung meron mang kaso, so I will have to consult my lawyer. Pero reading your article, I don't think there is any need for me to consult a lawyer, because I did not send the text messages," muling pagtanggi ni Mikaela.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN