Claudine Barretto still tears up when she recalls fears for hubby Raymart's safety during Ondoy

IMAGE 0


Claudine hasn't made a picture in two years and is thrilled about her new deal with Viva Films, but it's recalling husband Raymart Santiago's heroics during typhoon Ondoy that still gives her the chills: "Ang tagal-tagal niya nang nasa tubig. Siguro mula 12 noon hanggang 10 yata ng gabi. Akala ko hindi ko na makikita yung asawa ko."


Pumirma ng two-picture contract ang aktres na si Claudine Barretto sa Viva Films noong Huwebes, Oktubre 9, sa harap ng excecutives nito na sina Vic, Veronique at Vincent del Rosario, June Torrejon-Rufino at Shirley Kuan. Sa panayam kay Claudine ng SNN: Showbiz News Ngayon kagabi ay sinabi niya na sobrang saya niya na makagagawa na rin siya ng pelikula para sa Viva.

"Masayang-masaya and I'm very excited. This is the first time I'm gonna work with Viva for movie," sabi ni Claudine.

Bago niya tinanggap ang offer ay nagpaalam naman daw siya sa ABS-CBN Star Magic, ang humahawak ng career niya.

"I asked permission kay Tita Mariole [Alberto] at kay Mr. M [Johnny Manahan]," sambit niya.

Ang huling pelikulang ginawa ni Claudine ay yung Sukob mula sa Star Cinema, kung saan ay nakasama niya rito si Kris Aquino.

Noong 2006 pa yun. Kaya sobrang na-miss daw ni Claudine ang paggawa ng pelikula. "Parang feeling ko, na-miss ko yung big screen."

FIRST VIVA FILM WILL BE WITH ANNE CURTIS. Kaya ba siya nag-decide na pumirma ng kontrata sa Viva dahil matagal na siyang di nabibigyan ng pelikula ng Star Cinema at iniwan na niya ito?

"Hindi naman ako umalis sa kanila. I'm still willing to work with them. Konting freedom lang ang hinihiling ko."

May gagawin naman daw pelikula si Claudine sa Star Cinema.

"Actually, there is one on January [2010]. And we're hoping that we could start 'etong November. Kasi parang ang tagal-tagal na. Tapos we'll be starting yung serye namin ng ate ko [Gretchen Barretto] na kung kelan ilalabas, hindi namin alam. Supposedly October 10 ang start ng taping namin. Kaso may mga inaayos pa because of the bagyo nga," paliwanag ni Claudine.

Sa unang pelikulang gagawin ni Claudine sa Viva ay si Anne Curtis ang makakasama niya.

"I've been telling Anne for the longest time that I really love to work with her. At least hindi lang kami magkakasama sa isang network kundi sa isang pelikula sa labas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ONDOY VICTIMS AND RESCUERS. Isa rin ang mag-asawang Claudine at Raymart Santiago sa biktima ng bagyong si Ondoy. Binaha ang kanilang bahay. Pero sa kabila nito ay nagawa pa ring tulungan ni Raymart ang mga kapitbahay nila na binaha rin, sa tulong ng kaibigan nilang si Jericho Rosales. Sinuong ng dalawang aktor ang baha.

"During that time na nangyayari yun, natakot talaga ako. Ang tagal-tagal niya nang nasa tubig. Siguro mula 12 noon hanggang 10 yata ng gabi. Akala ko hindi ko na makikita yung asawa ko. Talagang iyak ako nang iyak. Sabi ko 'Echo, Echo, balikan mo si Raymart'. And malakas naman ang loob niya, talagang binalikan naman niya ang asawa ko.

"Alam ko hindi kukunin ng Diyos yung asawa ko sa akin. Siguro naman I won't be going do something as bad as losing someone again. Kasi parang... siguro sobra naman yun," naiiyak na sabi ni Claudine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN