Jake Cuenca says Kapamilya relief efforts weren't for show: "It's beyond being artista na."

IMAGE 0


Jake Cuenca, who packed relief goods and went to flooded areas, saw for himself the urgent need for help: "Nakita ko na yung mga nasalanta. Nakita ko yung desperation... Alam mo yun, yung itsura ng mga taong nawalan? It's something I'd never forget."


Isa si Jake Cuenca sa mga ABS-CBN artists na hiningan ng pahayag tungkol sa mga intrigang pinupukol ngayon sa Kapamilya network.

Kesyo daw hindi nagbigay ng relief goods ang Sagip Kapamilya sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy kung walang kasamang artista.

O kung walang kamerang kukuha sa kanila habang nagbibigay ng relief goods.


And worst, nagpapa-photo op (photo opportunity) lang daw ang mga ito sa mga fans.

Sa isang panayam ng DZMM radio recently, may sagot si Jake sa mga isyung ito.


"Siguro, yung photo op, after kasi nagre-request yung iba... That day, I really volunteered. Kasi, it wasn't really... For me, it's beyond being an artista, e.


"Hindi ko na iniisip na artista ako, e. Gusto ko lang talagang makatulong sa, you know, sa fellow Filipinos natin nang libre.


"So, definitely, it's really a different experience... For me, the packing [of goods] was already an experience. Tapos, nang magpunta kami ng BiƱan, Laguna, iba na naman yun...


"Nakita ko na yung mga nasalanta. Nakita ko yung desperation... Alam mo yun? Yung itsura ng mga taong nawalan. So, definitely, kakaibang experience talaga siya. It's something I'd never forget."


PHOTO OP LAST THING ON THEIR MINDS. Sa ganoong sitwasyon, sabi ni Jake, di na maiisip ng mga tao na magpalitrato pa sa kanila.


"Actually, what happened was, pagdating namin doon, siyempre, natuwa ang mga tao, kasi marami kami. Natuwa sila. Pero yung tuwa na yun, siguro, mga limang minuto lang tumagal. Tapos, nag-sink na siguro sa kanila na, 'Kailangan namin ng tubig, kailangan namin ng pagkain, kailangan namin ng damit.'


"So, it wasn't an ano... Parang kumbaga, hindi talaga siya parang naging mall show, kumbaga, it was really... us as young people, you know, kasi, I was with the new Gimik barkada [to be launched soon]... Sa kanila, it was a different experience talaga, coz first time nila to be in front of so many people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"And for me, iba yung sudden urge na kailangan mong tumulong talaga. Nung makita nila ang mga taong pumila doon. May babaeng buntis doon. May mga babaeng dala nila ang mga anak nila...


"Kung makikita niyo lang ang mga mukha nila, sobrang makikita mo talaga yung desperation. Nakakaawa talaga.


"It's beyond being artista na, e, parang... I think, that's why when I did an interview, I was strongly encouraging everyone, not only the youth, na magtulung-tulong tayo ngayon kasi sa tingin ko, this is the time na talagang kailangan na tayong magtulungan dahil ang daming nasalanta, ang daming naapektuhan ng bagyo," pagtutuloy pa ni Jake.


Nasambit ng lady anchor ng radio show na kahit papaano, nakakatulong din na may artista sa paligid. Naiibsan kahit sandali ang kalungkutan ng mga tao kapag nakikita nila in person ang mga hinahangaan nilang artista.


SETTING A GOOD EXAMPLE. Recently, sa Sagip Kapamilya telethon ng ABS-CBN, nanawagan si Kris Aquino sa mga artista na pumunta at tumulong sa mga lugar na nasalanta hindi para magpa-photo op, kundi para maramdaman ng mga tao na they also care.

Sang-ayon dito si Jake: "Tama po yun. 'Saka sa akin, yung sa packing, there were not much people doon, pero noong dumating ako doon, nagkagulo for a while, pero makikita mo na they took example from me.


"Parang kumbaga, I was working hard packing the stuff, and then parang na-boost yung morale nila...


"Kasi, siyempre, kumbaga, yun yung perks ng pagiging artista, e. Kumbaga, parang nakakapagbigay ka ng inspiration, parang nakakapag-influence siguro ako, so, yung mga tao, parang na-boost yung morale nila."


Naniniwala si Jake na sa kabila ng unos na ito, handang makiisa o sumuporta sa mga tao ang mga paborito nilang celebrities. Sinabi rin ng male anchor na sa Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, ay hindi inoobliga ang kanilang talents na pumunta sa mga relocation centers upang magpamudmod ng relief goods.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Kami po sa Star Magic, all of us were aware na there's an operation going on. Pero ang mga artista po, kusang nagdatingan, hindi lang from Star Magic," sabi ni Jake.


"'Saka voluntarily 'yon, at na-pack up din naman ang mga taping namin dahil nabaha ang mga locations na pinagte-taping-an namin at maraming naapektuhan sa mga staff and crew. So, lahat kami, more or less, bakante kami, e.


"So, sa lahat ng mga artistang nagpunta doon, kumbaga, lahat ay nag-volunteer," pagdidiin ni Jake.


NO SPECIAL TREATMENT FOR STARS. Pinabulaanan din ni Jake ang kumalat na text message last week na may ilang university students raw ang nadismaya sa bagal ng distribusyon ng goods sa ABS-CBN relief center dahil kailangan pa raw maghintay sa availability ng kanilang stars upang maihatid ito sa evacuation sites.


Ang sabi, ginagamit lang daw ng ABS-CBN ang kawanggawa para sa ikagaganda ng "image" ng Kamapilya network.


"I don't think that's true," pagtanggi ni Jake. "Kasi, pagka naman walang artista, they are using voluntary students... Tuluy-tuloy lang ang labas [ng goods], e.


"Regardless yun sa availability ng artista. Kumbaga, ang priority noon ay makapagbigay ng mga pagkain. Hindi naging priority whatsoever ang mga artista.


"There was not even a special treatment for stars. Wala. I don't believe it's true."


Dagdag pa ng news anchor, noong isang araw daw, out of 16 trucks na lumarga with goods, tatlo lang ang may kasamang stars.


"Yung operation rin, hindi siya planado, e. Kumbaga, ang dating, kung may artista, e, di mabuti. Kung wala, e, di okey rin lang. Kasi, parang hindi talaga naging priority yun.


"Kesa yun ang problemahin, problemahin na lang natin kung paano tayo makakatulong, kesa magsiraan. Tapos, ang mga endorsements namin, like sa akin, yung Bench and marami pa... I'd like to take this opportunity to thank Emperador, which donated one million pesos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Yung Emperador, a million pesos! Ano 'yan, ha, they just saw me last Sunday sa telethon. From there, tumawag sila sa akin agad, as in hindi ko hiningi yun at all, they volunteered, at wala silang hinihinging kapalit.


"After this nga, pupunta ako sa office nila para magpasalamat, kasi, na-touch ako kay Winston, yung owner ng Emperardor, dahil it was so instant, walang kahirap-hirap, naisip lang niya 'yon. Sabi niya, 'I saw the telethon kanina and we really wanna help, and we decided to donate a million pesos!"


FASHION SHOW FOR A CAUSE. Samantala, sa interview naman ni Jake sa SNN: Showbiz News Ngayon, masaya nitong ibinalita na may benefit event ang Star Magic mamayang gabi, October 11, sa isang malaking studio ng ABS-CBN, bilang tulong pa rin sa Ondoy victims.


"It's a benefit fashion show. Ang lahat ng proceeds nito mapupunta sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy. Direk Ariel [Lozada] will be directing it, he's a very, very renowned director in modeling.


"This is a chance for all of us to help. It's a very big, big fashion show. Ginawa namin itong the Star Magic way na very entertaining and very tasteful show.


"Everyone will be there from John Lloyd Cruz to Bea Alonzo, to Gerald [Anderson] and Kim [Chui], myself, everyone...

"So, isa itong magandang-magandang event, at ito na ang pagkakataong magkasama-sama kaming lahat, and at the same time, yun na nga, all the proceeds nito will go to donations."

Kabilang sa mga sikat na fashion designers na magpa-participate sa nasabing show ay sina Randy Ortiz, Bang Pineda, Francis Libiran, and marami pang ibang designers who are all enthusiastic to help the flood victims.


Binalita rin ni Jake na sa gaganaping big concert ng Star Magic sa November sa Araneta Coliseum, ang talent fees raw nila ay ido-donate rin nila sa Ondoy relief operations.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Lahat po kami ay nagkaisa, pinagdesisyunan po namin na lahat ng talent fees namin will go to proceeds as well, kasi yun nga, marami sa atin ay naapektuhan ng bagyo, and it's just our way of helping people.


"Kaya excited na excited na kami to do this and para sa mga tao ito na naging biktima ng bagyong Ondoy," pagtatapos ni Jake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN