Akihiro Sato on Moshi-Moshi crush Rufa Mae Quinto: "For me, she is a superstar!"

IMAGE 0


The very first scene Akihiro and Rufa Mae did was a kissing scene. "We are being professional on the set. I got shy but I have to do it. All I can say is masarap ang lips niya and I am waiting for the next kissing scene!" Akihiro laughed. No news as to how many takes it took. ...


Masaya ang Brazilian-Japanese model na si Akihiro Sato dahil nagsimula na ang kanyang first acting job via SRO Cinemaserye Presents Moshi-Moshi.... I Love You kunsaan katambal niya si Rufa Mae Quinto.

Gaganap ng isang telenovela actor from Japan si Akihiro at makikilala niya sa Pilipinas ang kanyang number one fan na gagampanan ni Rufa Mae, na isang may-ari ng laundry shop at mahilig manood ng mga foreign telenovelas.

Sa naganap na taping nila ni Rufa Mae sa isang resort sa Candaba, Pampanga, inamin ni Akihiro na kinakabahan siya sa unang acting assignment niya. Pero he is trying his best na makaarte nang tama dahil ito raw ang gusto niyang gawin noon pa.

"I really try to study acting and work on my Tagalog. They gave me many Tagalog lines and I don't mind if they do. I want to practice speaking it because I already understand the language.

"I like to thank the people here because they are very patient with me and they are very supportive. It's a good thing that we are doing something funny because Rufa Mae is a really funny girl. Gusto ko siya kasi maganda siya at nakakatawa!" sabi pa ni Akihiro.

RUFA MAE IS "MAGALING AND MABAIT." Inamin din ni Akihiro na may crush siya kay Rufa Mae noon pa dahil nakikita na niya ang mga pictures nito sa mga magazines. Matagal na raw niyang gustong makilala ito.

"I told Rufa Mae that I have a crush on her even before we met today. I always ask my friends here who she is and how can I get to meet her. It's a good thing that we ended up working with one another on SRO. She's very magaling and mabait. For me, she is a superstar!"

Unang eksena nga nila ni Rufa Mae ay kissing scene agad. Sabi ni Akihiro, "masarap" daw ang mga labi ni Rufa Mae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We are being professional on the set. It's a scene that we have to do. I got shy but I have to do it. All I can say is masarap ang lips niya and I am waiting for the next kissing scene!" tawa pa ni Akihiro.

CELEBRITY DUELS.Natanong si Akihiro tungkol sa balitang pinagselosan daw siya ni Phil Younghusband na kapwa contestant niya sa Celebrity Duets. Nangako daw kasi ang babaeng manager ni Phil na gagastos ito ng text votes para kay Akihiro. Nang malaman ng Fil-Brit ay nag-away sila ng manager niya.

Ang reaction ni Akihiro tungkol dito ay, "Phil is my friend and I also know his manager. Phil has been a friend for a long time now and we never have any problems.

"I don't know anything about this news. The last time I talked with Phil is when I asked him if he can do a duet with me in Celebrity Duets. He said yes to me. So I guess there's no problem between me and him. I think the problem is between Phil and his manager. I have nothing to do with whatever they are fighting about."

Magkakaroon ng fans day si Akihiro kasama si JC Tiuseco sa October 22, 6 p.m. sa Entertainment Plaza ng SM City North EDSA. Pagkakataon ito ng kanilang fans na makasama sila sa games, kantahan at autograph signing.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN