Dingdong Dantes on Rhian Ramos: "Gusto ko siyang makilala kung sino siya ngayon... not because kung ano ang past niya."

IMAGE 0


"I am enjoying what I'm doing and I love my work. At the end of the day, I love my life," says Dingdong Dantes.


Hindi maiiwasang mas nagkakakilanlan at nagiging kumportable sa isa't isa sina Dingdong Dantes at Rhian Ramos habang tumatagal ang kanilang pagsasama sa taping GMA-7 primetime series na Stairway to Heaven.

Kumpara noong nagsisimula pa lang silang mag-taping na hindi pa sila masyadong palagay sa isa't isa, this time ay mas detalyado na rin ang mga komento ni Dingdong about his new leading lady.

Dingdong was asked kung naseseksihan ba siya kay Rhian.

"Like I always say, her asset is how she carries herself. Lalo na kapag naglalakad siya. And I believe naman na yung ganoong aspeto na nadadala niya ang sarili niya, kailangan, may kaakibat na kaseksihan 'yan. Otherwise, walang dating. But she carries herself very well and when she walks, para siyang nagga-glide," paglalarawan ni Dingdong kay Rhian.

Nakausap ng PEP si Dingdong sa book signing ng kanyang bookazine na YES Life Stories: Dingdong kahapon, October 11, sa National Bookstore sa TriNoMa Mall.

IF DINGDONG WERE SINGLE... Kung nagkataon ba na single siya, posible siyang ma-in love kay Rhian?

"Mahirap akong ma-in-love, e. Kasi kapag na-in love ako, todo. So, ayoko munang pasukin yun," sagot ni Dingdong.

Sa hiwalay na interview, sinabi ni Rhian na kung single daw siguro si Dingdong, posibleng ma-in love ang aktor sa kanya. Ano ang masasabi ni Dingdong dito?

"Sinabi niya yun, ha? Baka kailangan niyang mag-isip ulit, kasi tarantado ako, e!" natatawang biro niya. "Pero alam n'yo, sa totoo, sa tagal naming nagkakasama sa taping, habang dumadagdag ang mga araw, mas nakikilala ko siya, mas naa-appreciate ko siya."

Ano yung mga bagay tungkol sa kanyang bagong leading lady na naa-appreciate niya?

"Naa-appreciate ko yung commitment niya sa ginagawa niya, kasi alam ko na nakikita ko na she really likes what she is doing and that she is cooperating. Ini-enjoy niya. Yun lang naman ang importante, yung ini-enjoy niya ang ginagawa niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakikita ba niya yung dedication ni Rhian sa trabaho nila, lalo na sa character nito bilang Jodi/Jenna sa Stairway To Heaven?

"Oo, pero hindi ko masasabi na from day one, ha," paglilinaw ni Dingdong. "Ang kagandahan ng ginagawa namin, as we go along sa taping, we discover our characters deeply. We discover ourselves. Kumbaga, yung proseso, mas gumaganda. Hindi yung sa umpisa pa lang, okey na kami. Hindi ganoon, e. Kumbaga, habang tumatagal, mas nagiging into character kami. Mas naiintindihan namin kung paano yung atake. I think that's what's special or how dynamic our tandem."

NOTHING PERSONAL. May mga napag-uusapan na ba silang personal magmula noong una siyang nai-interview kung saan tahasan niyang sinabi na wala pa sila sa ganoong level?

"Personal, hindi... but we talk personally na. We talk directly. Still, ayaw naming mag-meddle. Like, I do not know or I do not ask her if she's in a relationship or not, never naming na-tackle yun. Hindi ko tinatanong. We talk things about us. Yung ano ang hilig namin, ano ang gusto namin. Pero yung mga detalye ng kung ano ang past, present, walang ganoon."

Bakit?

"Kasi, gusto ko siyang makilala kung sino siya ngayon. Kung ano ang nakikita ko sa kanya as is, not because kung ano ang past niya. Walang ganoon."

So, hindi pa sila ganun kakumportable dahil may mga limitasyon pa ang puwede nilang pag-usapan?

"Kapag sinabi ko namang sobrang comfortable kami, e, para mong sinabi na nagsama na kami ng limang taon. Nagsasama pa lang kami ng isa, dalawang buwan," paliwanag ni Dingdong.

Ganoon ba talaga siya katagal bago maging kumportable sa isang tao?

"Kapag sobrang kumportable? Oo naman! But I can say we're getting there."

May possibility ba na maging close sila?

"Sa tingin ko, oo. Bakit naman hindi?" sagot niya.

Ano pa ang mga nadi-discover niya sa leading lady niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami... singer pala siya!" natatawa nitong sabi.

Kinakantahan na ba siya nito?

"Hindi naman... narinig ko lang. Para siyang chill na parang... Basta iba, para siyang relaxing, yung music niya.

"Si Rhian kasi, she seems snobbish sa umpisa. Mukha siyang very intimidating because maganda siya, the way she speaks. The truth is, tahimik na tao siya at mabait sa lahat ng tao. Tapos kapag kinausap mo, talagang sasakyan ka talaga niya."

Sa palagay ba niya ay misunderstood lang si Rhian dahil patuloy pa rin na may mga negative comments na ibinabato rito?

"Everyone can be misunderstood, siguro... Ewan ko kung may ganoon siya. Pero ako, I'm relying on my first impression," sagot niya.

Hindi ba siya nagtataka na this time, si Rhian na ang inuurirat sa kanya ng press?

"Hindi naman, okey lang. Kasi ano, e, it is a situation. We are going to a process. Ako naman, kahit ano, puwede kong pag-usapan."

RHIAN'S BIRTHDAY. Nag-celebrate ng kanyang 19th birthday si Rhian recently. May birthday gift ba siya rito?

"Wala, e... pero binati ko naman siya. Wala kasi ako noong birthday niya. May taping siya noon and I was not there. Nagkataon na may event ako. Isang hosting event na na-cancel because yun ang Friday na yun na parang may [bagyong] Pepeng, na akala natin maghi-hit sa Manila."

Kung sakali, anong birthday gift ang gusto niyang ibigay rito ayon sa pagkakakilala niya kay Rhian?

"Siguro bibigyan ko siya ng maraming chocolate oatmeals. Hilig niya yun, e."

How does he feel na kasabay ng pagganda ng kuwento ng Stairway to Heaven ang pagtaas ng rating nito?

"Kahit kami nae-excite kami sa istorya. Kahit kami, nae-excite kami sa pag-execute. And hindi na namin ginagawang basehan ang rating. Ang ginagawa namin, after doing the scene, do we feel good? Yun na ang sa amin, e. We can't rely on that [ratings] anymore, especially after what's happening, ang daming nawalan ng TV, ang daming nawalan ng kuryente, ang daming nawalan ng bahay. So I think, that shouldn't be the case right now. It is how we appreciate what we do," saad ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SELOS ISSUE. Diretsahan na ring tinanong si Dingdong ng mga entertainment writers tungkol sa ilang reports na naglalabasan na kesyo may selosan daw sa pagitan ng rumored girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera at kay Rhian.

Ano ang masasabi niya rito?

"Wala namang dapat ikaselos," diin ni Dingdong. "Pero sa detalyeng yun, I think I'm not the right person to answer that. But I believe na walang dapat ikaselos."

Tinanong naman ng PEP si Dingdong kung nabibigyan ba niya ng assurance si Marian na wala nga itong dapat ikaselos?

"Ang assurance, salita lang yun. Alam n'yo, kahit anong salita ang sabihin n'yo, kung walang saysay, hindi talaga paniniwalaan," sagot niya.

So, paano niya nabibigay ang assurance na yun?

"Well, mababaw naman magbigay ng assurance na sabihin mo lang na don't worry. It is more on the actions that should speak. Sa akin lang, there's nothing to worry about. Let's just enjoy."

When it comes to security, naibibigay ba niya yun kay Marian at nararamdaman nito?

"Sa tingin ko naman, oo, because klaro sa lahat that I am enjoying my job. I am enjoying what I'm doing and I love my work. At the end of the day, I love my life."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN