Senator Mar Roxas-Korina Sanchez wedding will push through, but the reception is cancelled

IMAGE 0


"Instead of spending for the reception at Araneta Coliseum as planned, Mar and I agreed to donate the amount set aside for it, to various charity organizations taking care of evacuees and victims of Typhoons Ondoy and Pepeng," said Korina Sanchez in a press statement.


Tuloy ang kasalang Senator Mar Roxas at Korina Sanchez, pero wala nang gaganaping reception.

Ito ang inanunsiyo nina Mar at Korina sa isang press release na ipinamahagi nila sa media ngayong araw, October 13.

Nakatakdang ikasal ang senador at ang broadcaster sa October 27 sa Sto. Domingo Church sa Quezon City. Ang unang plano sana nila ay sa Araneta Coliseum sa Cubao gaganapin ang reception, pero nagdesisyon ang dalawa na kanselahin na lang ang reception.

Paliwanag ni Korina, "Instead of spending for the reception at Araneta Coliseum as planned, Mar and I agreed to donate the amount set aside for it, to various charity organizations taking care of evacuees and victims of Typhoons Ondoy and Pepeng."

Ang ilan daw sa mga napili nilang charity organizations ay ang mga sumusunod: Caritas Manila, Philippine National Red Cross, Sagip Kapamilya ng ABS-CBN, at Kapuso Foundation ng GMA-7.

"We are hoping that our guests will understand why we are doing this. It really does not feel right to be celebrating—no matter how important this date is for Mar and I—at a time of calamity and difficulty for a large number of our kababayans," lahad ng veteran broadcaster.

Ayon naman kay Senator Mar, "Matagal nga naming pinlano ni Korina at pinaghandaan ang espesyal na araw na ito. Gusto sana namin na marami ang kasalo sa saya. Pero parang hindi tama na malaki ang gagastusin sa selebrasyon sa panahon ng kalamidad. Napakarami nating kababayan ang naghihirap ngayon, lubog sa tubig-baha. Pakikiramay at pagtulong na rin namin ito sa kanila."

Ayon pa kay Korina, naipadala na lahat ng wedding invitations nila sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan.

Si Senator Roxas ay tatakbong vice president sa 2010 elections sa ilalim ng Liberal Party, kung saan si Senator Noynoy Aquino ang running mate niya bilang presidential candidate.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN