Gretchen Barretto assures fans her teleserye with sister Claudine will push through

IMAGE 0


"Basta ang sabi ko sa kanya, kailangang gawin niya itong teleserye with me dahil excited na excited na ako at maraming naghihintay sa teleserye na ito. 'Saka ako, panay ang pag-e-exercise ko, panay ang paghahanda ko, panay ang pagta-Tagalog ko... Sabi ko nga, puwedeng mawala ang pagta-Tagalog ko kaya kailangang mag-umpisa na kami," says Gretchen Barretto about her upcoming teleserye with youngest sister Claudine.


Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Sunday, October 11, kay Gretchen Barretto sa Magic For A Cause, a fundraising fashion show for typhoon victims, tiniyak ng aktres na tuloy na tuloy ang kanyang pagbabalik telebisyon via a teleserye sa Kapamilya network.

Ang naturang teleserye ang sinasabing pagsasamahan nila ng kanyang bunsong kapatid na si Claudine Barretto. Pero marami ang nag-aalala na hindi na matuloy ang pagsasama nina Gretchen at Claudine pagkatapos pumirma ang huli ng two-picture contract sa Viva Films. May balita kasing may sama raw ng loob si Claudine sa ABS-CBN dahil sa matagal-tagal na panahong hindi siya nabigyan ng trabaho ng kanyang mother studio.

Nang tanungin ng PEP si Gretchen tungkol sa pagpirma ng kontrata ni Claudine sa Viva Films, iwas itong magbigay ng komento.

"Well, pagdating kasi sa pelikula, ayokong makialam. Mahirap na unless humihingi siya ng advice sa akin. Magaling naman sa pagdedesisyon si Claudine pagdating sa career niya, kaya nga siya si Claudine Barretto.

"Basta ang sabi ko sa kanya, kailangang gawin niya itong teleserye with me dahil excited na excited na ako at maraming naghihintay sa teleserye na ito. 'Saka ako, panay ang pag-e-exercise ko, panay ang paghahanda ko, panay ang pagta-Tagalog ko... Sabi ko nga, puwedeng mawala ang pagta-Tagalog ko kaya kailangang mag-umpisa na kami," ani Gretchen.

Hindi rin makapagbigay ng komento si Gretchen sa balitang masama raw ang loob ng kapatid sa ABS-CBN kahit mas open ang communication nila ngayon ni Claudine.

"Parang ang hirap sagutin o mag-comment tungkol diyan!" natatawang sabi ni Gretchen. "Ang hirap kasi right now naman, may teleserye kami and that's really a big project. Imagine, pagsamahin mo kami ni Claudine! Yung talent fee ko nga medyo binabaan ko na para lang ma-accommodate kaming dalawa. Ang importante kasi sa akin ay magkatrabaho kami ng kapatid ko.

"Hindi ko naman kasi tinatanong kung masama ba ang loob niya, ayoko naman kasing i-touch yung topic na hindi naman niya binubuksan. Sensitive yung topic. Para may respeto naman, boundaries in any relationship, kailangan yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Kami ni Claudine, mas naging close kami dahil sa teleserye. Usap lang kami nang usap kung kailan mag-uumpisa, kung ano ang gagawin namin."

Kahit na excited na si Gretchen na simulan ang teleserye nila ni Claudine, dahil nga sa dumaang bagyong Ondoy, naantala ang pagsisimula ng taping nila.

"Excited ako, pero siyempre, alam nating maraming nabiktima ang Ondoy. Pati nga crew ng ABS na minamahal nating lahat, even Claudine, yung staff ko, and even my driver and blue guards. Kailangan patient tayong lahat, saka siyempre nakikiramay tayo. Parang na-stop ang mundo ng lahat because of Ondoy," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN