Richard Gomez is "very happy" with new manager Wyngard Tracy

IMAGE 0


"Nung nag-meeting kami ni Wyngard, na-set namin yung expectations namin sa isa't isa. Siyempre kailangan alam mo rin yung mga gusto niya at saka yung mga ayaw niya. Ganundin, tinanong niya ako. So, maganda yung relationship namin ngayon. I can say na I'm very happy with Wyngard," says Richard Gomez (left) about his new manager Wyngard Tracy (right).


Aminado si Richard Gomez na masaya siya sa bagong manager niya ngayon na si Wyngard Tracy, pero nami-miss niya pa rin ang yumaong manager niyang si Douglas Quijano. Wala rin daw reason para i-compare ang dalawang talent managers.

"Mahirap namang i-compare kasi siyempre bago pa lang yung working relationship namin ni Wyngard. Pero nung nag-meeting kami ni Wyngard, na-set namin yung expectations namin sa isa't isa. Siyempre kailangan alam mo rin yung mga gusto niya at saka yung mga ayaw niya. Ganundin, tinanong niya ako. So, maganda yung relationship namin ngayon. I can say na I'm very happy with Wyngard," saad ni Richard nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press during the grand press launch ng season two ng Family Feud last October 13, sa Studio 5 ng GMA Network Center.

Parang pamilya na ang turing kay Douglas nina Richard, ng asawa nitong si Lucy Torres, at anak nilang si Juliana. Nakikita niya ba na mangyayari sa kanila ni Wyngard yun?

"Eventually, he will be like Douglas," sagot ni Goma. "In fact, he is like a family to us already. At saka masaya kami dahil hindi lang ako at saka si Lucy ang nasa poder niya ngayon. Kasama namin si John [Estrada] at saka si Wendell [Ramos]. Pati si Juliana pala, sa mga commercials na ginagawa niya. So, nagkakasama-sama kami, nagkakakuwentuhan kami. We're very happy."

Ang grupo raw nila Richard ang huling nagdesisyon kung sino ang kukunin nilang manager. Sinigurado kasi ni Richard na maayos na ang lagay ng iba nilang kapatid noon kay Douglas at nakakuha na ang mga ito ng ibang managers. At saka lang daw nila inasikaso ang pagkuha ng manager nila.

Ayon pa kay Richard, right choice daw na si Wyngard ang maging manager nila lalo na't close din ito kay Douglas noong nabubuhay pa ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Katulad ni Dougs, maalaga din si Wyngard. Tatawag-tawagan ka just to say hi or ask kung ano ang ginagawa mo, ganyan."

Napag-usapan din ba nila ni Wyngard ang tungkol sa pag-alis ni Maricel Soriano sa poder nito?

"Hindi, hindi ko na tinanong. Unless he wants to talk about it. Pero I doubt it. Napunta na si Maricel kay Malou [Choa-Fagar], pati si Anjo [Yllana], Joey [Marquez] at saka si Ryan [Yllana]," banggit ni Goma.

STILL MISSING DOUGLAS. Pero nami-miss niya pa rin ba si Douglas?

"Oo naman, siyempre. Yung litrato ni Dougs, nandun sa mga desk namin ni Lucy. Si Juliana nga natatakot kasi yung urn ni Dougs, nandun sa kuwarto namin, e. Pag walang tao sa kuwarto namin, lumalabas si Juliana, e. Sabi ko, 'O, why are out?' Ang sagot niya, 'You know the urn of Ninong Dougs is there in the room,'" natatawang kuwento ni Richard.

After kasi ma-cremate ang mga labi ni Douglas ay hinati-hati ang mga abo nito at inilagay sa maliliit na urn para magkaroon ng remembrance ang pamilya, mga kaibigan, at ang mga naiwang talents ng yumaong manager.

"Lahat kami binigyan, e. So, yung maliit na urn, meron lahat. Yung bulk ng abo niya, nasa family niya."

Nami-miss din ba ni Juliana si Douglas?

"Minsan nga tinatanong niya, 'Dad, do you miss Ninong Dougs?' Sabi ko, 'I miss him, oo.' Sabi ko, 'Why did you ask?' Tinatanong niya kasi siya nami-miss pala niya."

Totoo ba yung isyu na kasama raw sa hatian ng naiwang assets ni Douglas ang mga talents nito?

"Saan galing yun?" nagtatakang sabi ni Goma. "Hindi ko alam yun. Basta we made sure lang na okay yung family ni Dougs nung mawala siya. At yung lahat ng pera ni Douglas ma-transfer sa kanila para wala silang problema during the funeral. So, after that, okay na. We're still here naman to support them."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


STILL A KAPUSO. Samantala, inalam naman ng PEP kay Richard ang katotohanan sa isyung muntik na raw niyang iwanan ang GMA-7 para bumalik sa ABS-CBN.

"Hindi, hindi totoo yun," tanggi niya. "Siguro lumabas yun dahil sa pag-appear ko sa Wowowee. Hindi naman ako nag-guest noon, e, dinalaw ko lang si Willie [Revillame]. Kasi wala ako nung Family Feud, relax kami nun. Magkasama kami noon ni Willie. Sabi niya, 'Daan ka naman dito.' Sabi ko, sige. So, nung pagpunta ko doon, sabi niya, 'Halika na, lumabas ka dito.' So, lumabas naman ako, wala naman problema, okay lang."

Tinext na ba niya si Willie na bumalik na ang Family Feud?

"Hindi pa. Kasi nga gusto niya lumipat na daw ako doon. Binibiro niya nga ako, samahan ko raw siya. Tawa siya nang tawa noong nasa dressing room na kami," kuwento ni Goma.

Kuntento naman ba siya sa Kapuso network?

"Happy," sagot niya. "Importante naman basta inaalagaan lang ng network ang mga artista nila, e. It doesn't matter kung saan network, ABS, GMA or Channel 5. Basta marami silang alagang artista, e. Huwag lang nilang kalimutan yung mga artista nila."

FAMILY FEUD. Imposible raw yung intriga na lilipat siya lalo na ngayong balik hosting nga siya sa second season ng Family Feud. Na-e-excite pa ba siya kahit na alam na niya at expected na babalik ang Family Feud?

"Oo, ang tagal kong hinintay yung pagbalik, e. Sabi ko, parang ang tagal naman nitong paghihintay na ito. Naghintay kami ng 26 weeks, tagal. Pero happy ako eto na ulit."

May mga pagbabago ba sa Family Feud ngayon?

"Basically, same mechanics pa rin. Ang iniba lang dito yung audition, hindi lang sa Metro Manila kundi nationwide na. May mga provinces na para sa audition. Kasi last time, yung ibang contestants na taga-probinsiya na gusto namin silang sumali, kaya lang hindi sila makapunta ng Manila. So, yung Family Feud, pupunta sa mga provinces para magpa-audition. At yung mapipili, iha-house na dito sa Manila. Yung transportation, yung board and lodging, sagot na ng Family Feud."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa nationwide na ang sakop ng contestants, may pagbabago rin sa pagpapakilala ng mga contestants.

"Ang naiba lang, imbes na sasabihin ko sa leader ng team na ipakilala niya yung members niya, ngayon may kasama nang video. Meron nang VTR na ipinapakita yung family nila. Magkakaroon ng VTR ulit sa kalabang team, tapos game proper na."

May bago rin daw makakasama si Richard sa show.

"Tapos meron pa kaming nadagdag pala. Meron na kaming Miss Pampabuenas, si Miss Pam. Siya yung naghahatid ng mga contestants pag dinadala sa soundproof booth. Siya rin yung may hawak ng pera."

Sino naman si Miss Pampabuenas?

"Every week, iba-iba, e. At saka halimbawa may kinakabahan sa contestants, lalo na at lalake, 'Ay naku, tawagin natin si Miss Pam.' Sexy, maganda."

Habang nagpa-Family Feud siya, puwede rin ba siyang tumanggap ng soap?

"Puwede naman kung may offer. Pero ngayon kasi kapapasok lang ng mga bagong season ng mga bagong soaps. So, by the time na magpalit 'yan, that will be another one or two seasons, depende sa ratings," ani Goma.

Hindi ba siya nahihirapan sa game show?

"Hindi, ang sarap nga, e. Ito nga yung gusto kong show, e. Ito yung gusto ko or mga lifestyle or mga talk shows, even sitcom. Basta light at walang puyatan, okay sa akin."

Nakapag-taping na raw sila ng ilang episodes ng Family Feud. Mga celebrities ang una nilang mga contestants para sa unang linggo.

"Si Allan K, sina Ariel and Maverick. Sinubukan din namin magkaroon ng mga batang contestants, mga GMA Artist na bagets. Yung mga batang 12 below. Kasama yung nag-portray ng role na batang Dingdong [Dantes] sa Stairway to Heaven, si Joshua [Dionisio]. At saka si Buboy, yung sa Darna, yung mga ganun. Okay naman, at least nag-enjoy din sila," masayang lahad ni Goma.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN