Tintin Bersola's online show gathers moms and kids in a Halloween party

IMAGE 0


After leaving the television landscape, Tintin Bersola is now busy hosting, producing, and marketing her online show about parenting, Parenting.tv. Soon, her daughter Antonia will have a baby brother, who will be named Antonio Franchesco. With all the blessings coming her way, she comments, "Siguro in the past, I planted the right seeds."


Nagkaroon ng big event ang Parenting.tv, na online show ng preggy mom na si Tintin Bersola, noong Friday, October 23, sa C3 Events in Greenhills.

Mahigit 200 na bata ang nag-register at nag-participate sa costume party para sa "Halloween Trick or Treat" at talaga namang nag-effort sila with their costume.

Masayang-masaya naman si Tintin sa naging turnout ng kanyang first major get-together. Aniya, "Bata pa lang ako, palagi na akong uma-attend ng Halloween costume party. At saka, nag-isip talaga ako ng activity na magba-bonding ang pamilya. E, ang website ko, di ba, Parentin.tv? So, ito, naisip ko na maganda ito. Kahit na colonial siya na practice, masaya! Kasi, kakarerin talaga ng mga magulang ang costumes ng mga anak, kita n'yo naman."

Three months daw silang nag-prepare for the event since they launched the website last July.

Ang kuwento pa ng host, "Sa November 21 naman, meron kaming event ulit. It's a talk series na tuturuan ko ang mga nanay na maging mompreneur, tuturuan ko ang mga nanay na mag-negosyo para kumita on the side—whether stay at home ka lang or what.

"'Tapos, may Christmas party pa sa December 6 sa Podium. At ito na, ang baby shower ko, sa second week of January. Pero ang mga puwede lang mag-participate dun, yung mga mommy na expecting na rin. Kasi, baka manganak na ako ng third week of January."

Brainchild ni Tintin ang kanyang pinagkakabalahan ngayon.

"Ako ang creative director, host, producer, marketing man, lahat na! Kasi, di ba, alam n'yo naman ang landscape ngayon sa industriya, ang iikli ng life span ng bawat show. Hindi na katulad dati na taon ang binibilang ng bawat show. Iniisip ko, di ba, one season or three months, so, iniisip ko, ano ba talaga ang advocacy ko or mission sa buhay? Di ba, parenting? Inisip ko, paano ko masu-sustain ang advocacy kung any time, puwede kang matigok sa ere?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, inisip ko, ako ang gagawa ng sarili kong network. Network ang tawag ko rito, empire ang tawag ko rito," natatawa niyang sabi. "Actually, totoo naman. Di ba, si Charice Pempengco, si Arnel Pineda, dito sumikat? So, sino pa ba ang hindi nakakaalam ng YouTube? Sino pa ba ang hindi nag-i-Internet ngayon?

"Actually, kumuha lang ako ng mga tao like web designer, web developer, iba ang IT manager, maraming tao, maraming theme. At yun ang maganda, since ako ang may-ari, I'm the one to decide when to pull it out. But, I won't pull it out.

"Sabi ko nga, may mangyari man sa akin, mamatay man ako, parentin.tv will continue. It's an advocacy na dapat ituloy. Three-in- one ito. It's a website with web contents. It's a show that you can watch 24/7 and at the same time, may third component siya, itong events. Para yung mga members ko, nakikita ko sila."

Since July, nasa 500 moms na ang members but including whole families, baka umabot na raw sila sa 2,000 members.

"There's the satisfaction that I am doing right. The satisfaction that people believe in me, di ba, may mga sponsors. It's the first online show, pero, hindi mo matatantiya sino ang manonood, sino ang hindi. Pero so far, nag-a-average kami ng 8,000 hits a day. Now, we have more than half a million hits. "

JULIUS' SUPPORT. Super supportive naman daw ang asawa niyang si Julius Babao sa kanyang online show at sa mga advocacy niya.

"Siya ang financier," ang bulalas niya. "Actually, two years ago, it was Julius who told me, nang mawala ako sa morning show, na mag-produce ka na. Sabi ko, hindi ko kaya ang block timer. Mahal ang block timer. One hundred fifty thousand yata 30 minutes lang, hindi ko kaya.

"So, siya ang nagsabi na gawin mo, web show. Pero at that time, hindi ko masyado pinansin, pero ngayon, fast forward noong February, sinabi na naman ni Julius, 'it's time,' sabi niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kung may magandang opportunity ulit para magtrabaho sa sa alinmang istasyon, okay naman daw siya.

"Kapag may dumating na offer, ke Seven pa siya, ke Dos pa siya, Studio 23 pa siya, any network...Kasi, freelance na naman ako. Ang programa ko lang naman sa channel 2 is DZMM, which is radio. Actually, blessed talaga ko kasi, ngayon ko napatunayan na hindi ka kailangang nasa TV everyday para magkaroon ka ng project at maka-reach out. Kasi, hindi ako nauubusan ng company show.

BABY BOY FOR TINTIN. Sa February na ang due date ng second baby nila na papangalanang Antonio Franchesco, na galing kay St. Anthony at sa totoong pangalan ni Padre Pio ng Pietrelcina sa Italy.

Ngayon pa nga lang daw ay excited na sila ni Julius.

"Sobra! Boy, e. It's the first Babao sa family nila. Babae yung kapatid niya, e, so, hindi na yun Babao. Si Antonia naman, sobrang excited na rin. Pumapasok nga siya sa ilalim, 'tapos kunwari, I'm gonna give birth 'tapos lalabas siya. At kunwari, siya ang ipapanganak," ang masayang pahayag ni Tintin.

Bagamat abala siya sa maraming bagay ay masasabing maselan pala ang kanyang pagbubuntis.

Aniya, "Nagkakaroon ako ng placenta previa. Nag-i-spotting ako. Nakadikit siya sa cervix at breech position. Delikado siya. Kapag hindi siya nakorek sa eight months, magsi-CS ako."

Pero humanap siya ng paraan para hindi maging sagabal ang kanyang kundisyon sa mga gawain niya.

"Kino-control ko lang. Kapag nakita ko na siyang masakit or meron nang spotting, itataas ko lang ang paa ko. Titigil ako ng one day sa bahay. Pahinga muna ko. Ayoko rin kasi na pipigilan ko ang ginagawa ko or mission ko sa bahay dahil may condition ka. Hangga't kaya...Pero pinipili ko rin naman ang pinupuntahan ko," pagtatapos ni Tintin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN