Luis Manzano defends mom Vilma Santos and ex-gf Angel Locsin against typhoon-related issues

IMAGE 0


Luis Manzano has just arrived from the United States for the premiere night of Star Cinema's In My Life, which he co-stars with mom Vilma Santos and John Lloyd Cruz.


Dumating na si Luis Manzano noong Lunes nang madaling-araw, October 12, mula sa U.S. kung saan um-attend siya ng premiere ng In My Life, ang pelikulang tinatampukan niya kasama ang kanyang ina na si Vilma Santos at John Lloyd Cruz.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Luis kagabi, October 15, sa finals night ng MYX VJ Search '09—kung saan isa siya sa naging hosts— ikinuwento niya ang naging experience niya sa kanilang premiere sa U.S.

"Very, very happy. Sobrang init ng pagtanggap ng mga Kapamilya doon. First time ko, e. Very, very overwhelming," sambit ni Luis.

TYPHOON ONDOY. Kasagsagan ng bagyong si Ondoy noong nasa U.S. sina Luis. May nang-iintriga tuloy sa kanyang ina na si Gov. Vi, na mas pinili pa raw nitong pumunta sa ibang bansa kesa tumulong sa kanyang constituents sa Batangas na naging biktima ng nagdaang bagyo.

Pero ayon kay Luis, "Simula nang nangyari 'yang Ondoy, hindi nawala si Mommy sa telepono. Inaasikaso niya kung ano yung nangyari sa Batangas, kung ano yung magagawa niya. But, of course, may commitment si Mommy sa Star Cinema at sa mga nandoon para manood ng In My Life. Pero I can tell na iba yung asikaso na ginagawa ni Mommy. Hindi siya nawawala sa telepono at lahat-lahat."

ANGEL LOCSIN. Ang ex-girlfiend ni Luis na si Angel Locsin naman ay naging busy sa pagtulong sa mga kababayan natin na nasalanta ng bagyong si Ondoy. Bukod sa pamimigay ng relief goods ay namahagi pa siya ng malaking halaga.

"Nabalitaan ko nga ang tungkol diyan," banggit ni Luis. "At least siya, hindi naghintay ng tawag ninuman. Siya mismo yung nag-initiate ng tulong," sambit ni Luis.

Pero iniintriga ang pagbigay ni Angel ng malaking halaga ng pera. Hindi raw ito nanggaling mismo sa bulsa ni Angel kundi sa bago niyang boyfriend na mayaman. Kumbaga, may financier daw ngayon ang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang reaction ni Luis tungkol dito?

"It's very, very low," sagot ng TV host-actor. "Si Angel ay napakagaling sa pera. Si Tito, ang kanyang ama, ay napakagaling sa pera. Si Ate Angela [Angel's sister], napakagaling sa pera. Napakagaling nilang mag-handle ng pera. Na-witness ko 'yan."

Dagdag niya, "No, it's not true. And hindi ganoon si Angel. Hindi papayag si Angel mag-finance. Kung ano man yung tulong niya, galing sa puso niya."

Kumusta na ba sila ni Angel? May communication pa rin ba sila?

"Nakakapag-usap kami once in a while. Pero yung details, sa amin na lang yun, balato n'yo na lang sa amin," pakiusap niya.

EDU MANZANO. May balitang tatakbong senador ang kanyang amang si Edu Manzano sa susunod na election kaya iniwanan na raw nito ang posisyon niya bilang chairman ng Optical Media Board (OMB). Totoo ba ito?

"Wala kaming napag-usapan ni Daddy. Even when he ran for vice mayor [in Makati], wala kaming napag-uusapan. Kahit ako nagugulat na lang," sabi ni Luis.

Balitang iiwan na rin daw ni Edu ang game show niyang Pilipinas, Game KNB? (PGKNB) dahil nga sa plano nitong pagtakbo bilang senador, at si Luis daw ang gusto ng daddy niya na pumalit sa kanya bilang host ng nasabing game show.

"Walang umabot sa akin. I have no idea kung totoo ba yun o hindi. Pero I doubt naman. Kung totoo man, di sana by this time kinakausap niya na ako," sagot ni Luis nang tanungin tungkol dito.

Pero kung sakali ngang tumakbo para sa senado ang kanyang ama at sa kanya i-offer ang PGKNB, tatanggapin ba niya?

"Kung may kelangang gawin si Daddy na importante, puwedeng ako muna ang pumalit sa kanya pansamantala. Pero yung sabihing i-take over, hindi, dahil hindi ko kaya yung ginagawa ni Daddy. Iba kasi yung commitment na ibinigay niya sa show, kung paano niya inalagaan," saad ni Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN