Jaya is happy to be part of fundraising projects for the typhoon victims

IMAGE 0


"Maraming salamat talaga sa Panginoong Diyos at ang Pilipinas, e, buong-buo pa din kahit na ganun ang nangyari. Lahat tayo we still have our spirits at yung pagsasamahan natin nandun pa din, hindi talaga natitibag, nakikita natin yun every day," says Jaya.


Pag-aalala para sa mga napinsala at pasasalamat dahil nakaligtas ang kanilang bahay ang naramdaman ni Jaya sa paghampas ng bagyong Ondoy sa Pilipinas.

"Ang aking driver, si Jun, at ang dalawa kong kasambahay na sina Lina at si Joy, kasi sila inanod ang bahay sa Angono. Yung bahay nila nasa tubig, talagang wala na silang tirahan.

"Nung nasa Amerika kami, sila lang ang naiwan. And even nawalan na sila ng tahanan, yung sa akin talaga, hindi tinamaan ng kahit na anong baha. Kaya nagtataka din ako kasi lahat halos doon lubog, yung sa amin, hindi man lang umabot sa sasakyan.

"Kaya ang bait-bait ng Panginoong Diyos sa amin, lalung-lalo na yung mga kasamahan ko sa Vista Real na hindi talaga natamaan ng baha. At siyempre, dun sa mga napinsala, napakalaki ang opportunity for us entertainers to get together.

"Yun nga, meron sina Ogie [Alcasid] na project and I'm very happy to be part of it. Yung kanilang free concert and yung maraming silang projects para sa mga nasalanta, nandito kaming lahat para tumulong.

"Maraming salamat talaga sa Panginoong Diyos at ang Pilipinas, e, buong-buo pa din kahit na ganun ang nangyari. Lahat tayo we still have our spirits at yung pagsasamahan natin nandun pa din, hindi talaga natitibag, nakikita natin yun every day," saad ni Jaya sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Nakatutuwa na silang performers, during this time of calamity, ang bilis mag-respond at tumulong.

"Ako, ngayon pa lang kumikilos kasi nga galing ako sa Amerika," sabi ni Jaya. "Pero dun sa mga naunang kumilos at nagbigay ng tulong, hangang-hanga ako sa inyong lahat and kung ako ay may maitutulong pa, sabihan n'yo lang ako and I will do my part and, naturally, I am starting na with my own help."

Ano ang plano ni Jaya sa kanilang bahay kahit hindi ito inabot ng baha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Doon pa din. Ibinigay sa akin yun ng Diyos para tirahan. My family and I will face every challenge that will come along and we did. Nalampasan namin ito and lahat 'yang mga darating pa, malalampasan natin," nakangiti niyang sabi.

NEW ALBUM. Happy rin si Jaya sa second album niya under GMA Records na Real Love Stories.

"I'm very happy! Dun sa mga bumili, may nababalitaan ako na may bumibili dalawa, tatlong piraso, limang piraso... It's a great Christmas gift! Sana pakinggan ninyo, napakagandang CD nito and I'm very, very proud of what we have accomplished with this project. And to GMA Records, maraming salamat sa opportunity uli na makagawa ng ganitong kasarap na album."

Ang naturang album ni Jaya ay naglalaman ng pagkagagandang mga revivals na "After All," "All Of My Life," "Anyone Can See," "Breathe Again," "Finding Out The Hard Way," "Hiding Inside Myself," "I Just Can't Let Go," I Will Survive," "I Won't Last A Day Without You," "Maybe This Time," "Old Friend," "Real Love," "Save The Best For Last," at "You On My Mind."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN