RR Enriquez's birthday wish: "Magka-boyfriend na sana ako."

IMAGE 0


"Nakatatlong relasyon na rin ako. Yung una, umabot ng three years. Yung pangalawa at pangatlo, tigwa-one year lang. Ang common reason kung bakit nakikipag-split ako? I just fell out of love. Ako kasi, kung hindi ko na love, nawawala na talaga yun, ayoko na. Hindi ko pinipilit ang sarili ko," says RR Enriquez.


Masaya ang birthday party ni RR Enriquez na ginanap sa Dolce, Tomas Morato, Quezon City noong Sabado ng gabi, October 17. Halos umuwing gumagapang sa kalasingan ang lahat, including RR herself.

"Party like a pornstar!" ang battlecry ni RR sa kanyang party, kaya naman mukhang naging wild ang halos lahat ng naroroon. Pero minsan lang daw kasi mangyari ang ganoong pagdiriwang. Besides, may mga dahilan talaga para mag-celebrate nang bonggang-bongga si RR—malaki ang inasenso ng career niya nitong mga nakaraang taon mula nang maging mainstay siya sa ABS-CBN noontime show na Wowowee.

"Wish ko pa rin, magka-boyfriend na sana ako," sabi ni RR sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Maraming nanliligaw, pero talaga kasing nakatutok ako sa career ko. Pero naiisip ko, ano kaya kung magka-bf naman ako, for a change?

"Nakatatlong relasyon na rin ako. Yung una, umabot ng three years. Yung pangalawa at pangatlo, tigwa-one year lang. Ang common reason kung bakit nakikipag-split ako? I just fell out of love. Ako kasi, kung hindi ko na love, nawawala na talaga yun, ayoko na. Hindi ko pinipilit ang sarili ko.

"Sa showbiz, hindi pa ako nagka-bf talaga. Walang nanliligaw na taga-showbiz sa akin. Nagkaisyu nga noon, taga-showbiz, nagte-text sa akin. Pinapupunta ako sa condo niya. Naku, hello! Anong tingin niya sa akin, cheap? Matagal nang isyu. Ayoko nang banggitin ang pangalan niya. Feeling niya, nagpapa-sexy ako, akala niya, e, easy-to-get ako. Ayun, binara-bara ko! Tumigil siya!" tuluy-tuloy na kuwento ng sexy star.

Kung anu-ano rin ang pinagte-text ni RR sa lalaking yun dahil nainis daw talaga siya.

"Sabi ko, yun ba ang tingin niya sa mga babae sa showbiz? Tinext ko siya ng, 'Wow! Feeling ka, ha!' Sorry na lang siya dahil hindi ako ganoon. Tuwing nagkikita kami, parang wala siyang mukhang iharap sa akin. Nawala yung communication at mas okey na yun," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May kumakalat din na marami raw lesbian admirers si RR, kaya nagsusuplada siya sa mga lalake.

"Naku, kadiri naman! Huwag namang ganyan!" natatawang sabi ni RR. "So far, wala pa akong nami-meet na mga lesbiyanang nasasabihan akong type nila ako. Wala pa talaga! Hindi ko alam kung may mga nagkakagusto. Pero kung totoo man, wow, thank you! Pero ayoko ng ganoon. Hindi naman ako pumapatol. Kanya-kanyang gusto naman ang mga tao. Basta ako, never akong magkakainteres sa babae. Yun lang!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN