Gerald Anderson assures fans Sarah Geronimo will not be part of his new movie with Kim Chiu

IMAGE 0


"Basta sa mga Kimerald fans, unang-una, gusto naming magpasalamat sa lahat-lahat ng suportang ibinibigay ninyo sa amin ni Kim. Huwag kayong mag-alala, may gagawin kaming movie ni Kim. Para sa inyo 'yan at talagang magugustuhan ninyo 'yan, promise," says Gerald Anderson to Kimerald fans.



Marami ang nakakapansin sa kakaibang aura ngayon ng matinee idol na si Gerald Anderson. Pagkatapos ng matagumpay na huling teleserye nila ni Kim Chiu na Tayong Dalawa, nag-level up na raw si Gerald sa kanyang personalidad at pagiging isang aktor.

"Masaya lang ako kasi sa dami ng projects ko, sa dami ng projects na nangyayari sa akin. Excited ako," sabi ni Gerald sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Anytime now ay magsisimula na sina Gerald at Kim ng bago nilang movie sa Star Cinema. Prior to this, napabalita na makakasama rin nila sa pelikula si Sarah Geronimo. Dahil dito, nagagalit daw ang Kimerald fans. Ano ang masasabi rito ni Gerald?

"Kaya nga Kimerald ang tawag doon, e, siyempre magagalit sila," sagot ng young actor. "Pero alam mo yun, kapag lumabas na yung movie namin, siyempre, para sa Kimerald talaga yun, magiging masaya sila. Yung may Sarah, hindi ko naman alam yun. Wala naman akong alam na ganung balita."

Ano ba ang masasabi niya about Sarah?

"Siyempre, napakagaling, napaka-talented."

Excited ba siya na makatrabaho rin si Sarah someday?

"Alam mo, every time na may project ako, kahit sino man ang magiging partner ko doon, mae-excite ako."

May nagsasabi naman na mag-on na sila ni Kim dahil mas lalong naging protective ang young actor sa kanyang ka-loveteam. Is this true?

"Three years na nilang sinasabi 'yan. Wala namang pagbabago doon. Pero close talaga kami kasi, siyempre, araw-araw kaming magkasama ni Kim," saad ni Gerald.

Hindi ba siya nag-aalala na baka may ibang pumorma kay Kim?

"Hindi naman natatakot. Pero siyempre, sino ba yung kasama niya araw-araw? Hindi ba, ako? Basta kasama ko siya lagi. Lamang ako sa kanilang lahat!" natatawa niyang sabi.

Wala pa raw title ang bagong movie nila ni Kim. But this time, magkakaroon na ba sila ng love scene ni Kim sa movie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Secret," ngiti ni Gerald.

Kakabahan ba siya if ever may love scene sila sa movie?

"Gumawa na kami ng love scene sa Tayong Dalawa. Kung gumawa man kami ulit ngayon, for sure matutuwa ang mga fans. Kumbaga, nakakakilig, nakakatawa... lahat! Marami ka pang madi-discover. Nag-workshop kami kahapon. Pero ipinapangako ko, walang love triangle. Solong-solo naming dalawa," lahad ni Gerald.

Matalbugan kaya nila ang tambalan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo sa box-office?

"Sa amin naman, gusto lang naming gawin. Ibibigay namin ni Kim lahat. Pag-aaralan namin ito. Wala namang rivalry, of course not. Basta may trabaho kami ni Kim, okey na kami."

What if magkaroon ng ibang partner si Kim at meron silang kissing scene, ano ang mapi-feel niya?

"Masakit, siyempre. Pero alam mo yun, trabaho namin ito, e. Masakit kasi hindi ako sanay dahil ako lagi yung kasama niya. Hindi ko naman sinabi na hindi siya puwede sa iba. Trabaho namin ito. Talagang mangyayari ito.

"Basta sa mga Kimerald fans, unang-una, gusto naming magpasalamat sa lahat-lahat ng suportang ibinibigay ninyo sa amin ni Kim. Huwag kayong mag-alala, may gagawin kaming movie ni Kim. Para sa inyo 'yan at talagang magugustuhan ninyo 'yan, promise," pahayag ni Gerald.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN