Rachelle Ann Go admits that her relationship with Gab Valenciano could be near its end

IMAGE 0


"Hindi ko alam kung dapat akong mag-expect or mag-hope pa na magkakabalikan kami. Basta sa nakikita ko ngayon, parang klaro na, e. Na parang yun na yung mangyayari. Pero mahirap din magsalita nang patapos. Siguro sa ngayon, hinihintay ko lang na magkausap kami nang matino. Matino talaga," says Rachelle Ann Go about her relationship with Gab Valenciano.


Hindi na nakaiwas si Rachelle Ann Go sa mga tanong sa kanya ng ilang entertainment press sa ibinigay na pocket presscon sa kanya at sa dalawa pang singers ng Viva Artist Agency na sina Roselle Nava at Martha Joy kahapon ng tanghali, October 20, sa Steak House, Timog Ave., Quezon City.

Ang tungkol sa nababalitang breakup nila ni Gabriel Valenciano ang pilit inusisa ng entertainment press kay Rachelle.

"Wala pa nga, e, bakit naglalabasan? Hindi pa nga kami nag-uusap, e," ang tila naguguluhang sagot ni Rachelle.

Paano nga ba nagsimula ang balitang break na sila ni Gab?

"Tampuhan... two months ago..." pag-amin ng singer.

Matagal-tagal na rin pala, bakit hindi pa rin sila nagkakausap?

"Siyempre, sa two months na yun, dun nag-i-start ang awayan, tampuhan. Pero siyempre, habang tumatagal, may dumadagdag. Pero, hindi pa kami nag-uusap. Hindi pa kami nagkakausap nang matino," sagot ni Rachelle.

Civil naman daw sila kapag nagkikita sila, lalo na't pareho rin silang mainstay sa ASAP. Personal na raw kung anuman ang talagang pinag-ugatan ng tampuhan o away nila. Pero feeling ni Rachelle, halo-halo na rin daw ang nangyari.

STILL HOLDING ON. Kung pagbabasehan ang previous interviews nila ni Gab, parang sobra ang pagmamahal nila sa isa't isa, that there would never be room for a breakup.

"Oo naman... nakaka-sad lang. Pero ganoon talaga, ganoon talaga," napapakibit-balikat niyang sabi. "Wala namang third party. Hindi pa naman klaro. Basta sa ngayon, hindi pa kami nakakapag-usap. Ayoko pang makipag-usap na ano ko sa trabaho. Baka hindi ako makapag-focus. Ito muna, trabaho muna ang iisipin ko ngayon."

Sa loob ng two months na nagdaan, kumusta sila?

"As in, lumalabas kami. Nito lang, mga first week of October, dinadalaw pa nga niya 'ko sa bahay. Ewan ko, pero itong week na ito, hindi kami nag-uusap. When I mean hindi kami nag-uusap, hindi kami nag-uusap tungkol sa relasyon. Like, 'Ano ba ang plano natin?' Pero nandoon yung love, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, "Basta sinabi ko talaga, time for us to think not to separate. Alam mo yun, hindi ko kailangan ng breakup. I just need time for us to think and fix things. Alam mo yun sa sarili mo na nag-aaway na tayo, nagiging cycle. Hindi ba may ganoon sa relasyon? So, kailangan n'yo lang ng time."

Si Gab ba, hindi pa nakikipag-break?

"Akala niya break na. Hindi ko rin... Actually, magulo! Kahit sa sarili ko, naguguluhan na ano ba talaga. Kasi, ayoko rin mag-jump sa isang conclusion na 'eto na yun. E, wala pa kaming pag-uusap. Basta ang naririnig ko lang, yung mga tao na, 'O, si ganito.' So, iba-iba rin, ang hirap. At saka siya, hindi siya naniniwala sa ganun. Sa kanya, kung break, break. So, magkaiba kami ng gustong mangyari," saad ni Rachelle.

Puwedeng sabihin na sa sitwasyon nila ngayon, lumalabas na siya ang mas nagho-hold on to give their relationship another chance?

"Gusto rin naman niya, pero ang hirap magsalita, e. Gusto rin naman niya. Basta, magulo. Mahirap i-explain."

Sa lahat ng mga nangyayari, kumusta naman siya? Dumating ba siya sa point na umiyak na siya?

"Siyempre, malungkot... Natapos na yata yung iyak-iyak!" tawa niya. "Hindi talaga ako nakakatulog. Nakakainis! Uminom na nga ako ng sleeping pills, wa epek."

Sa kabilang banda, dahil daw sa nangyayari sa lovelife niya, nakita niyang muli ang mga kaibigan niya at suporta ng pamilya niya.

"Basta sa ngayon, masaya ako na naglabasan ulit ang mga kaibigan ko. Sobrang pasalamat ako na kahit anong mangyari, nandiyan sila. Siyempre, noong nasa isang relationship ako, masyado akong naka-focus. Alam mo yun, yung parang mas nauuna ko... which is mali, maling-mali. Ngayon, parang kumbaga, natauhan ako. Tinapik ako ni Lord na, 'Ano ba, hija, hindi lang 'yan ang buhay mo.'"


SUPPORT GROUP. Alam ba ni Christian Bautista, her ex-boyfriend, ang pinagdadaanan niya ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam niya, alam niya. Alam nila, actually. Alam n'yo yung support ng Champions, sina Jed Madela, Christian, Sarah Geronimo, Erik Santos, Yeng Constantino, solid kami. Sobrang talagang nandiyan sila."

Ano ang naging reaction nila, especially ni Christian?

"Siyempre, kaibigan sila, ayaw nila na nasasaktan ako. Dapat lumagay ako dun sa... At saka, klaro na rin, e. Ipinagdarasal ko na ano ba ang gagawin ko? Pero, harap-harapan na rin, e, 'eto na, e. Tama na. E, ako naman, hindi, baka puwede pa. Masyado kong pinagpipilitan, pero hindi na, e. Dapat maging masaya."

Mahal na mahal niya siguro si Gabriel para patuloy siyang umasa na posible pa ring maging okey sila?

"Oo naman... sobra, sobra," pag-amin ni Rachelle.

Sa mga nangyayari, sa palagay niya ba may pag-asa pa na maayos ang anumang problema nila o tuluyan na ngang sa breakup mauuwi ang lahat?

"Hindi ko alam kung dapat akong mag-expect or mag-hope pa na magkakabalikan kami. Basta sa nakikita ko ngayon, parang klaro na, e. Na parang yun na yung mangyayari. Pero mahirap din magsalita nang patapos. Siguro sa ngayon, hinihintay ko lang na magkausap kami nang matino. Matino talaga."

Pareho ba nilang iniiwasang mag-usap?

"Hindi naman. Siguro, pareho lang na busy. At saka, masama man, pero siguro nandun yung pride. Pero yun nga, yun ang ipinagpi-pray ko, matanggal yun. At saka siguro, naguguluhan din kami sa mga pini-feed ng ibang tao. At saka yun nga, siguro talaga kailangan ng time."

Itinanggi rin ni Rachelle na may problema siya sa parents ni Gab na sina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan. Na kesyo siya raw ang dahilan kung bakit hindi pa tuluyang makaalis si Gab para sa pag-aaral nito sa U.S.

"Okey naman kami. E, siyempre, may endorsements siya rito at may kontrata siya, paano siya makakaalis? Siyempre, kailangan talaga niyang mag-stay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka, si Tita Angeli pa, nagbibigay 'yan ng advice kapag may mga problema. At saka sinusuportahan din naman po nila. Kumbaga, desisyon na po namin ni Gab. Sinabi naman po namin ang desisyon namin. Yun lang, sa amin manggagaling."


CARMEN SOO. Hindi naman na nakapagkaila pa si Rachelle nang may magbanggit ng pangalan ng Malaysian actress na si Carmen Soo na balitang nakikitang kasama ni Gabriel ngayon at nakaka-date daw.

"Well, hindi ko po alam. May nagsasabi, may nakakarating. Pero ako kasi, ayoko munang mag-isip. Hindi naman natin alam kung date ba talaga or baka naman friends lang pala sila. Yun," sabi ni Rachelle, although halatang kahit paano ay may alam na rin siya sa balitang ito tungkol kina Gab at Carmen.

LOVE OVER SWEETNESS. Biglang napakuha ng pagkain si Rachelle sa tanong namin sa kanya kung ano kaya ang posibleng ma-miss niya kay Gab.

"Gusto n'yo ba akong paiyakin? Puwedeng kumain na lang tayo?'" natatawa niyang sabi.

Pero aniya, "Sobrang sweet kasi ng lalaking yun... Pero siyempre, hindi naman sa lahat ng pagkakataon yun ang importante, ang sweetness at material. Yung nasa sa loob talaga, at love talaga ang importante."

Sa dalawang naging relationships niya—kina Christian at Gab—mas matindi ba ang impact sa kanya ng nangyayari sa kanila ni Gab ngayon?

"Hindi ko rin makukumpara, e," sagot ni Rachelle. "Kumbaga, ito fresh, e. Yung isa, although may pinagdaanan, pero hindi ko rin maiko-compare. At saka si Christian, first boyfriend ko, di ba? So, mahirap din timbangin."

Hindi pa naman siya yung tipong nadadala sa relationship?

"Alam n'yo hindi... natuto ako. Natuto akong maging strong at maging open. Kasi before, hindi talaga ako nagsasalita. Pero ngayon, iba pala ang feeling na nailalabas mo. Natuto ako ngayon. Na parang okey lang, mas tinitingnan ko ang brighter side," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May message ba siya kay Gab?

"Ayoko nang maging bitter kasi ako rin naman ang hindi makakawala sa sitwasyon. Ngayon, dapat maging masaya. Mahirap man, pero kas yung happiness, hindi naman 'yan makukuha sa isang tao lang, sa lovelife, hindi lang dun makukuha. Sabi ko nga, may malungkot man na side, pero sobrang happy ako na nandiyan ang pamilya at mga kaibigan ko. Hindi mapapalitan talaga."

CONCERT WITH JED. Sa kabila ng pinagdadaanan nila ni Gab ngayon, inimbitahan pa rin daw ni Rachelle na manood ito ng concert nila ni Jed Madela, ang True Champions sa Skydome this Saturday night, October 24.

"Yes, inimbitahan ko pa rin siya at sana makapunta siya."

Matagal na raw nilang plano ni Jed na makapag-concert, pero ngayon lang daw nag-materialize.

"After how many years na pinagpaplano, ngayon lang. Mabuti na lang din, okey lang sa Viva and sa UR [Universal Records]. Kasi si Jed, sa UR siya. Pero ang mas maganda rin dito, kaming dalawa ang nag-direct ng concert. Spiels, line-up, kami lang talaga. Lahat ng gusto naming gawin, kami lang talaga."

Niligawan siya ni Jed dati, di ba?

"Hindi, ganoon lang talaga si Jed sa lahat, sobrang malambing lang talaga siya. At saka, hindi naman lahat ng nanliligaw, kailangan mong sagutin. Ngayon, sobrang best friend ko na siya," sabi ni Rachelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN