Aljur Abrenica asks DOJ for dismissal of acts of lasciviousness case filed against him

IMAGE 0


"I have always comported myself as a true gentleman and have never taken advantage of [complainant] or anybody. I cannot, in good conscience, take to calling the two-day encounter that I had with [complainant] a "date," just to satisfy the whims of [complainant and her mother]. The evidence on hand will readily reveal that the accusations only surface after [complainant] became the "object of ridicule" in the internet and other media, which wa


Nagsadya kaninang umaga, October 21, sa Department of Justice (DOJ) ang legal counsel ni Aljur Abrenica na si Atty. June Ambrosio at ang mga saksi ng young actor para sa acts of lasciviousness case na isinampa ng isang 15-year-old na dalaga laban sa young actor.

Hindi nakarating si Aljur dahil sa kanyang prior commitment na out-of-town show, pero nagpunta na siya sa DOJ noong Lunes, October 19, para sumpaan ang kanyang counter-affidavit.

Sa kanyang sworn affidavit, isa isang pinabulaanan ng 19-year-old actor ang mga bintang ng complainant at ng nanay nito na kilalang si Rachel Saludo. Dahil menor de edad ang kanyang anak, si Rachel ang nagsampa ng reklamo.

Giit ni Aljur, "I DENY their allegations that I committed acts of lasciviousness on the person of [name of complainant], and that I plied her with alcohol drinks, as well as their version of the events that transpired on April 10 and 11, 2009 at White Beach, Puerto Galera, Mindoro Oriental, for being blatant fabrications that were obviously concocted as an afterthought to save [complainant's] injured pride...."

Ipinapa-dismiss ni Aljur ang kaso for "lack of merit."

Si Aljur ay isa sa itinuturing na pinakasikat na young actor sa kasalukuyan. Itinanghal na StarStruck 4 Ultimate Hunk, kabi-kabila ang projects ni Aljur sa TV at pelikula, bukod pa rito ang product endorsements niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN