Jaya wants to lose weight naturally because she's diabetic

IMAGE 0


"I don't want to do the fake way. Yung may lipo-lipo, yung ganyan. Ayoko ng lipo-lipo, bokot [takot] ako! Ang gusto ko talaga, all natural. Ang tendency kapag natural ang ginawa mo, yung katawan mo, magpu-form nang tama. Obvious kasi ang lipo, yung arm, may uka," says Jaya about losing weight.


Kagabi, October 20 ay ginanap na ang first taping day para sa bagong show ng GMA-7, ang BandaOke: Rock 'N To Millions, na papalit sa All Star K!. Sina Jaya at Allan K pa rin ang maghu-host ng BandaOke.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jaya, sinabi namin sa kanya na parang hindi rin nawala ang All Star K! dahil sila pa rin ni Allan ang hosts ng pumalit na show. Pero bakit naging emotional pa rin sila sa farewell nila sa SOP last Sunday?

"Hindi, alam mo, ako kasi, emotional kasi ang tagal namin sa K!. Lahat dun—from the set, lahat kami... Imagine, eight years ang K!. Doon ako naging nanay. Biruin mo, dalawang anak ko, ipinanganak ko, nasa K! pa rin kami. Tapos, biglang, yun na, kinailangan na ngang gawing modern, palitan. I was crying because yung sentiments ko sa All Star K!, ang dami kasi naming naumpisahan sa show na yun na dun lang siya. Yung set, lahat, yung atmosphere, iba, e," paliwanag ng Queen of Soul.

Last month lang daw nila nalaman na papalitan na ang All Star K!.

"Na-shock kami!" bulalas ni Jaya. "Parang, 'Oh, no, what's going on?' Before the last two tapings ko lang nalaman. Ako kasi, wala akong inkling na may gustong i-reformat. Basta kami, kampante lang na every Wednesday, may taping tayo ng K!, hanggang yun na."

Pero mas malungot kung ibang hosts ang kinuha ngayon, di ba?

"Of course, mahirap siyempre ang wala kang trabaho, hello!" natatawa niyang sabi.

LOSING EXCESS POUNDS. Ang goal daw ni Jaya ngayon ay ang pagbawas ng kanyang weight. Four months pa lang since she gave birth kaya inuunti-unti pa lang daw niya ang pagpapayat.

"Actually, nag-i-start na ako," sabi niya. "Through diet pa lang muna and then, my physical regimen. But ako, I don't want to do the fake way. Yung may lipo-lipo, yung ganyan. Ayoko ng lipo-lipo, bokot [takot] ako! Ang gusto ko talaga, all natural. Ang tendency kapag natural ang ginawa mo, yung katawan mo, magpu-form nang tama. Obvious kasi ang lipo, yung arm, may uka."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unless ipapa-lipo niya lahat ng parts?

"E, kung ma-tsug ako dun sa kama! Nagpaganda tapos ang ending, meme for life! Ay, bring me to life ang gusto ko!" natatawa niyang sabi.

Another factor pa raw is her being diabetic.

"Ang dami kong bawal kainin. Second, yung anak ko, allergic sa chicken, sa mga ganito, sa mga ganyan... Kasi sa dinedede niya, naapektuhan siya sa kinakain ko, so shut down ako ng maraming meat. Ayoko rin magka-high blood. Kasi si Mama [Elizabeth Ramsey], lahat na nasa kanya. So, umiwas na ako ng smoking. I've done that a long time ago na. Ipinokus ko na talaga na, one by one, I have to be fit, but I have to do it nang dahan-dahan. So, fit for life talaga ang title ng show! Kailangan, e."

Twenty-five pounds daw ang kailangan niyang i-lose. So far, three pounds pa lang daw ang nababawas sa kanya.

Thankful lang si Jaya na with her bunso na si Dylan, hindi siya ganoong tumaba nang husto unlike sa kanyang panganay na si Sabriya, kung saan nag-gain siya ng todong weight.

"Dun ako tinamaan ng diabetes kasi kinain ko lahat. Anything and anytime, I eat any food, that's why she [Sabriya] was 8.10 lbs. Nang makita namin siya, sabi namin, 'Bakit siya maga? Bloated?' Nagpa-check-up ako a year later. Nano-notice ko, nagpapawis ako, pagod ako, palagi akong inaantok. Yun pala, meron na [diabetes]. But mine, puwedeng daanin sa diet and exercise," lahad niya.

Jaya is already taking insulin since she's a Type-2 diabetic. She takes insulin in the morning and before dinner.

"Bawal pa sa akin ang oral kasi nagbi-breastfeeding ako. In a few months, puwede na rin yung pills," banggit ng singer.

THE SINGER WANTS TO ACT. One of Jaya's wishes ay ang makaarte muli. In fact, seryoso raw siya na magkaroon ng acting project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko talaga. Kaya GMA, nanawagan po ako, kunin n'yo ako sa soap. Kung hindi man sa soap, Bubble Gang! Etchos!" natatawa niyang sabi.

Nakagawa na rin siya ng musical play, Rama at Sita. Pero kung si Jaya raw ang tatanungin, she wants to do an indie film.

"Kung puwedeng lukaret ako sa movie na hindi ine-expect ng mga taong gagawin, gusto ko ng ganun. Anything that will surprise the public. Ang sarap kayang umarte!" sambit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN