Heart Evangelista misses chance to personally accept her first acting award

IMAGE 0


"First nomination ko kasi 'yon at nanalo pa ako. Sayang, sana nakapunta pa rin ako. Iba pa rin ang feeling na personal mong tatanggapin ang award. Pero dinala nila sa akin ito [FAMAS trophy] sa taping namin last Monday evening kaya tuwang-tuwa ako. Nang umuwi ako, inilagay ko siya sa table sa tabi ng kama ko at naiilawan siya ng lamp shade!" says Heart Evangelista about her first acting award.


Hawak-hawak ni Heart Evangelista ang kanyang first FAMAS statuette nang abutan siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa thanksgiving party na ibinigay ng parents niya na sina Mr. & Mrs. Reynaldo and Cecille Ongpauco at ng manager niyang si Annabelle Rama sa Barrio Fiesta sa SM Megamall kagabi, October 20.

Pasasalamat 'yon sa lahat ng blessings na dumarating kay Heart, kabilang nga rito ang first time niyang pananalo bilang Best Actress para sa indie film niyang Ay, Ayeng mula sa 57th FAMAS Awards. (CLICK HERE to read related story.)

Magsisimula ng dalawa niyang projects—ang Mano Po 6: My Mother, na entry ng Regal Films sa Metro Manila Film Festival this year, at ang Pinoy adaptation ng Koreanovela na Full House. Bukod dito, mayroon pa siyang Fashionista by Heart sa Q11 at SOP sa GMA-7.

FIRST ACTING AWARD. Bakit hindi siya nakadalo sa awards night ng FAMAS last Sunday, October 18?

"Wala po kasi akong natanggap na invitation, although may nagsabi sa akin na nominated daw ako," sagot ni Heart. "Gusto ko nga sanang pumunta, gusto kong magsuot ng long gown. Pero nang tanungin ko si Tita Annabelle kung pupunta ako, sabi niya kung wala raw akong invitation, huwag na lang akong pumunta.

"Late na raw natatapos ang awards night at maaga ang call time namin sa Mexico, Pampanga the following day, sa first taping day namin ng Full House ni Richard [Gutierrez]. Then, midnight, tinawagan ako ni Daddy, may tumawag daw sa kanila ni Mommy na ako ang nanalong best actress sa FAMAS. Napalundag ako sa tuwa, hindi ako makapaniwala!

"First nomination ko kasi 'yon at nanalo pa ako. Sayang, sana nakapunta pa rin ako. Iba pa rin ang feeling na personal mong tatanggapin ang award. Pero dinala nila sa akin ito [FAMAS trophy] sa taping namin last Monday evening kaya tuwang-tuwa ako. Nang umuwi ako, inilagay ko siya sa table sa tabi ng kama ko at naiilawan siya ng lamp shade!" natatawang kuwento ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING WITH SHARON & DENNIS. Sa Mano Po 6 ay gaganap si Heart bilang rebeldeng anak ni Sharon Cuneta. Nagsimula na silang mag-shooting, pero hindi pa raw sila nagkakaroon ng eksena.

"Sa Thursday [Oct. 22] po ang first scene namin together at talagang ninenerbiyos ako," pag-amin ni Heart. "Confrontation scene po namin 'yon dahil galit ako sa kanya. Three days ko nang memorized ang lines ko. Ayaw ko pong mapahiya kay Ate Sharon, kaya lagi kong dala ang script at binabasa ko pa rin."

Kumusta naman si Dennis Trillo na lover niya sa movie?

"He's a very good actor," sabi ni Heart. "Nakita ko na 'yon sa kanya nang una kaming magkasama sa 'Tsinoy' episode namin noon ng Dear Friend. O, di ba, Chinese story pa rin ang una naming ginawa sa TV! Akala ko noong una, light love story yung gagawin namin. Pero hindi, drama pala. At noon pa, nilaglagan na niya ako ng tatlong luha niya sa unang eksena namin. Kaya sabi ko, 'Mahusay palang aktor si Dennis.'

"Nang una kaming magkasama sa eksena sa Mano Po 6, tahimik lang siya, ako pa ang kumakausap sa kanya. Mag-boyfriend kami sa story, tapos hindi kami nag-uusap. Pero okey na kami ngayon. Bago kami mag-shoot, nag-uusap muna kami kung ano ang gagawin namin. May three kissing scenes na nga kaming nagawa, although smack-smack lang naman."

Paano kung ligawan siya ni Dennis, since loveless ito ngayon at siya naman ay wala ring boyfriend? Aminado rin kasi ang aktor na crush niya si Heart.

"Huwag muna, hindi pa nga niya sinasabi sa akin na crush niya ako!" natatawang wika ni Heart. "Gusto ko, kung may manliligaw ulit sa akin, yung prepared na talaga ako. Sa ngayon, dahil sunud-sunod na blessings nga itong dumarating sa akin, saka na muna ang love."

WORKING ABROAD. Parehong may out-of-the-country scenes ang Full House at Mano Po 6 kaya naman excited din si Heart na gawin ang mga proyektong ito. Ang Full House ay may mga kukunang eksena sa Prague, Czech Republic, samantalang ang Mano Po 6 naman ay magsu-shoot sa Beijing, China.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"First time lang po akong pupunta sa Prague. Doon po kukunan yung ilang eksena namin sa pagsisimula ng story, na na-meet ko sina Richard at Patrick [Garcia]. Kasama rin namin sina Sheena [Halili] at Rainier [Castillo]. Winter na nga raw po ngayon doon. Bahala na si Direk Mark Reyes dahil supposedly, summer vacation ang eksena doon.

"Then, may pictorial-shoot din po ang Mano Po 6 sa Beijing, China. First time ko rin pong pupunta doon at kasama ang buong cast ng movie. Exciting! Pero mauuna po kaming pumunta sa Prague early November, then third week of November naman sa Beijing."

TIFFANY RING FOR AUCTION. Naitanong din ng PEP kay Heart kung bakit isang Tiffany ring sa halip na signature bag ang ibinigay niya sa fundraising project nina Angel Locsin at Anne Curtis, ang Shop & Share, kung saan ibebenta ang iba't ibang items from the celebrities para sa typhoon victims.

"Okey lang 'yon. Hindi ko pa 'yon ginagamit, given by someone," sabi ni Heart.

Nagpaalam ba siya sa nagbigay sa kanya na idu-donate niya ang Tiffany rin? Magkano ito iu-auction nina Anne at Angel?

"Hindi na po kailangang magpaalam dahil I don't talk to him anymore," diretsang sagot ni Heart. "Kung bibilhin yung Tiffany ring, it will cost from sixteen to twenty thousand pesos. Sina Anne na ang bahala kung magkano nila ipapa-auction 'yon."

Ngumiti si Heart, pero hindi siya sumagot nang banggitin namin ang pangalan ng guy na puwedeng nagbigay sa kanya ng ring.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN