PEP EXCLUSIVE: Camille Villar defends her dad Manny Villar against criticism on his donations for Ondoy victims

IMAGE 0


Camille Villar (main photo) explains why the relief goods distributed by her dad and supporters bore Manny Villar stickers. "Gusto lang ng dad ko na makatulong because, I mean, he was on the helicopter on Sunday [September 27] and all the days after that. Hindi naman siya kailangang tandaan ng mga tao kasi yun lang naman ang meron kami, e. My mom is a Congresswoman. My dad is a Senator, so minsan, kapag may mga fiesta-fiesta, meron talagang ganun," she says.<


Naimbitahan ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng international Celestial Beauty, isang pageant na dalawang taon nang ginaganap sa U.S. Sinusulong ng pageant ang "go-green environment" at nilalabanan ang global warming.

Nagkataong sa bahay ng mga Villar sa Shaw Boulevard ginanap ang press launch. Lahat ng guests, kasama ang dalawang winners ng nasabing beauty contest, ay personal na sinalubong ng anak nina Sen. Manny Villar at Rep. Cynthia Villar na si Camille.

Bihirang makasalamuha ng entertainment press ang 20-year-old na unica hija ng dating senate president, kaya sinamantala ng PEP ang pagkakataon upang tanungin siya sa ilang isyu ng ipinupukol sa kanyang ama.

Simple at mukha siyang tahimik. Sa katunayan, ang mahiyaing bungad niya sa amin ay hindi raw ito part ng event at dumalaw lang daw talaga siya.

Pero noong usisain namin siya tungkol sa mga kumalat na larawan sa email, kung saan ang mga relief goods na ipinamigay ay may pangalan ng kanyang ama, hindi napigilan ni Camile ang magsalita.

Aniya, "You know, when I heard about that, it was very hurtful. Kasi, lumabas 'yan, Sunday [September 27]. Saturday night pa lang, our employees at that point, hindi pa kami nakakatulog nun. Kasi nga, Saturday pa lang, we had our engineers, our people, our staff, pumupunta na sila sa iba't ibang areas. Hindi na sila natulog, talagang nag-rescue sila and that's without any need to be given credit.

"Gusto lang nilang talaga na tumulong, and we had the capabilities, so we did. At that time, wala pa kaming tulog and we are so [hurt]."

Mga dump tracks daw nila ang ginamit para i-rescue ang ilan sa mga biktima ng Ondoy at mamigay ng relief goods sa iba't ibang lugar gaya ng lalawigang Rizal.

Ang kuwento pa ni Camille, "Meron nga sa Montalban, Rizal, at happy ang mga tao run na nakarating kami ahead of everyone. And basically, we wanted to do some stuff that was very, very fast. And at that point, we used whatever resources that were on hand."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw ng dalaga na walang halong pamumulitika ang kanilang pagtulong.

"Kung meron man na nag-donate in our behalf, kasi...But moreover, with the plastic bags, with the bottled water, those were things that we've used throughout the years. And when there's a calamity, you don't have time to...hindi naman yun [stickers] pina-print noong Friday night. Ginamit na lang namin kung ano yung on-hand na. And with regard to styrofoam, hindi sa amin nanggaling yun."

Binanggit din niya na hindi ang kanilang pamilya ang nagpa-print ng mga stickers.

"Sinasabi nga ng dad ko, hindi naman siya ang nagpa-print nun. 'Tapos, sinasabi rin niya, kung gusto rin niyang mag-donate ng walang labels, okay lang din. But we used whatever resources we have to help and, you know, when we give out our help, it was really genuinely from us kasi, gusto lang naming makatulong," ang paliwanag ni Camille.

Nakita mismo ng bunso nina Manny at Cynthia ang mga forwarded messages and pictures sa Internet at ilang websites, pero sa sobrang abala niya, hindi na niya gaanong pinansin ang isyu.

"I was able to see it and I was deeply hurt. People sent it to us and at that time, I don't have time to respond kasi, talagang umiikot kami. Like ako, I personally went to Bulacan and Valenzuela to help. At saka, parang kami kasi, hindi na kami tumigil ng kakatulong, marami pa ring taong nagka-panahon na bumatikos," ang sabi ni Camille.

Ang mas maigi raw, sa halip na bumatikos, sumama na lang sa pagtulong.

"Para sa akin, tumulong na lang tayong lahat. Para sa akin, ang totoong pamumulitika, yung mga taong may time pa para mamintas. Kahit sinong magbigay ng tulong, okay lang," pahayag ng young entrepreneur ng pamilya Villar,

At muli, iginiit ni Camille: "Now is not the time to get credits. It's really just to help and who has time to do that stuff, and my dad and our family, our conscience is clear. Hindi naman namin talaga ginawa yun para mamulitika. Hindi namin alam kung saan nanggaling yun at ginamit pa yun para siraan ang dad ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong mga panahong nagpa-pack sila, hindi na sila bumili ng bagong plastic o lalagyan?

"Mahal pa siya, e, di ibigay na lang, di ba?" ang praktikal na katwiran ni Camille. "At saka, hindi lang naman yun ang ginamit. Meron kaming normal water, labeled water, normal plastic bag, labeled. It's just that people focus on the negative rather than the positive. Sabagay, kung ganun rin lang naman, okay lang din naman yun. Sanay na rin naman kami. Ang importante naman, yung mga natulungan mo."

Sa mga lugar daw na pinuntahan niya, she doubts if the people remember her or if they know that she's the daughter of Manny Villar. But she didn't mind.

"Kasi, noong nakapunta 'kong Marilao, noong nakapunta ako ng Sta. Maria, Bulacan, Valenzuela, kapag nabigay mo na ang tulong sa tao, wala na silang naaalala, basta natulungan mo na sila. They don't need to know who I am, who's my dad, where the goods came from, basta nakatulong ka. Yung maka-reach ka sa mga tao, biglang nakakalimutan mo na lang ang mga Facebook, mga pintas-pintas ng mga tao, and then nari-realize mo na, tama naman ang ginagawa mo," sabi ni Camille.

TALKING ABOUT DADDY MANNY. Hindi pinatulan ng dating Senator ang naturang isyu, basta ang importante raw ay nakatulong siya.

Ayon kay Camille, "Sabi niya, hindi ako mag-a-apologize dahil nakatulong ako. Kung gusto n'yo akong siraan, okay. Pero ang importante yung mga natulungan niya. Kasi, madaling magpintas, especially you are in air-conditioned house, but what if, you see people who lost their homes, walang makakain, walang masuot.

"I mean, like I saw guys wearing woman's clothes. I mean, ganoon kalala. So, para sa akin, wala na tayong dahilan para magsiraan. Kahit sino pa ang tumulong sa tao, okay lang."

Nang usisain namin siya tungkol sa balitang tatakbo sa 2010 ng kanyang ama, "Sa tingin ko, oo...mukhang wala na ngang urungan," nakangiting tugon ni Camille.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At nangangako siya ng 100 percent support sa kanyang daddy. Naniniwala rin ito na may kakayanan ang ama para hawakan ang nasabing posisyon. All throughout the interview, medyo kimi at maingat sa mga sagot si Camille. Pero sa puntong ito, lumabas ang kanyang strong convictions.

"I really, really believe now more than ever, he's really the right man for the job. After Ondoy, makikita mo talagang kapag hindi magaling or competent ang leader, paano mo maiaangat ang buhay ng mga tao?

"Hindi naman puwedeng palagi tayong napipinsala ng typhoon 'tapos, hindi tayo ready. Palaging may nawawalan ng bahay, pagkain. Imagine mo ang mga farmers, one year na, malapit na silang mag-harvest tapos na-wash away sa Pepeng?

"Kung siya nga raw 'yan, bibigyan na niya ng seeds ang mga farmers to rebuild. Marami rin industry namatay like in Marikina. I mean, you have to solve the fundamental problem and you need someone competent to do that and now, I really believe na kaya niya dahil naka-manage na siya before.

"Now more than ever, kasi before, kung medyo lazy pa ako about telling my dad but now, I really feel it. Kasi, kawawa naman tayo kapag nagkamali na naman tayo ng pagkapili."

Dati, isa si Sen. Villar sa strong contenders for the highest post in the country. May nabago ba simula noong nagdeklara ng intensiyon si Sen. Noynoy Aquino?

Heto ang malumanay at mahabang sagot ni Camille, "He still have continued support and he's happy about that. And he's unfazed. It might not be an easy battle, but yung dad ko naman sanay siya na dehado siya, e. Pero hindi naman, confident naman siya. Yung supporters namin are still intact. Mahaba pa ang panahon, marami pa ang puwedeng mangyari, so, ngayon, everything that we planned and everything that we are thinking of doing is in place, so, okey naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At least, talagang huwag kang ma-distract, keep your eye on the ball and he's very competent and I think he has no problems. Sanay na 'yan. Granted may ibang nagpa-panic, pero siya okey naman."

WHAT ABOUT WILLIE? Before we ended our conversation, inintriga namin siya tungkol sa pagkaka-link niya kay Willie Revillame.

Nagiti lang ang dalaga, "We're always there, e. Our family kasi has gotten very close to Willie. I think, they have an upcoming partnership and then, minsan pinupuntahan or binibisita namin siya sa Wowowee, so, siguro, palagi nila kaming nakikita together kaya tsini-tsismis-tsismis nila. But he's a good friend with the family.

"At saka lahat naman yata ng kilala ko na kilala siya, sinasabing mabait siya and he is naman. And to be fair, until now, hindi naman niya iniwan ang daddy ko and for that, we're thankful."

Nagpaparamdam ba ang sikat na Kapamilya host sa kanya?

"Hindi naman," ang kanyang natatawang sabi.

If ever, would she fall for a guy like Willie?

Natawa na naman siya sabay sabi ng, "Basta ako, ang gusto ko kasi, hardworking at saka mabait."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN