JC Tiuseco considers Maxene Magalona his "special friend" in showbiz

IMAGE 0


"Kasi sa showbiz, parang mahirap makahanap ng tunay na kaibigan, ng best friend. Siya talaga yung itinuturing ko na isa sa mga special friends ko sa showbiz," says JC Tiuseco about young actress Maxene Magalona.


Hindi ine-expect ng first Pinoy Sole Survivor ng Survivor Philippines na si JC Tiuseco na maraming fans niya ang pupunta sa pinagsamang grand fans day nilang dalawa ng isa pang model-actor na si Akihiro Sato. Ginanap ito kagabi, October 22, sa SM North Edsa entertainment area.

Bagama't inamin ni JC na hindi niya alam kung ano ba ang gagawin niya dahil first fans day nga niya ito, masaya naman siyang nakipagkantahan, nakipaglaro, nakipag-picture taking, at nag-autograph signing, bukod pa sa nakahandang program talaga. Nag-enjoy naman ang lahat ng mga tagahanga nila ni Akihiro sa naturang fans day.

Kaya naman tuwang-tuwa si JC nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa backstage tungkol sa fans day nila ni Akihiro.

"Siyempre masaya kasi nakikita ko yung mga fans na ganun pala kadami, lalo na kanina nung lumabas na ako. Sobrang happy ako na nandiyan sila para sumuporta. After a year na nasa showbiz ako, nandiyan pa rin sila to support me," nakangiting sabi ni JC.

Ano ang feeling niya na isa siya sa most admired at most loved bachelor sa showbiz ngayon?

"Ako, ewan ko, hindi, nahiya naman ako!" natatawang sambit ni JC. "Siyempre flattered ako at honored ako na yun ang tingin nila sa akin. Pero nahihiya pa rin ako pag sinasabing ganun."

Okay lang ba sa kanya na hindi lang mga babae kundi pati gays ay nagpapantasya rin sa kanya?

"Actually, okay lang naman sa akin," sagot niya. "Pero mahiyain talaga ako at first, lalo na kapag bago kong kakilala yung tao. Pero pagdating sa work, sa show, natatanggal lahat ng hiya ko."

Sa katunayan daw ay nagpapasalamat pa nga siya sa gay fans niya dahil napakalaki ng naitutulong ng mga ito sa kanyang career.

"Very thankful nga ako sa kanila, kasi usually sila pa yung mas expressive sa pag-support nila sa akin. But, of course, thankful din ako sa mga female fans ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SUPPORTIVE MAXENE. Special guest ni JC sa fans day nila ni Akihiro si Maxene Magalona, na nakatrabaho niya sa kanyang first soap sa GMA-7, Sine Novela Presents Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin.

"Happy ako and thankful nandito siya to support me. Happy ako na after ng soap namin sinusuportahan pa rin niya ako," saad ni JC.

Naging close sila ni Maxene habang ginagawa nila ang kanilang soap. Dahil nga rito ay nabuo tuloy ang loveteam nila na suportado naman ng mga fans. At ngayon nga ay iniintriga pa ang kanilang closeness dahil kahit nagtapos na ang soap nila ay madalas pa rin silang makitang magkasama sa malls. Ano ang masasabi ni JC dito?

"Oo naman, lumalabas naman talaga kami," pag-amin niya. Pero paglilinaw ni JC, "Kami nina Max [tawag niya kay Maxene], kasama yung grupo pa rin ng Kung Aagawin, intact pa rin kami—sina Glaiza [de Castro], Patrick [Garcia], Rich [Asuncion]. Kasi iba yung bonding namin sa Kung Aagawin, parang naging tunay na magbabarkada na kami lahat."

Ano ba ang status ng relationship nila ni Maxene ngayon?

"Friend ko siya. Sobrang naging close talaga kami."

Paano niya naman ide-describe yung friendship nila?

"Okay naman kami. Minsan nagkukulitan. Nagte-text, nagtatanungan kung ano na ba ang next project mo, ganun."

Siyempre, para sa mga fans na nabuo sa pagsubaybay sa Kung Aagawin, gusto nilang magkatuluyan in real life ang loveteam. Posible bang matupad ang wish nilang ito?

"Hindi ko pa alam, e, kasi ngayon parang mas focused kami sa work, e. Parang complicated kasi pag umabot na sa ganun tapos nagtatrabaho kami. Maganda naman yung friendship namin. So, hindi ko pa alam. Hindi ko pa masasagot ang tanong na 'yan."

SPECIAL FRIEND. Pero aminado naman si JC na special na rin sa kanya si Maxene bilang isa sa pinakamalapit na tao sa kanya sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi sa showbiz, parang mahirap makahanap ng tunay na kaibigan, ng best friend. Siya talaga yung itinuturing ko na isa sa mga special friends ko sa showbiz," sabi niya.

Ano ba ang nagustuhan niya kay Maxene?

"Mabait siya. Supportive. Maintindihin na kaibigan. Nakikita ko rin... Kasi nung una, hindi ko pa siya kilala, e, nakikita ko kung paano niya i-treat yung mga kaibigan niya. Sobrang supportive siya. Kung may problema, pinupuntahan niya. Tapos maalaga siya sa family niya."

Bilang kaibigan, ano ang pinaka-sweet na nagawa ni Maxene para sa kanya?

"Siguro noong dating nagte-taping kami, siyempre, nahihiya ako kasi first ko yun, e. Tapos nakatayo lang akong ganun, wala akong maupuan. Papaupuin niya ako, magpapakuha siya ng chair for me. Ganun siya sa taping, e. Maalaga sa mga kasama niya."

Sabi ni Maxene, nagustuhan niya raw kay JC ang pagiging totoong tao nito na mahirap daw hanapin sa showbiz. Ano ang comment ni JC dito?

"Sinabi niya yun? Ewan ko, ipinapakita ko lang naman na totoong kaibigan ako," sagot ng dating varsity player ng San Sebastian College.


NOT THIRD PARTY. Ano naman ang reaksiyon niya sa intrigang siya raw ang dahilan ng pakikipag-break ni Maxene sa non-showbiz boyfriend nito?

"Hindi naman. Kasi nag-break sila months ago pa, hindi pa kami close noon. Hindi ko nga alam noon na nakipag-break siya," sagot ni JC.

Pero noong malaman niya ang naging sitwasyon ni Maxene, paano niya binigyan ng comfort at support ang kanyang "special friend"? Nagkuwento ba si Maxene sa kanya?

"Hindi niya kasi sinasabi yung mga reasons kung bakit sila nag-break. At saka ayoko ring magtanong kasi personal na yun. Kung ayaw niyang magsalita, okay lang sa akin. Ang masasabi ko lang, ipinaramdam ko sa kanya na totoong kaibigan ako. Sumasama kami sa grupo para masaya, kami nina Patrick, Glaiza, Rich, pati yung mga staff and crew ng Kung Aagawin. Yun, para makalimutan niya rin yung problema."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong single na ulit si Maxene, wala nang magagalit kung maging close man silang dalawa. Pero on his part, meron bang magagalit?

"Ah...," nag-isip sandali si JC. "Wala naman siguro. Wala namang masama sa pakikipagkaibigan, e."

So, yung ex-girlfriend niyang non-showbiz, wala na talaga sila?

"Wala na," sagot ni JC.

So, ibig sabihin single talaga siya ngayon?

"Oo, single."

Next month, November 23, ay birthday na ni Maxene. Ano ang wish niya para sa kanyang "special friend?"

"Sana dumami pa yung mga shows niya. Magtuluy-tuloy pa ang career niya at tumaas pa lalo. At saka ituluy-tuloy niya yung pagiging humble niya, pagiging matulungin niya sa mga tao, lalo na sa mga ka-work niya, sa mga staff and crew. Kasi doon ko nakita yung kabutihan niya, e. Sobrang bait niya."

Iniisip pa raw ni JC kung ano ang ireregalo niya kay Maxene.

NEXT PROJECTS. After Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin, may susunod na ba siyang soap sa GMA-7?

"I'm hoping and waiting. Alam ko kasi nakikipag-meeting pa yung manager ko kung anong next soap ang gagawin ko," sabi ni JC.

Wish niya ba na si Maxene ulit ang makapareha niya?

"Oo naman, kasi nakatrabaho ko na siya. Na-try ko na siya kung paano siya magtrabaho. Sobrang daling katrabaho. Wala akong naging problema sa kanya. Matutuwa ako kapag siya ulit ang kasama ko sa next soap ko."

Wala na raw si JC sa Unang Hirit kung saan naging segment host siya. Nag-expire na raw ang kontrata niya sa naturang morning show ng GMA. Pero may gagawin daw siyang show na bahagi ng ipinapalabas pa ngayong Survivor Philippines: Palau, lalo na nga't siya ang first winner ng naturang reality show.

"May gagawin akong new show na part ng Survivor Palau. Starting next week ie-air siya, parang updates or summary yata ng mga nangyari sa show. Hindi ko pa alam yung full details, kasi kaninang umaga lang sinabi sa akin. Ang isa lang nasabi sa akin yung parang natanggal sa Tribal Council, yung family niya kasama ko or yung mga previous na mga natanggal mai-interview ko. Start ng taping ko sa Saturday, tapos mag-e-air siya sa Monday na yata," pagbabalita ni JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JC'S CHOICE FOR NEXT PINOY SOLE SURVIVOR.. Bagamat hindi regular ay nakakapanood naman daw ng bagong edisyon ng Survivor si JC at naa-update naman daw siya. Sino sa mga kasali rito ang hinahangaan niya?

"Unang hinangaan ko si Cris Bolado. Pero ngayon, si Justine [Ferrer]. Magaling si Justine," sambit ni JC.

Ano ang hinangaan niya kay Justine?

"Yung matapos niyang matanggal sa umpisang-umpisa, akala ng mga tao wala na siya. Tapos tinalo niya lahat ng mga natanggal, hindi lang babae kundi pati mga lalake, kaya ang galing. Talagang mabibilib ka."

So, si Justine ba ang bet niya na maging susunod na Pinoy Sole Survivor?

"Oo naman, kasi na-prove na niya sa mga tao na kayang-kaya niya ang mga challenges sa isla."

Ayon kay kay JC, hindi naman siya magwo-worry o mai-insecure kung sakaling pasukin din ng mga kasali sa Survivor Palau ang showbiz.

"Karapatan naman nila yun. Sino ba naman ako para pigilan sila? At saka nandito lang ako to support them. Gusto ko nga magkaroon pa ng Season 3, 4, 5. Kasi gusto ko ring ma-experience ng ibang tao yung na-experience ko," saad ng kauna-unahang Pinoy Sole Survivor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN