Lovi Poe admits she still misses ex-boyfriend Jolo Revilla

IMAGE 0


No third party was involved in her breakup with Jolo Revilla, said Lovi Poe. "Mga bata pa rin kasi kami. Marami pang puwedeng mangyari. Sa ngayon, kanya-kanya na munang career," said the young actress who portrays an incest survivor in Sagrado Pamilya.


Natatawa na lang si Lovi Poe kapag binibiro siya ng mga kaibigang reporter na wala na siyang attitude these days. Ganoon lang daw ang buhay. Hindi na lang niya pinababayaang ma-bother siya ng kung anu-anong problema. Obviously, these days, wala siyang pinoproblema.

Usap-usapan nga kasi na finally ay split na sila ni Jolo Revilla.

"Yun lang ang dahilan. Gusto kong mag-concentrate sa trabaho kaya wala na muna 'yang mga ganyang bagay," sabi ni Lovi nang matiyempuhan namin siya sa photography studio ni Edward dela Cuesta sa Sct. Tuason, Quezon City, kagabi.

"Wala namang ibang reasons. Mga bata pa rin kasi kami. Marami pang puwedeng mangyari. Sa ngayon, kanya-kanya na munang career," pagdidiin ng young actress.

Natapos nang gawin ni Lovi ang Sagrado Pamilya para sa Legalas Entertainment, kung saan ginanap niya ang papel ng isang incest victim. Balitang nagpaka-daring niya rito.

NO THIRD PARTY. How true na may third party involved sa breakup nila ni Jolo? May chikang nakipagbalikan daw si Jolo sa nabuntisan niyang anak ni Rosanna Roces na si Grace Adriano.

"Walang third party involved," aniya. "Mas mabuting si Jolo ang tanungin ninyo tungkol sa bagay na 'yan. Huwag ako.

"Noon, yeah, that's part of life, kung nagkaroon man ng kung anu-anong intriga sa amin ni Jolo. Naging masaya naman ako, pero hindi lang talaga tahimik. I'm just happy that I am concentrating more on my job, and my school.

"I think I will still have plenty of time for that. At least, ngayon, alam ko na talaga ang priorities ko," pag-amin pa niya.

After Jolo, wala bang ibang umaali-aligid sa kanya?

"Wala," mabilis niyang sagot. "Kasi, kung mayroon man, wala talaga roon ang concentration ko. Ayokong mag-jump into someone else. Gusto ko munang mag-concentrate talaga sa career. Kapag in love ka kasi, let's face it, maraming distractions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nami-miss ko pa rin si Jolo, I must admit, kasi may pinagsamahan naman kami. Naging malapit siya sa akin. Bihira na kaming mag-communicate," sabi pa niya.

JOLO WANTED HER FOR PEPENG AGIMAT. May mga chikang nagkikita pa rin daw sila ni Jolo sa kung saan-saan, katulad sa isang mall sa Makati. Baka itinatago lang nila?

"Baka matagal na 'yun," sabi ni Lovi. "Ngayon kasi, hindi na talaga kami nagkikita. Hanggang ngayon naman, close pa rin ako sa mga kapatid niya. We have common friends. Kung magkita man kami, hindi imposible."

Bago siya nabigyan ng proyekto ng GMA-7, ang Show Me Da Manny, balitang kinakaray-karay siya noon ni Jolo sa ABS-CBN para iharap sa Kapamilya executives and himukin silang gawing leading lady niya sa Pepeng Agimat.

"Flattered ako upon learning na gusto ni Jolo ako ang makapareha niya. But I guess I still have to stay with GMA-7. Excited ako na mayroong bagong show si Jolo. I wish him all the luck. All the best for him.

"Sorry to say, 'cause I'm Kapuso all the way. At pagdating sa ganyang mga bagay, it's my manager [Leo Dominguez] who's in charge of that. Hindi naman kasi ako makakapag-decide agad nang ganyan.

"I think ABS-CBN has chosen another partner for Jolo. Flattered ako sa sinasabi nilang pinag-iisipan ako sa Dos na maisali sa project ni Jolo, pero happy naman kasi ako sa Siete. Walang dahilan para lumipat ako," aniya pa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN