Melissa Ricks is ready to accept daring roles, if offered

IMAGE 0


"Ang sa akin, handa naman akong makipagsabayan. Kaya lang, yung mga roles na ibinibigay sa akin, hindi pa nire-require na may love scene ako o daring ako. Hindi mo naman puwedeng ipilit yung mga ganoong eksena. So, siguro pag dumating yung role na yun at dumating ang time na nire-require ng character, go naman ako doon," says Melissa Ricks.


Pagkatapos mapanood ang young actress na si Melissa Ricks sa seryeng Kambal Sa Uma, na pinagbidahan nila ni Shaina Magdayao sa ABS-CBN, heto't muli siyang mapapanood sa telebisyon via Pepeng Agimat. Siya ang leading lady rito ng gumaganap na Pepe na si Jolo Revilla.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Melissa kahapon, October 25, pagkatapos ng ASAP '09, kung saan ay isa siya sa regular mainstays dito. Ikinuwento niya sa PEP na nakapag-taping na sila ni Jolo para sa Pepeng Agimat.

"Naka-three tapings days na kami. Kahapon, kasama namin si Senator Bong [Revilla] sa eksena," banggit ng Star Circle Quest alumna.

Ayaw sabihin ni Melissa kung anong eksena ang pinagsamahan o kinunan sa kanila ni Bong Revilla.

"Basta secret," sabi niya. "Hindi ko puwedeng sabihin, e. Basta kasama namin siya kahapon. Yun nga, sobrang dami ng tao sa taping namin. At ang dami niyang security."

First time ni Melissa na makatrabaho si Sen. Bong at sobrang nahihiya raw siya rito.

"Ayoko ngang tumambay doon sa tent namin na magkakasama kami kasi kinakabahan ako, nahihiya ako. Pero sabi naman ni Jolo, mabait naman daw yung daddy niya. Parang siya lang daw!" natatawang sabi ni Melissa.

First time din na nakatrabaho at nakapareha ni Melissa si Jolo. Kumusta naman ang working relationship nila ng anak ni Sen. Bong?

"Actually, okey siya. Hindi ko nga inaasahan na magkakasundo kami. Akala ko noon hindi kami magkakausap, pag may eksena lang kami together doon magkakaroon ng chance na makapag-usap. Pero for the past three taping days, lahat kami sa set sobrang nagkakasundo. Para na talaga kaming magkakabarkada.

"Nag-aano nga kami kung kelan kami lalabas na walang trabaho. Gigimik daw kami, ganyan. Ako, si Helga [Krapft], si Jolo, si Josef [Elizalde], saka si Jay-R [Siaboc]. Sobrang ang saya namin sa set. Nagpapatawa lagi si Jay-R, tapos si Jolo ang daming [dalang] pagkain," kuwento ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May kissing scene ba sila ni Jolo sa Pepeng Agimat?

"Meron, nakunan na nga yun, e," sagot ni Melissa. "Nakakatawa lang, kasi nung first take namin, ang bilis. Sabi ni Direk, 'Stop! Lagyan n'yo naman ng konting suspense... ng konting kinikilig.' So, inulit namin. Siyempre, nagkakahiyaan. Hindi naman kami totoong loveteam at first time lang nga naming nagkatrabaho kaya nagkakahiyaan pa."

KAPAMILYA FAVORITE. Maraming nakakapansin na isa si Melissa sa paborito ngayon ng ABS-CBN. Lagi kasi siyang binibigyan ng proyekto ng Kapamilya network at hindi siya nababakante.

Napapansin din ba ni Melissa na paborito nga siya ng ABS-CBN?

"Hindi naman!" bulalas niya. "Siguro nagkakataon lang na binibigyan nila ako ng mga break. Kasi siguro pinagbubuti ko yung trabaho ko and hindi ako nagiging pasaway. So, napapansin siguro nila yun kaya ayun, binibigyan nila ako ng work."

Sa January next year ay magkakaroon ng serye sa ABS-CBN si Melissa kung saan ay sila ulit ng kanyang ka-loveteam na si Matt Evans ang magkapareha.

"Maganda ang istorya. Never in Philippine television pa siya. And sobrang excited ako dahil sobang gusto ko yung role ko. And yung mga kasama kong artista, mga kabarkada ko rin," banggit niya.

Sina Kim Chiu, Maja Salvador, at Erich Gonzales, na mga kasamahan ni Melissa sa kuwadra ng ABS-CBN at halos kasing-edad niya lang, ay gumawa na rin ng mga daring roles. Si Kim ay nagkaroon ng love scene with Gerald Anderson sa katatapos lang na drama series nilang Tayong Dalawa. Si Maja ay nagkaroon din ng love scenes sa dalawang kapareha niya sa Nagsimula Sa Puso na sina Coco Martin at Jason Abalos. At maging si Erich sa unang serye na pinagbibidahan niya, Katorse, ay nagkaroon din ng love scene sa kapareha niyang si Ejay Falcon.

Kailan naman kaya gagawa ng mga maiinit na eksena sa telebisyon si Melissa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung mga tanong nga sa akin ganoon, kung makikipagsabayan daw ba ako sa kanila. Ang sa akin, handa naman akong makipagsabayan. Kaya lang, yung mga roles na ibinibigay sa akin, hindi pa nire-require na may love scene ako o daring ako. Hindi mo naman puwedeng ipilit yung mga ganoong eksena. So siguro pag dumating yung role na yun at dumating ang time na nire-require ng character, go naman ako doon."

Si Jake Cuenca ay dating na-link kay Melissa. Ano ang reaction ni Melissa sa nasulat na diumano'y nahuli si Jake na nakikipaghalikan kay Cristine Reyes? Para tuloy sinasabi na may relasyon ang dalawa?

"Niloloko ko nga siya tungkol doon. Sabi niya, hindi naman daw totoo yun. Nagkita lang daw sila sa bahay ni Angelica [Panganiban]. Pero hindi naman siguro ako ang dapat tanungin sa isyung yun kasi hindi naman ako ang involved," iwas ni Melissa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN