John Lloyd Cruz reunites with longtime screen partner Bea Alonzo in Miss You Like Crazy

IMAGE 0


Reigning Box-office King John Lloyd Cruz signed another two-year contract with home network ABS-CBN and its film arm, Star Cinema. John Lloyd is about to begin shooting his reunion movie with Bea Alonzo. He will return to primetime TV next year via a drama series with Angel Locsin.


Mananatiling proud Kapamilya si John Lloyd Cruz, one of this generation's best actors, pagkatapos niyang mag-renew ng kanyang exclusive contract sa ABS-CBN at Star Cinema, ang film production outfit ng Dos.

Kahapon, October 26, naganap ang contract-signing ni John Lloyd, kasama ang executives ng Kapamilya network tulad nina ABS-CBN channel head Ms. Cory Vidanes, entertainment head Ms. Linggit Tan, Star Cinema managing director Ms. Malou Santos, and Star Magic heads Ms. Mariole Alberto and Mr. Johnny Manahan.

Tuluy-tuloy lang ang paghataw ng career ng Box-Office King. Kinumpirma nitong after his reunion Valentine movie with Bea Alonzo ay si Angel Locsin naman ang makakasama niya sa kanyang next teleserye.

"Two years yung contract. Magkakaroon ako ng new teleserye, and siyempre, ang ASAP," masayang pagbabalita ni John Lloyd sa SNN. "After kasi ng movie ko with Bea na lalabas by February, babalik na ako sa TV, kasama ko si Angel Locsin."

Wala nang mahihiling pa si John Lloyd sa lahat ng blessings coming his way pagdating sa namumulaklak niyang career.

"Masarap [ang feeling] na may nagtitiwala sa 'yo, especially pagka ganyang malaking tiwala ang iniaabot sa 'yo, pero malaking trabaho yun from my end," sabi niya.

REUNION MOVIE. Miss You Like Crazy ang working title ng Valentine movie nila ng longtime ka-loveteam na si Bea, to be directed by box-office director Cathy Garcia-Molina para sa Star Cinema.

Last week naganap ang story conference ng pelikula, kasama ang buong staff and cast which includes Maricar Reyes, na makaka-love triangle nina John Lloyd at Bea sa movie.

Ano ba ang masasabi ni John Lloyd sa Miss You Like Crazy?

"Kakaibang klase ng storytelling," sabi ni John Lloyd. "Hindi ko pa siya maipaliwanag dahil wala pa akong nahahawakang script. Sa lahat po ng mga nakapanood ng mga pelikula namin, first time po naming gagawa ng ganitong paglalahad ng istorya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In recent years, nagkahiwalay ng movie projects ang dalawa. Nai-partner si Lloydie kay Sarah Geronimo sa dalawang hit movies (A Very Special Love at ang sequel nitong You Changed My Life), at si Bea naman kay Sam Milby at Derek Ramsay sa And I Love You So, na kahit naapektuhan ng away noon ng Star Cinema at SM Cinemas ay kumita pa rin sa takilya.

Ngayong balik-tambalan sila ni Bea, aminado si John Lloyd na kahit na tried and tested na ang kanilang loveteam sa box office ay may kaba pa rin siya sa kanyang dibdib.

"Yung expectations ng mga tao, hindi ko na yun hawak. Kung ano ang magiging reaction ng mga tao, wala akong magagawa dun. Basta ako, basta as long as alam kong ginawa ko ang lahat, ginawa ko yung... I gave it my best, wala akong dapat na alalahanin, kahit kami ni Bea, e, naka-ilang pelikula na, o naka-ilang palabas na kami sa TV.

"Ang tanong kasi is that... Ang kaba, nanggagaling sa kung ano ba ang ino-offer namin. Kung alam naman naming may io-offer na... na medyo confident kami na puwede naming sabihing, 'Maganda po ito!' Pag confident kaming sabihin 'yon, yun, kahit papaano it eases the tension," saad ng aktor.

Sa mga darating na araw ay lilipad si John Lloyd papuntang Europe at ayon pa sa mahusay na aktor, pagbalik na pagbalik nito ng bansa ay sisimulan na niya ang shooting ng Miss You Like Crazy.

"November 16 to be exact ang aming first day ng pagsu-shoot," masayang pagbabalita ni John Lloyd.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN