Mark Herras is taking it easy with Jennylyn Mercado and Ynna Asistio

IMAGE 0


"I'm not courting Jen [Jennylyn Mercado] naman kasi. Kami ni Jen, parang open kami sa possibility, baka may plans. Pero ngayon, aaminin ko, wala naman akong courting stage with Yna [Asistio]. Nandoon pa rin kami sa parang nasa isip ko ngayon, hindi naman kailangang magmadali na manligaw kaninuman. Hindi naman ako mauubusan," says Mark Herras.


It has been six years since StarStruck Batch 1. Sina Mark Herras at Jennylyn Mercado ang mga itinanghal bilang kauna-unahang StarStruck survivors. Magkakaroon na ng ika-limang batch ng StarStruck pero confident si Mark sa sarili niya kahit ilang batch na ang nagdaan.

"Siguro yung first to third batch, nandun yung kinakabahan ka pa. Pero ngayon, after Batch 4 and after six years, hindi na siguro. Especially ngayon, kasama ako sa mga host. Ako sa Batch 1 ang parang representative, then sina LJ Reyes, Arci Muñoz, and Paulo Avelino. Susubaybayan namin ang Batch 5, at mas maganda, we can give opinion or comments."

How does he feel na this time, host na siya at hindi na contestant?

"Exciting din... Actually, masaya, sobrang masaya. Kasi, makikita ko ang pinagdaanan ko before, di ba? Pero I'm sure naman, ilang months din ba tumatakbo ang StarStruck, I'm sure na mapapalapit din kami sa kanila. Mahirap din yun, especially, kung alam mo na may mga kaibigan ka na at hindi deserving matanggal, pero matatanggal. You're gonna feel bad also."

Nasa process si Mark ngayon of reinventing himself away from the teeny-bopper Mark we used to see. Unti-unti na nga niyang ginagawa kahit sa pag-tackle ng mga characters niya sa series. At sa bagong dance album niya sa Universal Records ay mas mature Mark na raw ang makikita. He's also preparing for next year's Cosmo Bachelor's Bash.

Sa ngayon, kasalukuyan pa rin umeere ang Ikaw Sana nila ni Jennylyn. We asked Mark kung hindi ba niya naisip na for a while, lumayo muna siya sa love team nila ni Jennylyn. Kapag silang dalawa kasi ang magkasama, hindi maiiwasan na yung teenage love team pa rin nila ang naaalala ng fans.

"Well, siguro kung mapapansin naman nila, ang ginagawa naman namin ni Jen ngayon, hindi na yung tulad dati na parang puro pa-cute lang. Kaya ako naman, kung saan nila ako gustong i-pair, wala namang problema. Siguro kasi, nakikita nilang yung chemistry namin ni Jen, nandoon pa rin, hindi naman nawawala."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JEN OR YNNA? Bigla siyang naging vocal sa kung anong feelings meron siya for Jen nang huli siyang makausap ng entertainment press. May impression nga na parang nanliligaw siyang muli kay Jen at parang kung sila pa rin pala, okey sa kanya.

Pero sa debut ni Ynna Asistio, nag-iwan naman siya ng impression na tila nanliligaw rin sa dalaga. So, ano ba talaga?

"I'm not courting Jen naman kasi. Kami ni Jen, parang open kami sa possibility, baka may plans. Pero ngayon, aaminin ko, wala naman akong courting stage with Ynna. Nandoon pa rin kami sa parang nasa isip ko ngayon, hindi naman kailangang magmadali na manligaw kaninuman. Hindi naman ako mauubusan.

"Ini-enjoy ko lang ang company with Ynna, with Tita Nadia [Montenegro]. Kung makikita n'yo naman ang bonding ko with her family, sobrang masaya ako. Masaya ako palagi lalo na kapag kasama ko ang mga bata.

"With Jen naman, I'm happy dahil yung relationship namin as friends, from the time na naghiwalay, heto, inaanak ko si Jazz [Jennylyn's son with Patrick Garcia]. So, masaya rin ang feeling na kayo yung halos mortal na magkaaway before, now, you're open to anything, kung anuman ang mangyari sa inyo."

Sa ganoong punto, ano pala ang mas may possibility—maging sila ni Jennylyn muli or maging sila ni Ynna?

"Siguro sa ngayon, wala muna...neutral muna. Hindi naman sa naglalaro. If the time comes na gusto kong ligawan ulit si Jen, siyempre, I will tell it to Tita Nadia or I will tell it to Ynna. Gusto ko, open ako sa ganoon.

"Kung manliligaw man ako kay Ynna, siyempre, magpapaalam ako kay Tita Nadia, pero, siguro naman, hindi ko naman kailangang magpaalam kay Jen. Open naman kami ni Jen."

So, ano lang ang meron sila ni Ynna?

"We're friends, close kaming talaga. Malapit ako sa pamilya niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What if, mag-entertain si Ynna ng ibang suitors, okey lang sa kanya?

"Okey lang...minsan naman, pumpunta ako sa bahay nila, kalaro ko lang, mga kapatid niyang bata. Siguro kasi ako, parang ngayon ko lang na-enjoy yung ganoong bonding with family. Lumaki kasi ako na usually ako lang. Wala yung ganoong bonding with a big family."

SINGLE BUT NOT LONELY. Nakilala si Mark bilang "chickboy," and yet, is he telling us na for the longest time, single siyang talaga?

"Yes!" mabilis niyang sagot. "Kailan ba ang last ko? Sino nga ba ang last ko? Si Lian [Paz], si Lian naman talaga yung last. Na-issue kami before ni Rhian [Ramos], pero, hindi naman natuloy rin. So, siguro yun, after nun, official relationship, parang less than two years na."

Speaking of Lian, malapit na siyang magka-baby. Anong masasabi niya?

"I'm happy for them. Happy ako for Pao [Paolo Contis, Lian's boyfriend]. At kami naman ni Pao, okey naman kami, wala naman kaming problema. Siguro naman si Lian, okey rin kami, ang tagal-tagal na rin naman nun, tapos na yun."

Hindi ba siya single and lonely?

"Hindi naman... Buti na lang may Facebook, may Café World," natatawa niyang sabi. "'Tapos, busy rin ako sa trabaho. Sa gym, sa pagwo-work-out. Then, I have my new album at meron akong mga bagong hobbies na ginagawa like photography at long board, yun ang sports ko ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN