Talent manager Perry Lansigan speaks up about his resignation from SOP

IMAGE 0


"To be honest, hindi ako handa. But maybe God has bigger plans for me. At saka everything happens for a reason. Tulad na lang ng sinasabi ng isang kilala kong mentor, na 'there's always a reason for being,'" says talent manager and former SOP executive producer Perry Lansigan.


Almost 18 years ang naging serbisyo ni Perry Lansigan sa GMA-7. He can be considered a "celebrity" na rin, being the manager of some of Kapuso network's prime talents, like Dingdong Dantes, Geoff Eigenmann and Jolina Magdangal, among others.

Kahapon, October 27, ay inilathala rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pag-resign ni Perry bilang executive producer ng musical variety show na SOP. Ayon sa official statement mula mismo sa SVP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante, nagdesisyon si Perry na mag-resign sa SOP "to fully concentrate as President and CEO of PPL Entertainment, Inc., a production and talent management company which he formally established in September." (CLICK HERE to read related story.)

Pero bago pa man maglabas ng official statement si Ms. Galvante, may mga kumalat nang balita sa pamamagitan ng text messages na "tinanggal" daw si Perry sa GMA-7. Lumabas din sa PEP Alerts that "he was left with no other choice," na maaaring ipagpalagay na "forced resignation" ang nangyari.

Kung mababasa ang mga status na ipino-post consecutively ni Perry sa kanyang Facebook account, tila hindi smooth o hindi nanggaling sa kanya ang ideya na mag-resign siya sa SOP. Ilan sa mga ipino-post niya sa kanyang FB status ay: "Ang sakit, ang sakit-sakit..."

PERRY SPEAKS UP. Kagabi, ilang sandali pagkatapos mai-post ng PEP ang official statement mula kay Ms. Galvante, nakausap namin si Perry upang kunin ang kanyang panig tungkol sa nangyari.

Ang una naming tinanong sa kanya ay kung totoo nga bang nag-resign siya?

"Yes, I resigned. I won't elaborate na lang on that, kasi ayoko munang magsalita. Basta I will fly soon, and I will fly very, very high," makahulugang sabi ni Perry.

Mabilis ang sagot ni Perry sa tanong namin kung wala bang "pain" sa pagkawala niya sa GMA-7, lalo na bilang executive producer ng SOP for almost 13 years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Meron... meron naman," sagot niya. "Kahit nga magkarelasyon na kaka-three months pa lang, nasasaktan na. Kung umatungal na, akala mo habambuhay na magkarelasyon, what more yung almost ilang years?"

Hindi naman siya nakasagot agad when we asked him if his resignation was his personal decision. Pero sa bandang huli, sinabi niya, "I resigned na rin with respect to the wisdom of the recommendation of some people."

Paano niya pinaghandaan ang pagkawala niya sa GMA-7?

"To be honest, hindi ako handa," pag-amin ni Perry. "But maybe God has bigger plans for me. At saka everything happens for a reason. Tulad na lang ng sinasabi ng isang kilala kong mentor, na 'there's always a reason for being.' There's always a reason for being kung bakit yung office ko, September ko naitayo, tapos October nangyari ito [resignation]. E, puwede naman sa November maitayo. Maybe because ganito ang mangyayari. There's always a reason for being. Bakit October 25 yung last [day] ko, puwede namang the week before that? There's always a reason siguro dahil November 1, walang SOP. Tapos, pre-empted ang mga susunod [na episodes]. Siguro makakatulong din sa akin."

May iba't ibang haka-haka na naglalabasan, na kesyo may nagpatanggal sa kanya sa show at sa GMA-7 mismo. May ganoon din bang iniisip si Perry?

"Siyempre, iba-iba ang iisipin na d'yan. Actually, ngayon pa lang nga, ganoon na ang iniisip ng ibang tao. Kumbaga, hindi ko maiaalis na maisip nila yun," sabi niya.

PERRY'S TALENTS. Among Perry's pool of talents under PPL Entertainment—aside from Dingdong, Geoff, and Jolina—are Gabby Eigenmann, Arthur Solinap, Carlo Gonzalez, and Angelika dela Cruz, na lahat ay nasa Kapuso network din. Ano na ang mangyayari sa kanyang mga alaga, may plano ba siyang ilipat ng network ang mga ito?

"Hindi, may contract pa rin naman lahat. Naging mabait naman ang GMA, in fairness sa mga alaga ko," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang naging reaction ng talents niya, lalo na si Dingdong, sa pagre-resign niya?

"They are very much on my side," sagot ni Perry. "They will support me raw all the way sa kung anumang endeavors na tatahakin ko at naniniwala naman sila. It's the same thing, very positive sila sa mga pangyayari. Naniniwala sila na positive ang lahat ng ito."

If he has the choice, gusto pa rin ba niyang manatili sa GMA-7?

"I saw it coming. Alam ko na, kumbaga, kaya nga nagtayo rin ako ng business. Kasi, sa lahat naman ng negosyo natin or whatever, hindi ka palaging secured kung saan ka pupunta. So, kumbaga, naghahanda ka. Handa naman ako. Magbabago lang nang konti ang lifestyle ko, mga ginagawa ko. Kasi ang GMA at SOP in that matter is in my every breath and being na. Pero handa ako and positive ako dito."

Dagdag niya, "Siguro ano na lang, never akong nag-doubt, nawalan ng faith kay Lord. Basta positive ako dito."

Sa palagay ba niya ay may kinalaman ang pagpo-formalize niya ng production at talent management company niya kaya nangyari ang lahat ng ito?

"I think, oo... I think, meron," sagot ni Perry.

Mas magiging open na ba siya sa lahat ng networks?

"Wala namang imposible sa mundong ito, lahat posible. And ever since naman, I'm open naman to anything, especially for my talents. Na-associate lang ako masyado sa GMA. Pero para sa akin, lahat naman posible. Posibleng ganito, posibleng ganyan," saad ni Perry.

May mensahe ba siyang iparating sa Kapuso network?

"It's my deepest aspiration na yung mga naiwan ko d'yan, ang mga tao at mga naiwan kong shows, will still be the best and I wish them all well," maiki niyang sabi.

Hindi naman itinanggi ni Perry na iniiyakan pa rin niya hanggang ngayon ang pagkawala niya sa GMA-7. Pero aniya, "With friends around and people who believe in me, kaya ko 'to."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN