Rhian Ramos asks Dongyanatics to focus on Stairway To Heaven rather than her tandem with Dindong Dantes

IMAGE 0


"If they don't like me for Dong, halatang ang naiisip nila ay yung totoong buhay. E, wala naman yun sa jurisdiction ko. Ang totoong buhay, wala na akong ano diyan. Basta pag pinag-uusapan n'yo ako, sa work ko lang. Parang gano'n, na dapat nilang maintindihan," says Rhian Ramos about fans of Dingdong Dantes and Marian Rivera who do not like her as leading lady for the actor.


Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makapanayam si Rhian Ramos sa isang event kamakailan. Masaya ang aura ng young actress. Elegante itong tingnan that night sa black long dress na likha ng designer na si Pepsi Herrera. Medyo na-late nga lang ng dating si Rhian at nakauwi na ang ibang mga bisita.

Kumusta na ang Stairway To Heaven, ang pambatong teleserye nila ni Dingdong Dantes sa GMA-7?

"Well, ang ratings ng Stairway To Heaven ay pataas nang pataas. Sobrang grateful kaming lahat," masayang sabi ni Rhian. "Parang bawat araw, umaakyat, e. So, yun na nga, masayang-masaya kami.

"Maraming challenges ang nangyari, lalo na nung nag-start ang show namin. Pero ngayon, everything is okay na. Parang nagka-climb din daw sa stairway ang show. Yung trend ng show, parang stairway nga din. Sana umabot na ng heaven ang ratings namin!" tawa niya.

Matatandaang noong nagsisimula pa lang ang Stairway To Heaven, nasa 27-28 percent pa lang ang ratings nito sa Mega Manila (based on AGB Nielsen survey). Pero lately ay pumapalo na ang ratings nito sa 30-plus.

"Ang sinasabi ko nga, ang dami-daming challenges ang nangyari during the start of the show. Yung timing ng pagpasok namin, medyo may sablay, tapos yung bagyo pa, sobrang nakaapekto yun! And yun nga, ngayon, pataas na kami ng pataas... 34... gumagano'n.

"We're very happy! Buti naman, buti naman... Kasi, napakaganda ng kuwento. So siyempre, as much as possible, gusto naming ipakita ang best namin para mapakita namin sa lahat kung gaano kaganda ang kuwento," very proud na sabi ni Rhian.

TEAM-UP WITH DINGDONG. Kumusta naman ang samahan nila ni Dingdong sa teleserye?

"Very good also. Parang umiingay na kami sa set!" tawa ni Rhian. "Nag-iingay kami sa set... Sa bawat araw na magkasama kami sa taping, mas nagki-click kami, mas nagiging close kami, mas marami na akong puwedeng sabihin, kayang ikuwento, gano'n."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May "ilangan" factor ba sa pagitan nila ni Dindong nung simula ng taping?

"E, kasi, siyempre pagka-meet mo pa lang sa tao, hindi naman puwedeng lahat ng mga sikreto mo, sasabihin mo na lang bigla, di ba? Ngayon, kumportableng-kumportable na ako sa kanya.

"At saka ang masasabi ko, na ang malaking factor doon ay may tiwala talaga ako sa kanya, e. In a scene and outside of a scene, bilang partner onscreen at saka bilang katrabaho lang, in general... You know, kahit sa labas ng eksena. 'Yon!"

Sa isang interview naman kay Dingdong, may pahayag itong tila nais niyang magsimula ang isang magandang friendship sa kanilang dalawa ni Rhian. Ano ang reaction niya rito?

"Good! Yun din ang gusto ko. Very prepared ako na mag-grow pa ang friendship namin, kasi dito ko nakita kung ga'no siya ka-okay na tao!" hagikhik nito.

Dati-rati ba ay iba ang impresyon niya sa hunky at guwapong actor?

"Akala ko lang kasi, very stand-offish siya, yun yung unisex version ng suplada!" tawa ulit ni Rhian.

Parang very stiff ba ang dating sa kanya ni Dingdong noong una na parang ang hirap kausapin, gano'n?

"Siyempre, may takot factor na rin ako na kausapin siya kasi ang tagal na niya sa industry, tapos parang... di ba? Nakakahiya lang. Parang ano naman ang masasabi ko na interesting para sa kanya, e, alam na niya lahat? Parang gano'n. Yun yung feeling ko."

Ipinaalam namin kay Rhian na naka-sampung taon na si Dingdong mula noong pasukin nito ang showbiz.

"Naka-ten years na ba siya?" parang nagulat pa si Rhian. "Ayun... E, ako, wala pa ako sa kalahati ng showbiz life niya, e. Parang wala naman akong masasabi na hindi niya alam, e. 'Yon yung feeling ko. Nabura 'yon... Parang ngayon, kahit na ano, puwede kong pag-usapan [with him]. Comfortable na, wala nang ilanganan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DONGYANATICS. Alam ng lahat na ang kanyang leading man na si Dingdong ay may ibang girlfriend in the person of Marian Rivera. Gaano katindi ang pressure at paano nga ba ito hina-handle ni Rhian?

"Ako, para sa akin, walang difference na magkaroon ng leading man na single and leading man na may girlfriend. Kasi, pagdating sa personal na buhay, wala na akong pakialam dun. 'Sa 'yo na 'yan!' Parang gano'n. 'Sa 'yo na 'yan kung ano ang nangyayari sa buhay mo.'

"Basta ang concern ko, one, kung nakakaapekto ba sa trabaho natin? Which is hindi naman. Very professional si Dong. And two, basta yung sa loob lang ng eksena," sabi niya.

Hindi mapapasubaliang may solid fans ang Dingdong-Marian loveteam. Siyempre, may fans sina Dingdong at Marian na hindi pabor sa pagpasok ni Rhian sa eksena, o maka-partner ni Dong.

Ano ang masasabi ni Rhian dito?

"Ako, para sa akin, sa lahat naman ng bagay, una kong iniisip... Gusto ko kasi minsan, nag-i-step back ako sa sitwasyon ko. Ibu-view ko yung sitwasyon na parang, 'Dapat, hindi ako si Rhian ngayon... Ano ba ang nangyayari?'

"So, yung nakikita ko lang naman, e, nagtatrabaho lang naman ako. Ginagawa ko lang ang work ko. At siyempre, kung ano ang nasa script, yun lang ang ginagawa namin. At wala pang iba, wala kaming ibang ginagawa.

"So sa tingin ko, dahil doon, wala na ring masama. Kasi parehas kami, ginagawa rin lang naman namin ang work namin. Kasi, yun ang characters namin, e. Walang personalan, kasi trabaho natin 'to," saad niya.

Sabi-sabi, may ilang fans sina Dingdong at Marian na parang sarado ang kaisipan, na masaya lamang sila pag si Marian ang kasama lagi ng aktor sa anumang projects.

Nasasaktan ba si Rhian dito?

"Hindi naman," malumanay na sagot ng young actress. "Kasi, if they don't like me for Dong, halatang ang naiisip nila ay yung totoong buhay. E, wala naman yun sa jurisdiction ko. Ang totoong buhay, wala na akong ano diyan. Basta pag pinag-uusapan n'yo ako, sa work ko lang. Parang gano'n, na dapat nilang maintindihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, alangan naming nasa script ito, pero ang sasabihin ko, 'Ayoko!' Yun yung masama, di ba? Yun ang masama," pagdidiin ng Kapuso star.

NOTHING TO WORRY ABOUT. So, walang dapat "ikabahala" ang fans nina Dingdong at Marian?

"Wala naman," sagot ni Rhian. "Para sa akin lang, siguro puwede nating ilagay na lang ang atensiyon natin sa show para ma-appreciate din nila. Kasi hindi naman madali ang ginagawa namin, e.

"Like kaninang umaga, anong oras na ako natapos? Galing pa kaming Punta Fuego, tapos yung eksena ko, ang haba-haba na puro iyak! So, hindi madali ang ginagawa namin. At saka ginagawa lang namin yun para ma-entertain sila. 'Yon yung point namin. So, sana, imbes na kung saan pa sila tumingin, doon na lang sa show para ma-enjoy nila."

Pinatunayan ni "Jodi" na matinding hirap nga ang dinaranas nila sa set ng Stairway To Heaven.

"Hay, solid! Yung kahapon pa lang, nagpa-panic ako kasi pagdating nung eksenang yun... 'Yong pinakamahirap kong eksena, hinuli. So, usually, pag gano'n, pagod na ang mata mo, pagod na ang katawan mo, at pagod na ang brain mo kakaisip. Nade-drain na siya, emotionally, physically... lahat! So, ayun, medyo natatakot ako dahil ang feeling ko, tuyung-tuyo na ang mata ko, wala na akong maiyak.

"Tapos nung start ng eksena, wala, walang lumalabas [na luha]. Hanggang maya-maya... Siyempre, may factor na rin doon na magaling ang director namin [Joyce Bernal], magaling ang kaeksena ko, madadala ka na lang talaga. Kung kinakailangang masaktan, masasaktan ka. Kung kailangang matuwa, matutuwa ka," lahad ni Rhian.

Naniniwala si Rhian na maganda ang samahan nila ni Dingdong at wala talagang dapat ikatakot ang Dong-Yan supporters.

"Wala talaga... Well, aamin lang ako na sa simula ng anumang samahan, pag may bago kang ka-loveteam... Kasi, ilang beses na rin akong nagbago ng loveteam. Actually, hindi naman kasi loveteam, e. Hindi naman ako nagkakaroon ng loveteam. Maybe, tandem. Nagkaka-tandem lang ako para sa project na 'yon. So, sa una, siyempre iisipin mo, kakabahan ka muna, kung magiging okey ba ang samahan niyo sa trabaho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CONVERSATIONS WITH DINGDONG. Kinabahan siya nung first few weeks of work nila ni Dingdong?

"Oo siyempre, kasi mga tao tayo, di ba? So, hindi naman lahat ng tao ay nagmi-mix... Hindi lahat, e. Sa totoo lang. I'm very happy nung once na nakilala ko siya, click naman! Marami kaming similarities, marami kaming differences, tapos, lahat na yun ay napag-uusapan na namin.

"On the set na lang namin yun na-discover. As in minsan, kahit napakababaw na bagay, tapos magiging discussion talaga. Kasi ako, mahilig akong makipag-usap sa tao. Gusto ko kasing maging psychologist.

"So, yung mga maliliit na bagay na magpapakuwento yung tao, lahat ay pinag-iisipan ko. Sasabihin ko, 'So, ganito ba ang ibig mong sabihin?' 'Oo!' Sasabihin ko, 'Ay, baligtad tayo, hindi gano'n ang pinaniniwalaan ko. Yung gano'n.

"Kunwari ako, napakasimple lang... Sinasabi ko na, 'How you feel is a choice.' Eto lang yung naaalala ko, e... Sabi ko, 'Choice mo kung ano ang nararamdaman mo. Kung masaya ka, choice mong maging masaya. Kasi, may mga nangyayaring masama, pero puwede ka namang maging masaya.'

"Sabi niya [Dingdong], 'Hindi, kasi mga tao tayo, e. May mga emosyon 'yan, e. Nadadala ka lang. Kung may nangyari sa 'yong masama, malungkot ka. Kung may mga nangyayaring maganda, natutuwa ka.'

"Sabi ko, 'No! How you feel is a choice. Choice mo yun!' So, ayun... Hanggang sa humaba na nang humaba na yung usapan, nag-e-explain na kami. So, dahil sa mga maliliit na bagay na 'yon, ang dami ko ring natutunan sa kanya, kung paano rin siya mag-isip... magsalita."

Na dati ay walang oportunidad na makilala niya nang lubos si Dong?

"Oo, wala. At saka ang maganda sa kanya... Eto naman ang similarities... Kung ako, may interes ako sa kahit na maliliit na usapan lang, siya rin. Kahit na maliliit na detalye, mahalaga sa kanya. Lahat, napapansin niya. At alam ko yun," sabi ni Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN