Jake Cuenca on ex-girlfriend Roxanne Guinoo: "We've already moved on to better things."

IMAGE 0


"Siyempre, lahat naman ng artista, hinahangad magka-award, pinapangarap magka-award. But if it's not destined for me or it's not destined for this moment in time, wala akong magagawa. Maybe next time, di ba?" says Jake Cuenca about being snubbed by Star Awards for TV.


Last Wednesday, October 28, ay nag-taping si Jake Cuenca kasama ang ex-girlfriend na si Roxanne Guinoo for Your Song Presents Sana'y Ikaw Pa Rin, na ipalalabas ngayong November. Balik-tambalan nga sila rito at ang epsiode na ito ng Your Song muna ang mapapanood ng mga tao kay Jake bago simulang umere ng bago niyang primetime series, Rubi, with Angelica Panganiban.

Kumusta sila ni Roxanne after everything at ngayon ay magkapareha silang muli?

"Masaya naman. Nagkakagulutan kami sa mga eksena. Siyempre, matagal na kaming hindi nagkakatrabaho. But like I've said before, sobrang bina-value ko ang team-up na yun, e. So, ang dali, sobrang natural na natural ang eksena, kasi nga, gamay na gamay namin ni Roxanne ang isa't isa.

"And it's better now. Ngayong magkatrabaho kami, mas mature na kami. We've already moved on in life. Sobrang kumportable namin sa set. No pressure. Big scene becomes light scene kapag kasama ko siya. Everything is so smooth-flowing, parang spontaneous lang lahat ng bagay kapag magkaeksena kami," pahayag ni Jake sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Thursday, October 29.

Wala sa kanila ang "ilang factor?"

"Wala, not at all. Ang bilis ng taping kahapon. Ang bilis-bilis. Akala nga nila sa set, magkakapaan pa kami."

Kahit alam niyang may non-showbiz boyfriend na si Roxanne, wala pa rin yung ilangan?

"Well, nirerespeto ko naman kasi yun. At saka, naiintindihan ko naman kapag sinasabi niyang meron siyang pusong pinoprotektahan ngayon tuwing gagawa siya ng project. So, nirerespeto ko yun. Kung makakatulong ako sa ganoong paraan, tinutulungan ko naman siya.

"Kumbaga, tanggap na naming dalawa na nasa ibang punto na kami ng buhay namin. I'm in my career and siya on her personal life, we've already moved on to better things. At kapag nakikita ko siya ngayon, masaya ako kasi nakikita ko siyang masaya. At kung anuman ang pagkukulang ko sa lovelife noon, siguro nabuo nitong present boyfriend niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung siya ang tatanungin, tingin niya ba'y mas nakabuti for both of them na nagkahiwalay sila?

"Sa tingin ko... Well, more than anything, the relationship we once had made us better people. Na marami akong natutunan. Na-realize ko ang mga pagkakamali ko. Siya rin, na-realize din niya ang mga pagkakamali niya at in-apply namin sa future relationship namin, kahit wala akong relationship ngayon!" ang natatawa niyang sabi.


STAR AWARDS SNUB. Ang huling primetime series ni Jake ay ang Tayong Dalawa, kung saan nakasama niya sina Gerald Anderson at Kim Chiu. Bagamat magaganda ang reviews na nakuha niya para sa kanyang performance dito, may mga fans na nagtatanong at nagpapadala ng e-mail kung bakit hindi nakasama si Jake among the nominees for Best Actor sa Star Awards for TV.

Ano ang naramdaman niya nang hindi siya ma-nominate?

"Like what I said naman, to win an award is a bonus. Ang importante naman ay nae-entertain ko ang tao, nabibigay ko ang best ko. Marami naman akong taong nae-entertain sa paraan ng Tayong Dalawa, so, I'm happy with that.

"At saka, masaya na rin ako for Gerald Anderson and Coco Martin na nominated for Star Awards, good luck to them. At kung kailangan naman nila ang suporta ko, nandito ako for them. But like what I've said again, bonus lang naman ang award. Maybe next time, next performance," sabi niya.

Hindi ba siya nakaramdam ng lungkot, kuwestiyon, lalo na't ibinuhos niya ang lahat ng kanyang makakaya sa kanyang character?

"Siyempre, lahat naman ng artista, hinahangad magka-award, pinapangarap magka-award. But if it's not destined for me or it's not destined for this moment in time, wala akong magagawa. Maybe next time, di ba? At least, marami naman akong natutunan sa Tayong Dalawa na mai-apply ko for my future projects. And ako naman, when I did Tayong Dalawa, my main purpose is to entertain people."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naniniwala raw si Jake na may kanya-kanyang choice ang award-giving bodies.

"Siyempre, may kanya-kanya naman 'yan. May kanya-kanyang perspective at may kanya-kanyang POV [point of view] kapag nanonood ng TV. Maybe for one person, magaling yung nagawa kong eksena. Maybe for another, it's awkward. So, ano naman, kanya-kanya namang pananaw at paniningin," sabi niya.


MEMORIES FROM TAYONG DALAWA. Now that their phenomenal series Tayong Dalawa has ended, ano ang mga baon niyang memories mula rito?

"Ang baon ko, siyempre, yung cast. Malaking blessing na nakatrabaho ko sila sa show. Yun ang isang bagay na hindi ko makakalimutan kahit kailan—ang makatrabaho ang dalawang directors, na napakarami kong natutunan. Na lahat ng naituro nila sa akin, ia-apply ko talaga 'yan sa future projects ko.

"Kahit nga kapag nagte-taping ng Your Song, si Roxanne, nagugulat siya sa akin na ibang-iba na raw ako kapag umaarte. Sabi ko naman, hindi naman iba. Meron lang akong mga ibang binawasan. Meron lang akong mga ibang dinagdagan. So, nagugulat siya since kami, gamay na gamay namin ang isa't isa. Pero ngayon, nagugulat siya," lahad ni Jake.

In terms of popularity, feeling ni Jake, lahat sila sa cast ng Tayong Dalawa owe a lot from that show. Na-prove nga nila yun sa nakaraang Bench fashion show kung saan sila ang nakatanggap ng pinakamalakas na tilian from the audience sa Mall of Asia.

"Actually, distinct na distinct yung moment na yun. Para sa akin, memorable yung evening na yun. Hindi ko ini-expect na ganoon. Pagkalabas ng backstage, siyempre lumabas sina Dingdong [Dantes], Gerald [Anderson], parang kinakabahan akong bigla. Pero paglabas ko, nagulat ako sa reaction ng tao.

"Nakakatuwa at gusto kong magpasalamat sa mga tao ng gabing yun. Kasi, motivation namin yun. Pabaon sa trabaho namin. Yun ang nagmo-motivate sa amin na galingan na kapag pinanood ako ng tao, gusto kong ma-entertain sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahapon, October 30, ay umalis si Jake papuntang Japan for vacation and work.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN