Rica Peralejo says ex-flame Piolo Pascual is invited to her wedding

IMAGE 0


"Busy na kami. Inaayos na namin ang food. Inaayos na namin ang stylist, ang venue rin," says Rica Peralejo about preparations for her wedding with pastor Joseph Bonifacio next year.


Nakatakda nang pakasalan ni Rica Peralejo ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Joseph Bonifacio. Wala pang impormasyon kung kailan magaganap ang kasalan, pero may balitang early next year na ito.

Si Joseph ay isang pastor ng Victory Christian Fellowship. Nag-propose siya kay Rica sa kanilang 10th monthsary noong May 31, 2009.

Sa kanyang personal blog, isinulat ng soon-to-be-groom na si Joseph ang isang entry entitled "She Said Yes" with matching picture ng marriage proposal nito sa aktres at co-host ng Umagang Kay Ganda, ang ABS-CBN morning show, kung saan naman in-announce ni Rica ang kanilang engagement.

Rica is also a Creative Writing student of the Ateneo De Manila University. Her life has come full circle as a celebrity, all 14 years of it—from a child actress to screen goddess and now a morning show host and character actress.

Kahit na early next year pa gaganapin ang wedding, todo na ang ginagawang preparation ng magkasintahan.

"Busy na kami. Inaayos na namin ang food. Inaayos na namin ang stylist, ang venue rin," pahayag ni Rica sa kanyang interview sa SNN kagabi.

Ito rin ang unang pagkakataon na ipinahayag ni Rica ang kanyang wedding entourage.

"Bridesmaids are all my pamangkin. The maid of honor is my sister [Paula Peralejo, semi-retired young actress], of course. Secondary sponsors are Pinky Webb and Kim Atienza. Si Donita, I didn't make her part of the entourage kasi host siya. At ang kakanta, siyempre si Nikki Valdez," pagbabalita ni Rica.

LOOKING FOR A HOUSE. Dahil papasukin na ang buhay-may-asawa, nagpaplano na rin ang couple ng kanilang future life as husband and wife. Kasama na rito ang pagkuha nila ng sarili nilang bahay.

"We gonna have talaga to get our own place," deklara nito. "The question lang talaga is, where ba talaga? Kasi, I have a condo in Eastwood, but then it has three bedrooms, but we don't really need that. Ang hirap din pala ng marami kang options."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi ni Rica na 28 long years pala silang magkasama sa iisang bahay ng kanyang ina, si Alice Peralejo, na manager din ng kanyang career. Kaya malungkot ang ina sa nalalapit na paglipat ng anak ng bahay.

"Hindi naman siya nag-e-emote, kaya lang... Like one time, nag-text ako sa kanya na, 'Ma, sa'n ba nakakabili ng balikbayan boxes? Hihihi.' Sabi niya, 'Bakit, para saan? 'Sabi ko, 'E, siyempre, pag naglipat ako ng gamit.'

"Tapos, nalungkot siya! And when I said it, parang nalungkot rin ako na, 'Sinasabi ko talaga ito sa nanay ko, 'no?' Kasi, talagang 28 years kaming magkasama. Tapos, iniisip ko na talaga, 'Hay, grabe, ang sarap ng adobo niya!'" tawa ni Rica.

PIOLO IS INVITED. Sa nalalapit niyang wedding, sinabi ni Rica na imbitado ang na-link din sa kanya noong si Piolo Pascual, na ayon na rin sa kanya ay isa sa mga naglapit sa kanya sa Church, kung saan aktibo ngayon si Rica.

"Sinagot ko na 'yan before. Invited naman siya. Saka kasi si Piolo is one of the responsible for me getting into Church," sabi ng actress-TV host.

Ngayong happy na si Rica sa kanyang personal na buhay, hangad din nito na maging masaya na rin si Piolo na minsan ring naging malapit sa kanyang puso.

Dahil sa kanilang Lovers In Paris teleserye, si Piolo ay nali-link ngayon kay KC Concepcion. Kung si KC na nga ang hinihintay na babae ni Piolo, boto kaya dito si Rica?

"Alam ko, okey 'yan sa akin. Kasi, cute sila. Nakukyutan ako sa kanila. Kasi, ang feeling ko, ang cute talaga ni KC, gano'n. Or, ewan ko at baka characters lang nila 'yon [sa Lovers in Paris]? Basta, gano'n... ang cute lang nila. Feeling ko, ang cute ng acting nila pareho.

"Si KC, disenteng babae. Aba, e, boto ako diyan, di ba? Basta huwag lang nilang i-hurt ang isa't isa," sabi ni Rica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN