Matt Evans is confident Jolo Revilla will not be able to "steal" Melissa Ricks from him

IMAGE 0


"Sabi ko, maayos naman akong pinalaki ng nanay ko. May tatay naman akong kinikilala ngayon. Hindi naman ako pinabayaan. Kaya sabi ko, okey na rin. Okey na okey na rin. At siguro ako, makita ko siya, i-recognize niya ko, okey na sa akin," says Matt Evans about his search for his American father.


Kampante lang si Matt Evans kahit ang ka-loveteam niya na si Melissa Ricks ay ipina-partner ngayon kay Jolo Revilla. Si Melissa ang leading lady ni Jolo sa Pepeng Agimat.

Katwiran ni Matt, "Siyempre, dito naman sa atin, kulang tayo sa leading ladies, di ba? Nakakatawa nga, minsan tine-text niya 'ko, 'Wala ka rito, bored na bored na 'ko.' 'So, nakaka-bore ka?' Niloloko ko lang... E, first taping day yun.

"Tapos noong second taping, nandun kasi si Jay-R Siaboc, kaibigan namin. Kaya sabi ko, 'O, bored ka pa ba? Sabi niya, 'Hindi na. Kasi, nandito na si Jay-R.' Later on, na-found out niya rin na okay si Jolo. Sabi ko nga, okey naman 'yan si Jolo, si Bryan Revilla, nakakausap ko rin. Makulit kausap yun. Tapos yun, nagka-bonding na rin sila."

Tiwala ba siya na hindi "maaagaw" ni Jolo sa kanya si Melissa?

"Confident ako," nakangiti niyang sagot.

Hindi siya nate-threaten?

"Hindi!" tawa ni Matt.

Tila may pinanghahawakan siya kay Melissa para masabi niyang confident siya?

"E, siguro, yung pinagsamahan namin. Definitely, yung tatlong taong pinagsamahan namin, di ba? Meron kaming malalim na understanding," paliwanag niya.

Naintriga rin si Melissa na kesyo buntis daw ito. Anong naging reaction ni Matt dito?

"E, ganun naman sa atin. Kapag medyo tumaba, naiisyu na buntis. Pero noong malaman ko yun, natawa lang ako. Niloloko ko nga siya, sinasabi ko, 'Mag-cardio ka na kasi. Hayan, naiisyu ka na tuloy na buntis ka.' Kapag taping, inaasar ko pa siya na tofu. Kaya sabi ko, 'Mag-cardio ka na.'"

LATE BIRTHDAY CELEBRATION. Kasama si Matt sa mga alaga ng Star Magic na binigyan ng presscon kahapon, October 30. Si Matt, na nakilala bilang Pedro Penduko, turned 21 last October 22.

Noong mismong araw ng birthday niya, nasa bahay lang daw siya dahil inatake siya ng dyspepsia (indigestion). Last Tuesday lang daw siya nakapag-celebrate at nag-swimming, kasama ang barkada niya, sa isang swimming pool sa Marikina .

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May birthday gift ba sa kanya si Melissa?

"Meron daw, pero hindi pa niya ibinibigay. Hinihintay ko nga, e. Pero si Mel, siya ang kauna-unahan pa ngang bumati sa akin noong birthday ko."

NEXT PROJECT. May naka-line up na raw siyang susunod na project sa ABS-CBN, another soap opera.

"Kaso, confidential pa. Powerhouse cast po. Kumbinasyon ito ng tatlong shows. Kami pa rin ni Mel ang magka-partner. Kaya sabi ko sa 'yo, confident ako, e!" natatawa niyang sabi.

Patuloy niya, "Sisimulan na naming gawin ngayong November. Sana nga may pang-MMFF movie kami, kaya lang magkakasalubong ang schedule. Sayang nga rin, e."

STILL SEARCHING FOR DAD. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap ni Matt ang kanyang American father. Ever since sumali siya noon sa Pinoy Big Brother Teen Edition, isa sa purpose niya ay ang mahanap ang kanyang biological father.

Pero tila nagiging mailap kay Matt ang pagkakataon na makita talaga ang ama dahil kahit ilang taon na siyang artista at nagkaroon na rin siya ng chance na makapunta ng States.

"Na-trace, pero last time na nasa PBB pa po yun. Sa ngayon, ang pinaka-hinahabol namin ni Attorney Michael Garfunkel po ay makuha lang ang citizenship. Kasi noong nag-search kami ng name niya, meron dun 50 na parehong name na Talmage Evans.

"Pero sabi nga ng mommy ko, baka hindi pa talaga tamang time na makita ko. O, ako naman, hindi ko maiwasang hindi maisip na baka may ibang pamilya yun. Kasi, unang-una, in-analyze ko 'yan. Kapag matutulog ako at saka the day after na hinanap namin ang erpats ko, pinagsama-sama ko lahat, sinabi sa akin ni Mr. Garfunkel, yung ganun. In-analyze ko isang gabi. Sabi ko, bakit ganun? Tiningnan ko lahat ng pictures. May picture siya sa bahay namin together with my uncles and aunties, cousins... Lahat nandun, e.

"So, kung nakapunta siya, dapat alam niyang bumalik sa bahay namin. Noong mawala ang base sa Olongapo, sabi ko, bakit kailangang pati yung base, e, hindi naman siya dun naka-base? Naka-base siya sa Japan. So, pumunta lang talaga siya rito, for personal reason," sabi ni Matt.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang daddy ni Matt ay isa raw miyembro ng U.S. Air Force.

"May mga natanggap kami, yung ninang ko sa U.S. May nabalitaan siyang yung dad ko raw, na-suspend sa work. Parang nag-drive raw nang lasing. Pero alam n'yo, nakahanap kami sa 50, naka-track down kami ng tatlo. Yung dalawa, hindi siya. Pero yung isa, puro answering machine lang at lalake. Tapos Virginia. Yung mother at father niya, same din. Then, nag-leave kami ng message, pero wala, wala siyang call back."

Ano yung sinabi ni Atty. Garfunkel na napaisip siya?

"Yung sinabi ni Attorney na marami raw po talagang American Army na medyo rude ang ugali. Maybe yung father ko is one of them. Marami na rin daw siyang case na ganoon. At saka, sabi ni Attorney, baka raw missing in action. Sabi ko, mahirap mahanap ang taong ayaw nang magpakita," sabi ni Matt.

Importante pa rin ba sa kanyang mahanap at makita ang tunay na ama?

"Sa akin? Oo, sinabi ko talaga na para kasing hindi buo ang pagkatao mo kapag hindi mo nakita ang erpats mo," sagot niya.

Nahihirapan na rin ba siya sa matagal na proseso ng paghahanap niya?

"At first, oo. Pero sabi ko, maayos naman akong pinalaki ng nanay ko. May tatay naman akong kinikilala ngayon. Hindi naman ako pinabayaan. Kaya sabi ko, okey na rin. Okey na okey na rin. At siguro ako, makita ko siya, i-recognize niya ko, okey na sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN