Jennylyn Mercado's ex-PA Mel Pulmano is placed under arrest

IMAGE 0


"Jen, sana magsalita ka kung ano ang totoo. Alam mo kung ano ang totoo. Nagkausap tayo. Alam din ni Tita Lydia ang totoo. Sana huwag kayong magbingi-bingihan, huwag kayong maging pipi. Ako, lumalabas na ako sa katotohanan. Sana ganundin kayo. Lumaban tayo nang patas," Mel Pulmano implored her former boss on Startalk. Inset: Jennylyn Mercado (left) and her manager Becky Aguila (right).


Inaresto na ang dating personal assistant ni Jennylyn Mercado na si Mel Pulmano last Thursday, October 29, nang matuntunan siya sa bahay ng pinsan ng kanyang asawa sa San Mateo. Kasalukuyang nasa kulungan siya ng Camp Karingal.

Matatandaang sinasampahan ng aktres ng kasong qualified theft ang dating PA, at noong September 8 ay pinirmahan sa Quezon City RTC ang warrant of arrest para kay Mel.

Noong araw na nadakip siya, nakiusap si Mel na huwag muna siyang magsalita sa media, kung kaya't kailan lang ito nakapanayam ng Startalk.

"Alam n'yo kung bakit, nahuli ako. Noong nahuli ako, biglang nag-text brigade si Becky [Aguila, manager ni Jennylyn]. Nandiyan ang mga press. Ang gustong ipalabas ni Becky, pang-press. Ano ba yung kaso ko, hindi naman para pagtawanan ako ng mga tao. Hindi, e... Mabigat yung sinampa niyang kaso sa akin, no bail ito. Kaya sino ang matutuwa na nahuli ka na, inunahan pang tawagan ang mga press. Nag-text brigade siya, e. May tumawag na press sa akin."

Ayon kay Mel, bago raw ang pagkakadakip sa kanya, nagkausap pa sila ni Jennylyn.

"Nagkausap kami ni Jen. Tinawagan ako ng friend niya. Sabi sa akin, 'Nay, kakausapin ka ni Jen.' Litong-lito na kasi si Jen. Gusto niyang malaman ang katotohanan. Sinabi ko lahat kay Jen. Kaya nasaktan ako. Ano ba ang ginagawa sa akin ni Jen?

"Niloloko mo ba 'ko, Jen? Bakit pinakuwento mo sa akin lahat tapos, igaganti mo ang kaso sa akin, ipapasa mo, di ba? Yun... masakit sa akin yun, e."

"LUMABAN TAYO NANG PATAS." Sinabi ni Mel, sa pagitan ng pagluha, "Jen, sana magsalita ka kung ano ang totoo. Alam mo kung ano ang totoo. Nagkausap tayo. Alam din ni Tita Lydia [Jennylyn's adoptive mother] ang totoo. Sana huwag kayong magbingi-bingihan, huwag kayong maging pipi. Huwag kayong maging bingi, bulag. Ako, lumalabas na ako sa katotohanan. Sana ganundin kayo. Lumaban tayo nang patas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang dokumento ang ipinakita ni Mel sa Startalk, tulad ng mga tseke na siya daw ang nakinabang.

"Ito lahat ang ibinibintang nila sa akin na qualified theft. 'Yang lahat na 'yan, sa akin nila ibinibintang. Mabuti na lang, nandito ang resibo na katunayan na hindi sa akin napunta yung mga tseke na 'yan."

Katwiran pa ni Mel, hindi raw consistent ang kabilang panig kung magkano ang halaga ng perang nawala sa kanila.

"Ang unang interview ni Jen, natatandaan ko, sa 24 Oras, nawalan daw siya ng 8 million. Kinabukasan, mali pala, ang nawawala pala sa kanya 5 million or 4 million. Pero noong ini-interview na 'ko, mapapakita ko, nasa akin ang passbook ni Jennylyn na walang ganoong pera si Jennylyn.

"Lumabas, P460,000. E, di ibig sabihin, inconsistent ang sinasabi ni Jennylyn. Pero sa P460,000, siguro naghanap na lang nang naghanap si Becky kung ano ang hindi pumapasok na tseke para maging non-bailable."

"WE SHALL PROVE HER GUILT...." Sinubukang hingin ng Startalk ang panig ni Jennylyn tungkol sa mga naturang dokumento, pero humingi ng paumanhin si Atty. Joji Alonzo, ang legal counsel nina Jennylyn at Becky, na hindi sila makakapagbigay ng komento tungkol sa mga dokumentong ipinakita ni Mel sa Startalk.

Part of Atty. Alonzo's text to Startalk was, "Fact remains that the QC prosecutors office has indicted her for qualified theft, with no bail recommended... we shall prove her guilt in time."

Now already behind bars, Mel says she is just being strong for her children.

"Tinatatagan ko para sa mga anak ko lang. Tumawag sa akin ang dalawang anak ko, kumusta raw ako. Pero nagsinungaling ako sa dalawang anak ko. Sabi ko, nagmi-meeting kami ni Jennylyn. Sabi ko, kasama ko si Tita Jen. Nag-uusap kaming dalawa, pero, baka si Mommy makulong kasi kailangan kong makulong para maayos yung kaso ko.

"Kapag naayos ang kaso ko, magsasama-sama tayo. Ayokong magalit ang mga anak ko kay Jennylyn, ayoko. Kahit maraming nagte-text sa akin, nagagalit kay Jen, sinasabi ko na huwag silang magalit kay Jen. Naniniwala rin naman ako na may hustisya rito. Ang mahirap lang dito sa kaso ko, wala akong pera."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN