Cristalle Henares finds it in her heart to forgive Hayden Kho

IMAGE 0


"Ang mga personal naming conflict, yung mga hindi namin pagkakaintindihan, sinet aside namin yun para sa mga victims ng Ondoy... Hindi ko naman masasabi na close na or chummy-chummy kaagad... I guess it all started in forgiveness and its up to God, Siya na lang ang bahala," said Cristalle about her mother's ex-boyfriend.


Isa sa mga naging aktibo sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy ay ang dalagang anak ni Dr. Vicki Belo na si Cristalle Henares. Sa ginanap na Tayo Award, ibinahagi rin ni Cristalle kung paano naging instrumento ang pagkawanggawang ito para magkaayos sila ni Hayden Kho.

Bati na nga sila ng dating boyfriend ng ina.

"Oo... ang mga personal naming conflict, yung mga hindi namin pagkakaintindihan, sinet aside namin yun para sa mga victims ng Ondoy... Siya yung in charge sa medical mission. Ako naman yung sa pag-repack ng mga goods na binibigay namin sa mga pamilya. So, masaya... ang dami niyang nadalang volunteers galing sa UST."

Hindi naman kaila sa publiko ang hindi pagpabor nina Cristalle at ng kanyang kapatid na si Quark Henares sa pakikipagrelasyon ng kanilang ina kay Hayden. Pero ayon kay Cristalle, nakapag-usap na sila ni Hayden.

"Slowly... hindi ko naman masasabi na close na or chummy-chummy kaagad... I guess it all started in forgiveness and its up to God, siya na lang ang bahala."

Ayon pa kay Cristalle, ang pagkakasundo naman niya kay Hayden ay hindi lang para sa kanyang mommy.

"I did it not just for my mom but for myself as well. Kasi minsan, kapag meron tayong galit na itinatanim, nagkakasakit tayo. Parang ang pangit ng feeling."

Sa puntong ito, hindi naiwasan ng anak ni Dra. Vicki na maging emosyunal at mapaluha.

"I mean, who am I to judge? Hindi namin pinag-uusapan talaga ni Mommy. Kasi, alam niya na the more na pine-pressure niya 'ko, 'Mag-friends na kayo, mag-friends na kayo,' the more na ayoko. Tumitigas ang ulo ko, so hinahayaan na lang niya. Hindi na lang namin pinag-uusapan, which is mas tama naman. In His own time."

Nang tanungin naman ng Startalk si Cristalle tungkol sa napapabalitang pagbabalikan nina Dra. Vicki at Hayden, ang sinagot niya ay: "She always tells me na she loves him but she's not in love with him. Alam n'yo naman... kayo, bilang kaibigan ni Mommy, alam n'yo naman kung gaano siya ka-loyal."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang message niya para sa mom siya: "Nandito lang ako to support her. Alam naman niya kung saan ako hahanapin. Isang kama lang ang tinutulugan namin gabi-gabi kaya we're close."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN