Dingdong Dantes on Sunshine Dizon: "She will be stronger when you see her again."

IMAGE 0


"Basta, naniniwala ako sa kakayahan niya. Na itong mga bagay na ito dadaan lang sa kanya....Alam ko kasi na kapag bumawi 'yan, talagang babawi nang todo 'yan," Dong said with confidence about Sunshine Dizon.


Tumulak patungong Singapore last Friday si Dingdong Dantes, kasama si Marian Rivera, para sa worldwide audition ng nagbabalik na artista search na StarStruck V Worldwide Invasion. Apat na bansa ang iikutan ng guwapong aktor.

Ang mga co-host ni Dingdong sa StarStruck ay sina Carla Abellana at Raymond Gutierrez, pero ang kasama niyang lumuwas ay si Marian dahil sa isa sa mga bansang pupuntahan nila ay ilulunsad ang CD ng Dyesebel, at sina Dong-Yan ang ni-request ng mga Pinoy fans doon.

"First leg is Singapore. Pagkatapos nito ay hahanapin namin ang mga magagaling na Pilipino sa Middle East, USA, at 'saka Japan.

"Basta, kinakailangan, pagdating nila dito ay magaling silang magsalita ng Pilipino. Hahanapin kung sino ang talagang may talento doon.

"Ang importante, pagdating nila dito ay meron silang ibubuga," ang sabi ni Dong sa interview sa kanya sa Startalk. "Naghahanap kami ng susunod na magtatayo ng bandera [ng Pilipinas], so baka kayo yun," ang deretso niyang pag-address sa mga tagasubaybay ng talent show na napapanood sa iba't ibang bansa sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV.

SEARCH FOR THE TOTAL ARTIST. After Singapore, nakatakdang mag-audition ang grupo sa Bahrain sa November 3 and 4, Abu Dhabi sa November 5, at Dubai, November 6. Sa Tokyo naman, November 7 and 8.

Tutungo rin ang popular artista search sa States—Los Angeles on November 5 and 6; San Francisco, November 7 and 8, at New Jersey, November 10 and 11.

Ano ang requirements na hinahanap this time ng StarStruck V?

"Well, kailangan, complete package sila, e. Hindi lang sa pagkanta, hindi lang sa pagsasayaw... Definitely, andun yung pag-arte...

"It's a total package, kasi we're looking for a star. And more than that, kinakailangan... Kahit nasa ibang bansa ka, yung pagka-Pilipino mo, dapat nandiyan palagi. Dapat, ipagmalaki!"

Kasabay ng kauna-unahang international auditions nitong artista search, sa Pilipinas naman ay kasalukuyang humahataw ang auditions sa iba't ibang regions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkakaroon ng primer ang StarStruck V ngayong Linggo, November 8, sa iniwang time slot ng Power of 10 ni Janno Gibbs.

SUNSHINE WILL COME OUT AGAIN. Noong nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa autograph signing niya for his Yes! Life Stories bookazine ng Summit Media kamakailan, nahingan siya ng komento tungkol sa nangyayari ngayon kay Sunshine Dizon.

Halos magkasabay sila ni Sunshine sa kanilang career. Most notable sa movies nila noong late '90s ay ang Honey, My Love, So Sweet kunsaan nagbida ang tatlong love teams under Viva Films—sina Dingdong-Antoinette Taus, Sunshine-Polo Ravales, at Dino Guevarra-Kim delos Santos.

Sa ngayon, alam ng lahat na dumaraan si Sunshine sa matinding depression o burnout sa pag-aartista, kaya nais na muna nitong magpahinga. Di na nito ipinagpatuloy ang pagiging lead actress sa Tinik Sa Dibdib, isang panghapong teleserye ng GMA-7.

Bilang kapwa Kapuso at isa sa best friends ni Sunshine, anong masasabi ni Dingdong tungkol dito?

"I think she's much better right now," pagbabalita ni Dingdong.

"Basta, naniniwala ako sa kakayahan niya. Na itong mga bagay na ito, kumbaga, dadaan lang sa kanya and she will be stronger when you see her again. Stronger physically, mentally, emotionally, and spiritually."

Nanghihinayang ba siya sa nangyayari sa career ni Sunshine?

"Hindi. Kasi, alam ko kasi na kapag bumawi 'yan, talagang babawi nang todo 'yan," panatag na sinabi ni Dong.

Hindi rin naniniwala ang aktor sa mga negatibong issues na naglalabasan tungkol kay Sunshine, tulad ng buntis daw ito.

"Hindi ako naniniwala," confident na sagot ni Dong. "Kasi, kung oo man, e malalaman ko naman 'yon. Pero hindi ko na kailangang tanungin at wala siyang sinasabi, so hindi ako naniniwala...

"Open ang communication namin ever since. Anything under the sun."

Matutuloy ba ang pagpunta raw ng kaibigan sa U.S.?

"Hindi siya matutuloy, yun ang alam ko, e. Dito lang siya," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PLATONIC CLOSENESS. May lumabas sa ilang tabloids na may espesyal raw siyang pagtingin sa mahusay na aktres noon pa, at magaling lang daw silang "magtago."

Kampanteng hinarap ni Dingdong ang issue: "Well, you know, hindi ko maiiwasan na magkaroon ng ganoong interpretasyon dahil sobra ngang malapit kami.

"Pero yung closeness namin is talagang more of a sisterly and brotherly closeness. Because, even way back before, e talagang... Kumbaga, e, nag-grow rin kami sa industriya nang sabay, at dahil na rin sa pinagdaanan naming hirap sa mga programa namin.

"At the same time, siyempre, mga times ng fun, di ba? Kasama ko 'yan! So, gano'n talaga ang relationship namin. Ako, I'm happy that I have found a sister in her."

Mariing pinabulaanan ni Dingdong na kahit saglit noon ay naging mag-on sila ni Sunshine.

"Hindi mo puwedeng pagkamalan ang feelings ng pagiging magkapatid sa feelings ng pagiging intimate and ng love... Klaro yun, e, so wala pong gano'n," tawa ni Dingdong.

SUPPORT FOR NOYNOY. Kasalukuyang umeere na sa telebisyon ang music video ng presidential candidate na si Noynoy Aquino, ang Hindi Ka Nag-iisa, at kasama si Dingdong na lumabas sa naturang video, pati na si Marian, Sharon Cuneta, Boy Abunda and talents, Anne Curtis, Bea Alonzo, at iba pa.

Ibig bang sabihin, tuloy na tuloy na ang pagsuporta niya sa kuya ni Kris Aquino bilang susunod na pangulo ng bansa?

"Yeah, game na 'yan! Tuloy na tuloy na," mabilis nitong tugon.

Hindi ba ito ipinagbabawal ng GMA-7 sa kanilang contract stars?

"Bawal? Wala, walang pinagbabawal sa amin... Ano naman 'yan, e, it's the right of every citizen to speak out and share to everybody, to speak out to everybody kung sino ang pinaniniwalaan nila."

"Niligawan" daw siya ni Kris para iendorso ang kapatid nito. Anong mayroon si Noynoy at nakuha ang kanyang matamis na oo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami, pero kung iisa-isahin ko 'yan, e baka bukas pa tayo matapos," tawa nito. "Pero one thing is for sure, I believe in his advocacies.

"I believe na through him, maraming mga kabataan ang magiging mas mabuti ang future," paniniwala ni Dingdong.

Kinumpirma na rin ni Dong na tuloy na ang bago niyang pelikula na Andong Agimat. Joint production ito ng GMA Films at Unitel Productions, pero wala pang detalye ng shooting. Isa itong action film na base sa isang nobelang hango mula sa Filpino folklore. Makakasama niya rito sina Rhian Ramos, Mark Herras at Paolo Contis, sa direksiyon ni Mark Reyes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN