Kris Aquino explains declaration that Kim Chiu is the No. 1 Young Actress today

IMAGE 0


"Si Kim, I guess kung titingnan ang track record niya, sa mga teleserye, siya lang naman ang ganun. Nag-iisa lang si Kim. Pero siguro more than saying No. 1 si Kim, ang maganda na lang sabihin ay 'nag-iisa si Kim Chui,'" says Kris Aquino about Kim Chiu, who will play her daughter in an upcoming teleserye.


Naging isyu agad sa mga solid Sarah Geronimo fans ang nabitawang salita ni Kris Aquino na para sa kanya ay si Kim Chui ang No. 1 sa hanay ng young actresses ngayon, kung kaya't hindi nagdalawang-isip ang TV host na tanggapin ang role bilang ina ni Kim sa sisimulang teleserye ng ABS-CBN, Kung Tayo'y Magkakalayo.

Rason ng mga masusugid na tagahanga ng Pop Princess, malayo pa raw sa narating ng idolo nila ang kung anumang achievements ni Kim. Sa box-office ay kumita at sinuportahan raw ng publiko ang mga pelikulang pinagbidahan ni Sarah. Patunay raw nito ang pagiging Box-Office Queen ni Sarah last year, na mahihirapan daw abutin ni Kim.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa birthday badminton tournament ng kaibigang si Boy Abunda last October 28, ipinaliwanag ng TV host ang ibig niyang sabihin sa kanyang binitawang salita.

Aniya, "I think Kim is really now our Teleserye Princess—proven naman 'yan sa na-accomplish ng Tayong Dalawa—sa age bracket nila—si Bea [Alonzo], si Anne [Curtis], KC [Concepcion], Angel [Locsin], Heart [Evangelista], Marian [Rivera]. Sila ang magkaka-age bracket. Si Sarah Geronimo naman is the Box-Office Queen and also No. 1 Concert Queen ngayon.

"Si Kim, I guess kung titingnan ang track record niya, sa mga teleserye, siya lang naman ang ganun. Nag-iisa lang si Kim. Pero siguro more than saying No. 1 si Kim, ang maganda na lang sabihin ay 'nag-iisa si Kim Chui.'

"Sarah isn't doing teleseryes, but just like I said, she's the Box-Office Queen and the Concert Queen. Now, I'm praying for Kim na sana yung movie niya with Gerald [Anderson] would also be a box-office hit dahil yun ang kulang para makumpleto na siya."

Ikinagulat ng iba na tinanggap ni Kris ang role bilang ina ni Kim.

"Okey lang kasi pinatanda lang naman ako dun ng four to five years, so puwede na. Saka mayroon namang flashback dun na younger ako, and if you're an actress naman, kung maganda ang role, di ka na mag-iinarte-arte pa diyan," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MAR-KORINA WEDDING. Dumalo si Kris sa wedding nina Senator Mar Roxas at Korina Sanchez last October 27, kung saan naging ninong ang kapatid niyang si Noynoy Aquino at ring bearer naman ang anak nina Kris at James Yap na si Baby James.

Ano ang pinakamagandang moment para sa kanya sa kasal na iyon nina Mar at Korina?

"Well, ang pinaka-inenjoy kong part talaga was when we had our sit-down interview [with the couple]. Ang daming na-reveal dun na if you're just part of the wedding, hindi mo malalaman, if you're just in the church. Yung mga pinagplanuhan at balak nila after the wedding, kaya tuwang-tuwa ako. Saka for me, ang highlight, si Baby James! Well-behaved siya, charming, hindi nagpapa-cute, lahat kinakawayan. Cute na cute talaga!" proud na proud na sabi ni Kris.

Nabalita rin before ang balak na pagpapakasal nila ni James sa simbahan. Ayon kay Kris ay matatagalan pa raw ito lalo't hindi pa sila nakakapagbang-luksa sa pagkamatay ng kanyang ina na si dating Pangulong Cory Aquino.

"Three years kasi for a death of somebody very close to you, dapat pala you wait three years. Yun ang sinabi sa akin, sabi ko, di sige. Yun na, wait na lang ng three years, para kasing sukob effect ito!" tawa niya, na ang tinutukoy niya ay ang horror film niya with Claudine Barretto na pinamagatang Sukob. (Sa mga Pinoy, isang pamahiin na kapag nagpakasal ang dalawang magkapatid sa loob ng isang taon, sukob iyon, at sinasabing magdadala ng malas.)


BOY'S BIRTHDAY. Para sa kaarawan ng itinuturing na best friend ni Kris na si Boy Abunda, inilarawan niya sa amin ang friendship nila at ang rason kung bakit sa palagay niya ay nagtagal at tumatatag pa ang kanilang samahan.

"Sa aming dalawa kasi, we're too alike, parang we're two halves of a whole," sabi ni Kris. "Yun ang pakiramdam ko, pareho kasi kami in a sense na, pag ibinigay ang sarili namin, pag ibinigay namin yung loyalty at pagmamahal, until the end, magkamatayan man, nandun kami. Yun ang nakita ko sa kanya and siguro yun din ang naramdaman niya para sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN