Angelika dela Cruz and husband Orion Casareo are now busy preparing for their church wedding

IMAGE 0


Actress Angelika dela Cruz and Orion Casareo will have a church wedding this coming December 4 in Tagaytay City. They were first wed in a civil ceremony on August 19, 2008 in Bicol.


Tahimik na inasikaso ng mag-asawang Angelika dela Cruz at Orion Casareo ang magiging church wedding nila on December 4 sa Tagaytay City.

Bagama't ikinasal na sila sa huwes noong August 19, 2008 sa Bicol, wish talaga ni Angelika na makasal siya sa simbahan at makapagsuot ng isang magandang wedding gown.

Masayang ikinuwento ni Angelika sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na hands-on sila ng kanyang mister sa pag-aasikaso sa lahat ng detalye ng church wedding nila. Kahit nga raw busy siya sa taping niya ng Kaya Kong Abutin Ang Langit sa GMA-7 at sa pag-aasikaso ng kanilang baby na si Gabriel, nagagawa pa rin ng aktres na harapin ang mga kakailanganin sa kanilang wedding.

"Gusto talaga kasi naming mangyari ito kaya tutok kami ni Orion," sabi ni Angelika. "Kapag may taping ako, siya ang nagtatawag at pumupunta sa suppliers. Pero ako naman, multi-tasking din naman ako. Kapag break ko sa taping, ako naman ang kumu-contact sa mga ibang may kinalaman sa wedding namin.

"Tulungan talaga kami, kasi pareho naming dream itong wedding namin. Though may mga tao naman kaming inaasahan din to arrange our wedding, mas exciting kasi kung may participation din kami. Parang ang sarap-sarap ng feeling na nagpagod kayong mag-asawa para maging maganda at maayos ang araw na 'yon."

Pinili raw nila ang Tagaytay bilang venue ng kanilang wedding dahil bukod sa romantic ang lugar, maganda pa raw ang klima pagdating ng buwan ng Disyembre.

"Siyempre, Christmas month na 'yon kaya malamig sa Tagaytay. Gusto namin na kumportable at mag-e-enjoy ang aming mga bisita. Gusto rin kasi namin na malamig ang hangin. Kahit na tense kami ni Orion, hindi kami papawisan nang husto sa araw na 'yon.

"At siyempre, parang magiging second honeymoon na rin namin ang Tagaytay. Baka mag-stay kami doon ng ilang days after the wedding bago ako bumalik sa trabaho," masayang lahad ni Angelika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biniro namin si Angelika na baka masundan agad ang kanilang panganay na si Gabby, na eight months old pa lang.

"Ay, hindi pa muna!" sabay tawa niya. "Marami pa kaming pag-iipunan ulit ni Orion kaya huwag munang sundan si Gabby. May plano naman kami, pero after three or four years pa. Tamang-tama lang 'yon kasi malaki na si Gabby by that time. Mapagpaplanuhan na namin ang magiging kapatid niya."

Ang principal at secondary sponsors sa kasal nina Angelika at Orion ay galing sa mundo ng showbiz at politics. Kabilang sa mga taga-showbiz ay sina Ms. Wilma Galvante, Boy Abunda, Kris Aquino-Yap, Judy Ann Santos-Agoncillo, Jodi Sta. Maria-Lacson, at Tanya Garcia.

Sa mundo naman ng politics ay kasama sina Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista, Senator Lito Lapid, Senator Ping Lacson, Senator Jinggoy Estrada, at Mark Jimenez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN