Angelu de Leon still looking for new manager after bolting out of Viva

IMAGE 0


"I'm not with VAA anymore, matagal na rin. During Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, wala na ako sa kanila. Let's just say na siguro, different priorities, different directions ang gusto namin. So, rather naman na masira yung relationship, di ba, better to end it in a good mood pa rin kayo. Nag-try kami, but it didn't work out. So now, let's be friends. Maybe, hindi rin pareho yung goal namin," explains Angelu de Leon about leaving Viva


At present, Angelu de Leon is somehow managing her showbiz career. Bagamat may mga taong nagsisilbing agent para sa kanya—tulad ni Angelito na nandiyan na sa tabi niya since signing up with Viva Artists Agency (VAA)—on her own na raw muli si Angelu.

"Well, I'm not with VAA anymore, matagal na rin. During Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, wala na ako sa kanila. Let's just say na siguro, different priorities, different directions ang gusto namin. So, rather naman na masira yung relationship, di ba, better to end it in a good mood pa rin kayo. Nag-try kami, but it didn't work out. So now, let's be friends. Maybe, hindi rin pareho yung goal namin," paliwanag ni Angelu kung bakit kinailangan niyang umalis sa VAA.

Felling ni Angelu, ang una niyang manager na si Veanna Fores ang swak talaga sa pagma-manage ng career niya. Pero semi-retired na rin kasi ito sa pagha-handle ng career ng mga artista.

"Kung sakali kasi na magpapa-manage ako, gusto ko sana yung manager na hindi lang career yung magiging bonding namin. I'm not in a rush naman, okey naman ako. Nandiyan pa rin naman si Angelito who acts as parang my agent and road manager, at ibang friends din na parang project basis kami," sabi ng aktres sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Pero, siyempre, hindi ikakaila ni Angelu na sa isang artista, mahirap daw talaga kapag walang nagre-represent pagdating sa pakikipag-deal at usapang pinansiyal.

NOT PANICKING. Halos six months nang walang regular TV show si Angelu. Pagkatapos ng Ang Babaeng Hinugot Sa Tadyang, walang naging follow-up project ang dating teen star. Wala rin daw siyang movies na ginawa, except sa malapit nang ipalabas na Hellphone.

So, ano ang pinagkaabalahan niya the last six months?

"Nagpaka-busy sa church," kaswal na pahayag ni Angelu, who is an active member of her Christian church.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

But unlike other stars na nagpa-panic kapag walang regular show o trabaho, si Angelu ay naghihintay lang sa kung ano ang ibibigay sa kanya.

"Siyempre, kapag ganun naman ang situation, na may ilang months ka nang walang projects, ano pa ba ang puwedeng gawin? E, di maghigpit ng sinturon habang wala pang bagong work. Ako naman kasi, alam ko naman na may darating, siguro hintay ka lang nang konti, pero may darating. Nandoon naman ang assurance ng GMA-7," pahayag niya.

Kung tutuusin, hindi naman exclusive contract star ng Kapuso network si Angelu. So, open siyang magtrabaho kahit saang network.

"May offer naman from ABS... I think, ito yung Midnight Phantom, pero parang hindi ako comfortable sa role. I think yung story, okey siya yung movie. Maganda siya kung movie kasi heavy talaga yung character na gagampanan ko sana," banggit ni Angelu.

Ang tinutukoy ni Angelu ay ang role na napunta kay Ina Raymundo sa isang episode ng afternoon series na Precious Hearts Romances.

Bakit hindi niya naisipang gumawa ulit ng project sa Kapamilya network?

"Wala lang, okey lang naman kahit saan," sagot niya. "It just that, after kasi ng Babae, they [GMA-7] were telling me to wait. Meron naman silang mga ibinibigay na work, like guesting, kahit nga sa QTV."

THE WAIT IS OVER. At nagbunga na nga ang paghihintay ni Angelu dahil malapit nang simulan ang next primetime series niya sa GMA-7. Gaganap ulit siyang kontrabida sa fantaserye na pagbibidahan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

"May pagka-Cinderella meets Beauty and the Beast type," banggit ni Angelu. "Ako yung gaganap na malupit na tiyahin ni Kris. Meron yata akong dalawang anak just like in the story of Cinderella, or pamangkin.."

Hindi pa masabi ni Angelu kung ano ang exact details ng bago niyang telefantasya dahil ngayong araw na ito, November 3, pa lang ang story conference nila. Kung hindi mababago ang schedule, posibleng sa Nov. 5 naman ang start ng taping nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, nae-excite ako sa bagong show kasi mukha siyang interesting. And besides, after Super Inggo [sa ABS-CBN], ngayon lang ako gagawa ng fantaserye. So, medyo bago sa akin yung may mortal at human world. First time ko rin to work with Kris and Aljur. So, it's a new experience on my part."

HELLPHONE. Nakatapos din ng isang horror movie si Angelu, ang Hellphone, na ipalalabas na sa November 11 at magkakaroon ng premiere night sa November 9 sa Robinsons Galleria. Under Bluemoon Productions, the movie is directed by Joven Tan.

"Tinanggap ko yung Hellphone kasi yung director namin, may eye siya talaga for horror," sabi ni Angelu. "Talagang nandun yung gulat at takot factor. Magaan din lahat ng kasama sa cast. At yung movie, hindi lang siya basta horror, may redeeming factor siya. Like sa story ng anak ko rito sa movie, dahil dun sa cell phone, naging malapit kaming pamilya."

Ayon kay Angelu, interconnected daw ang characters nila sa movie.

"Parang trilogy na hindi naman. May kanya-kanya kaming story na nagko-connect because of the cell phone."

Kuwento rin ni Angelu, habang sinu-shoot daw nila ang movie ay binagyo sila.

"Kaya natetengga rin kami dahil sa bagyo. Kapag sasabihin na ang take, biglang uulan. But I've seen the movie's trailer at kung mapapanood n'yo, sa trailer pa lang, parang kikilabutan ka na," sabi ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN