SPOTTED: Marian Rivera and Dingdong Dantes shopping in Singapore

IMAGE 0


While in Singapore, a PEPster saw rumored lovers Marian Rivera and Dingdong Dantes shopping in Marina Square Center Mall on Raffles Boulevard in Singapore—and clicked away like a good paparazzi.


Nai-PEP Alert kamakailan ang pagpunta nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa Singapore para sa promotion nila ng GMA Pinoy TV shows.

Pero hindi naman puro trabaho ang ginawa nina Yan at Dong habang nasa Singapore. Binigyan din nila ng panahon ang pamamasyal at kaunting pagsa-shopping sa isang mall doon.

Ito ang balita ng isang PEPster na nakakita at kumuha pa ng paparazzi photos nina Dingdong at Marian habang namamasyal sa loob ng Marina Square Center Mall sa Raffles Boulevard, noong October 30, bandang alas dos ng hapon.

Apat ang litratong ipinadala ng PEPster through email na nagpapakita sa diumano'y magkasintahan nang sina Marian at Dingdong sa loob ng mall. Sa unang litrato ay makikitang nakaakbay pa si Dingdong kay Marian habang naglalakad. Sa pangalawang litrato naman ay magka-holding hands sila. Ang dalawang nalalabing litrato ay nagpapakita sa kanilang dalawa habang nasa loob ng isang appliance store. (CLICK HERE to see photos)

Hanggang ngayon ay wala pa ring inaamin ang dalawang sikat na Kapuso stars kung ano ang tunay na namamagitan sa kanilang dalawa.

Tanging mga pahaging at mga katagang masaya raw sila sa piling ng isa't isa ang parehong isinasagot nila sa tuwing matatanong kung magkasintahan na nga sila.

Kauuwi lang nina Marian at Dingdong kaninang umaga galing ng Malaysia (matapos mag-promote sa Singapore) para sa launching ng Dyesebel at Marimar doon. Nabili kasi ng isang Malaysian TV station ang rights para sa Dyesebel at Marimar naman sa Singapore ipalabas ang dalawang successful shows ito na pinagtambalan nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN