Glaiza de Castro describes her role in Stairway To Heaven as "exasperating"

IMAGE 0


"Ayoko rin namang ma-typecast as kontrabida. Siguro, puwede namang kontrabida, pero hindi kasing-grabe like Eunice. Si Eunice kasi, napakatindi talaga. Hindi siya bad, evil siya!" says Glaiza de Castro.


Very effective si Glaiza de Castro sa kontrabida role niya bilang Eunice sa Stairway To Heaven. Hindi man niya pinanood nang buo ang original Korean version nito, pero marami ang nagsasabing kuhang-kuha raw ni Glaiza ang pagganap ng Korean actress na unang gumanap bilang Eunice, pati ang expression ng mga mata nito.

Natuwa naman si Glaiza sa mga natatanggap na feedback sa kanyang pag-arte. Ayon sa kanya, hindi raw talaga madaling gampanan ang character na ginagawa niya ngayon sa Stairway To Heaven, na napapanood gabi-gabi sa Telebabad block ng GMA-7.

"Actually, nag-e-enjoy naman ako sa role ko. Kasi, marami rin namang tao ang natutuwa. Kung wala rin namang kontrabida sa isang teleserye, wala rin conflict. Natutuwa ako kasi nagagamit ko ang talent ko sa story. Pero exasperating talaga. Kasi yung mga scenes ko, halos lahat, intense talaga. Unang sigaw pa lang ng action, intense na agad. Dapat mataas na agad ang energy mo. E, ilang hold din yun," sabi ni Glaiza nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kuwento pa ni Glaiza, may isang eksena raw sila na pinaulit sa kanila from the top na halos mawalan siya ng hininga.

"May time kasi sa scene, kami nina Rhian [Ramos] at Karen [delos Reyes], ang taas na agad ng energy, e, medyo nagba-buckle kami. Kaya sabi ni Direk Andoy [Ranay], 'Sige, nagba-buckle kayo ha, ulitin n'yo from the top!' E, unang scene, mataas agad. Second, nagkamali, so parang nagha-hyperventilate na ako!" natatawa niyang lahad.

May pagkakataon din daw na sa sobrang taas ng emotion niya, may mga scene na dapat hindi niya gawin na nagagawa niya.

"Minsan nasampal ko si Dingdong [Dantes] kahit hindi naman ganun. Nasusugod ko si Rhian. Parang yun na yung instinct ni Eunice. After the scene, naiiyak ako. Parang hindi ko ma-let go ang emotion. Minsan nga, parang nai-imbibe ko na ang character ko kapag nagagalit ako. Kapag nababasa ko linya ko, parang ganito yata nasasabi ko sa totoong buhay. Kaya sabi ko, ito yata ang epekto ni Eunice!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya natatakot na sa sobrang sama ng character na ginagampanan niya sa Stairway To Heaven ay may mga nagagalit na sa kanya?

"Hindi naman," sagot ni Glaiza. "Parang kapag nakikita nila 'ko, sinasabi nila, 'Nakakainis ka. Naiinis kami sa 'yo.' Pero nakangiti naman sila. Siguro naiinis sila sa character ko, pero hindi naman sa akin. Wala pa naman akong nae-experience na personal na naglalakad ako, like sa mall, tapos sinugod ako!"

Magkasunod na kontrabida roles ang ginawa niya—from Kung Aagawin Mo ang Lahat Sa Akin to Stairway To Heaven. Sa next project ba niya ay type niyang kontrabida ulit ang role niya o gusto naman niyang makabalik sa api-apihan role?

"Well, kung ano ang ibigay sa akin, okey lang naman. So far, nag-e-enjoy ako. Pero siyempre, ayoko rin namang ma-typecast as kontrabida. Siguro, puwede namang kontrabida, pero hindi kasing-grabe like Eunice. Si Eunice kasi, napakatindi talaga. Hindi siya bad, evil siya!" natatawa niyang sabi.

WORKING RELATIONSHIP. Maganda raw ang working relationship nila sa ibang cast ng Stairway To Heaven, even with Rhian and Dingdong na ngayon lang niya nakasama sa isang show.

"Okay lahat. Actually si Rhian, noong mag-Iloilo kami, nag-party kami. I had time to bond with her. Sobrang cool niya pala. Sayang nga kasi yesterday, nag-i-invite siya na mag-hang out. Kaso, wala akong driver, e, sa The Fort. Puro sila taga-South, ako lang ang taga-North. Kaya sabi ko, next time na lang.

"Si Dingdong naman, hindi ko ine-expect na makulit, mahilig magpatawa. Kapag off-camera kami, hindi kami drama, comedy kaming lahat. At saka si Dong, hindi ko alam kung bakit, pero noong una, parang nahihiya ako sa kanya. Siyempre, Dingdong Dantes na, pero hindi mo makikita sa kanya na world's sexiest, na Dingdong na siya. Sobrang down-to-earth at hindi mayabang," papuri ni Glaiza sa kanyang co-stars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaking bagay rin daw kay Glaiza ang isa pa niyang co-star na si Jean Garcia, na gumaganap naman bilang nanay niya sa Stairway To Heaven.

"Nagkasama na kami sa Gagambino before, pero hindi naman kami madalas magkaeksena, unlike now sa STH. Ang masasabi ko lang, I learned a lot from her. Kumbaga sa mga eksena namin, kailangan pantayan mo ang intensity niya, or else, maiiwan kang talaga."

Masaya rin daw si Glaiza na consistent na mataas ang nakukuhang rating ng Stairway To Heaven sa Mega Manila (according to AGB Nielsen Phils.).

"Actually, bago mag-start yung Stairway, hindi namin ine-expect kasi may mga nagagalit kay Rhian. May ayaw sa team-up nila ni Dingdong. Sa akin din... So, thank you, Lord, at naging maganda naman. Sad nga lang kasi one season lang. Kasi kontrata talaga, ganun lang," saad niya.

YOUNG SHAWIE. Sa pelikula naman ay kasama siya sa Mano Po 6 bilang young Sharon Cuneta.

"Nakapag-shooting na ako as young Sharon. Medyo flashback kami ni JC de Vera sa movie. Hindi kami magkakaeksena ni Ms. Sharon, pero I met her once sa shooting. Nakakatuwa lang noong ma-meet ko siya, she's very warm. Natuwa naman siya na ako yung young Sharon. Natuwa siya dahil maganda raw ako! Buti na lang daw, ako yung young Sharon," kuwento ni Glaiza.

MATTERS OF THE HEART. Kinumusta rin namin kay Glaiza ang kanyang puso...

"Puso pa rin. Tumitibok-tibok pa rin. Kung hindi, patay na 'ko!" biro niya.

In love na ba siya ngayon?

"Hindi in love. Kapag in love, masyadong big word sa akin. Siguro inspired lang sa mga blessing. I'm happy. Kahit may mga taong nampipikon, hindi ko na lang yun iniintindi," sabi ni Glaiza.

Ano na ang status nila ni Patrick Garcia, bakit may mga nagsasabing sila na naman daw?

"Siyempre, di ba, ang tao, madaling humusga na sila, na kahit hindi. Like last year, ligaw pa lang, kami na raw. Parang ang daling mag-judge at pangunahan ang mga bagay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Madalas daw silang nakikitang lumalabas o nagdi-date?

"Hindi na kami nakakalabas. Kami ni Maxene [Magalona], before pa yun, during Kung Aagawin Mo days. Actually, kaming lahat yun. Hindi group date, kasama rin si Rich [Asuncion], may mga kasama rin kaming staff," paglilinaw niya.

So, ano na ang status nila?

"Friends," maikling sagot ni Glaiza.

For the record, naging sila ba ni Patrick?

"Hindi"

Ano ang pinakamataas na level na naabot ng closeness nila?

"Pinakamataaas? Wala nga, e. Hindi nga tumaas. Noong time ng Aagawin, nakakapag-usap kami. Ngayon, kahit paano, medyo naging close kami. Siguro ang masasabi ko lang kay Patrick, totoong tao siya. Hindi siya plastic. Hindi siya mayabang. Walang ka-showbizan," saad ng young actress.

Hindi raw niya masasagot kung nanliligaw sa kanya si Patrick. Mas maganda raw siguro na si Patrick na ang tanungin sa bagay na ito.

Ayon kay Glaiza, hindi pa siya nagkaka-boyfriend maski kailan.

"Never pa talaga... pero masaya naman ako. Hindi naman sa parang natatakot ako dahil sa alam kong experience ng friends ko or kakilala ko, pero alam ko na kapag dumating ang time na yun, bobongga ako. At saka at least, di ko iniintindi yung bagay na yun. Ang iniintindi ko lang sarili ko, family ko at ang pagiging Eunice ko. Kung may lovelife pa, baka sumakit na ang ulo ko sa pag-iintindi!" natatawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN