Ai-Ai delas Alas admits to Erap Estrada that she will support Noynoy Aquino in 2010 elections

IMAGE 0


"Tinanong niya ako. Sabi niya, 'Ai-Ai, lahat kayong taga-ABS kay Noynoy, 'no?' Sabi ko, 'Hindi ko po alam. Pero ako po, kay Noynoy po ako!'" says Ai-Ai delas Alas about telling Erap that she will support Noynoy in the 2010 elections.


Ipinaliwanag ni Ai-Ai delas Alas sa interview sa kanya ng Wow! Ang Showbiz kahapon, November 3, kung bakit naurong ang playdate ng latest movie niya mula sa Star Cinema—Ang Tanging Pamilya. Dito ay kapareha niya ang dating presidente ng Pilipinas na si Joseph Estrada, kasama rin sina Toni Gonzaga, Sam Milby, at Mommy Dionisia Pacquiao.

Ayon kay Ai-Ai, "Na-late na ang showing namin. Supposed to be ay nung October 14 pa 'yan, e, hindi nakahabol dahil maraming nangyari. Gaya nang lumubog yung barko, na maraming equipment ng Star Cinema ang nasama doon. Pati mga props namin, lahat lumubog. Tapos, namatayan pa kami ng isang cameraman.

"Tapos noon, nagkaroo'n naman ng bagyong Ondoy. After ng bagyo, namatayan naman ng nanay si Direk Wenn [Deramas, direktor ng Ang Tanging Pamilya]. So, na-delay nang na-delay yung shooting namin. Pero eto, thank you, Lord, dahil showing na kami sa November 11, sa araw mismo ng birthday ko."

May pressure ba kay Ai-Ai sa nalalapit na showing ng Ang Tanging Pamilya?

"Okey lang. E, kasi naman ako, pag may pelikula naman, palagi kong sinasabi, maligayahan lang yung mga tao. Pero ipinapasa-Diyos ko siya parati. Kung ano yung gusto Niyang mangyari, go, di ba? Wala naman tayong magagawa kunwari, di ba, hahainan natin yung sambayanan ng magandang pelikula, pero kung ayaw naman talaga nilang manood, di ba?" sabi niya.

Ano sa tingin niya ang mabibigay niyang magandang dahilan para panoorin ng mga tao ang Ang Tanging Pamilya?

"Kasi nag-dub na ako, tinapos ko na yung dubbing ko kahapon. Nag-text nga ako kay Direk. Sabi ko, 'Direk, nakakatuwa naman yung pelikula. Congratulations!' Sabi ko, 'Siguro ito yung best film mo na mas lamang talaga yung comedy.' Yung mga ginawa naming Tanging Ina noon, balanse ang drama at comedy, e. Ito, mas lamang ang comedy nung mapanood ko. Nakakatawa talaga siya, sobra! Ang sakit nga ng lalamunan ko kakatawa, e!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tingin ba ni Ai-Ai ang pelikulang Ang Tanging Pamilya na ang magtatala ng bagong box-office record?

"Sana po!" sambit niya. "Sana naman. Bahala na si Lord diyan. Kung ano man 'yan, bahala na. Go, go, go! Siyempre, gusto namin ganoon. Gusto ng Star Cinema, ganoon. Para ma-compensate man lang yung lumubog na dalawang kamera ng Star Cinema, worth 20 million [pesos] each."

ERAP VS. NOYNOY. Isa si Ai-Ai sa mga big stars na kasama sa MTV ng presidential candidate na si Noynoy Aquino. Obviously, si Noynoy ang susuportahan niya sa 2010 national elections. Pero tinanong ba ni Erap si Ai-Ai while shooting the movie kung sino ang kanyang susuportahan sa pagka-presidente?

"Tinanong niya ako. Sabi niya, 'Ai-Ai, lahat kayong taga-ABS kay Noynoy, 'no?' Sabi ko, 'Hindi ko po alam. Pero ako po, kay Noynoy po ako!'" natatawang kuwento ni Ai-Ai

Ano ang naging reaction ni Erap?

"A, wala. Okey lang sa kanya. Noon pa naman kasi, Coryista [Cory Aquino supporter] na ako, e. Nagkataon lang na nung nag-artista ako, naging kaibigan ko si Kris [Aquino]. Pero nung college ako, nakikipag-rally na ako for Cory," saad niya.

Sila ba ng asawa ni Kris na si James Yap ay okey na rin?

"Okey na kami. Nagkita kami nung pa-dinner ni Noynoy," banggit ni Ai-Ai.

Paano sila nagbatian ni James, na may sama ng loob sa kanya noon?

"Wala. Nagulat lang ako kasi palabas ako, papasok naman siya ng pinto. Napasigaw ako. Sabi ko, 'Ay, Papa James! Bati na tayo. Kiss mo ako!'" tawa ulit ni Ai-Ai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN