Vhong Navarro admits dating a non-showbiz lady

IMAGE 0


"Sinabi ko before after naming maghiwalay ng ex-wife ko [Bianca Lapus], ayoko na ng taga-showbiz. Pero taga-showbiz pa rin yung sumunod kong nakarelasyon. Hindi rin talaga natin masasabi kung kanino titibok ang puso natin," says Vhong Navarro.


Isa si Vhong Navarro sa host ng bagong show ng ABS-CBN na Showtime, na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes bago ang Wowowee ni Willie Revillame. Kasama niya rito sina Anne Curtis at Kim Atienza.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Vhong kahapon, November 4, pagkatapos ng live episode ng Showtime. Tinanong namin siya kung ano ang feeling na sa dinami-rami ng talents ng ABS-CBN ay isa siya sa napili para maging isa sa host ng programa?

"Actually, sobrang natutuwa ako dahil alam naman natin marami... Tama kayo, maraming mga artista ang ABS-CBN pero isa ako sa mga napili. Kaya nagpapasalamat talaga ako sa tiwala ni Direk Bobet Vidanes [Showtime director]. At siyempre kay Tita Cory [Vidanes]," sagot ni Vhong.

"Si Direk Bobet kasi, alam ko matagal na raw niya akong nire-request sa mga game show. Finally nga, naging maganda yung schedule, wala akong masyadong show, e. Kaya tinanggap ko itong Showtime.

"Siyempre, nagpapasalamat talaga ako sa management ng ABS, sa mga bosing natin, di ba? Siyempre, nasa kanilang approval naman yun kung talagang pasado ba ako sa panlasa nila."

Para kay Vhong, hindi niya masasabi o maikukunsidera na talent show ang Showtime, kahit pa ang labanan dito ay ang talent ng group contestants.

"Kasi parang ito yung kahit wala kang talent, hindi ka marunong sumayaw, hindi ka marunong kumanta, puwede ka rito. Basta ang importante, mapasaya mo ang mga hurado at yung mga nanonood. Kailangang maaliw mo kami. Kaya nga Showtime, e," paliwanag niya.


UPCOMING PROJECTS. Ang huling seryeng ginawa ni Vhong sa ABS-CBN ay ang I Love Betty La Fea. Gumanap siya rito bilang best friend ni Bea Alonzo. Wala pa bang offer ulit sa kanya para sa isang teleserye?

"Meron, pero hindi ko pa puwedeng sabihin, e. 'Tsaka ang hirap magsabi, baka hindi pa matuloy, e. Basta meron. Dramedy ito," banggit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pelikula, may naka-lineup ba siyang gagawin?

"May gagawin akong movie with Angelica Panganiban. Kami naman ang partner. Pero ito yatang gagawin namin ni Angelica, kakaiba talaga. Hindi lang basta matatawa kayo, pero talagang... Pero hindi ko pa puwedeng sabihin yung concept, e. Basta tuloy na tuloy yun next year. Si Direk Joyce Bernal ang magiging direktor namin," sabi ni Vhong.

VHONG IS NOW DATING. Ang aktres na si Desiree del Valle ang huling nakarelasyon ni Vhong. Wala pang nababalitaan kung sino na ang bagong nagmamay-ari ng puso ni Vhong. May nililigawan ba siya ngayon?

"Actually, meron akong dini-date, pero non-showbiz ito," sabi ng komedyante.

Na-trauma na ba si Vhong sa pakikipagrelasyon sa taga-showbiz kaya non-showbiz na ang gusto niya?

"Hindi naman sa na-trauma. Nagkataon lang na non-showbiz ang dini-date ko ngayon. Sinabi ko before after naming maghiwalay ng ex-wife ko [Bianca Lapus], ayoko na ng taga-showbiz. Pero taga-showbiz pa rin yung sumunod kong nakarelasyon. Hindi rin talaga natin masasabi kung kanino titibok ang puso natin," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN