Survivor Philippines: Palau castoff Shaun Rodriguez plunges into showbiz

IMAGE 0


"Laking-probinsiya ako, kaya sanay ako sa bundok. Taong-bundok talaga ako! Kakayanin kung sa kakayanin, pero ang weakness ko talaga, yung napawalay ako sa anak ko. Thirty-nine days din yun na nalayo ako sa anak ko," says Shaun Rodriguez about being a castaway in Survivor Philippines: Palau.


Dire-diretso na sa showbiz ang Survivor Philippines: Palau castoff na si Shaun Rodriguez. Si Shaun ang huling na-vote off sa naturang reality show ng GMA-7.

Bago pa pala sumali at mag-audition si Shaun sa Survivor Philippines: Palau, ginu-groom na siya ni Direk Maryo J. de los Reyes, na nagbigay ng pagkakataon sa kanyang maitampok sa Magdusa Ka at sa isang episode ng Obra, na parehong pinagbidahan ni Katrina Halili.

"The guy in the red trunks" ang pagkakakilanlan kay Shaun sa Survivor Philippines. Yun ang nagmarka sa kanya kaya wala ring problema kay Shaun kung matatakan siya bilang sexy hunk.

"Mukhang doon ang punta ko," sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Okey lang na sexy. Wala namang limitations sa akin. Pagdating kay Direk Maryo, may tiwala naman ako. Kung ano ang ibigay niya, okey sa akin."

Walang nagturo sa kanya na ang image na ipo-project niya sa Survivor dapat ay sexy siya. Nagkataon lang na red trunks ang nadala niya sa Palau.

"Nasabi na nila, bago kami pumunta sa Palau, 70 percent ng challenges, sa tubig talaga," ani Shaun. "'Pag naka-shorts ka, parang mas mahirap pa yun. Mahirap lumangoy. Mas okey talaga kapag naka-trunks ka. Hindi naman sinasabi sa amin agad kung ano ang game. Basta ang alam namin, sa tubig yun. Automatic yun na kapag sa tubig, trunks ang isinusuot ko para mas madali akong makalangoy.

"Isa lang ang nadala kong trunks, isang kulay, yun lang ang nadala ko. Ganoon naman yun, na pupunta ka sa Palau, wala kang bitbit kung hindi kung ano lang ang madadala mo agad," paliwanag niya.

Sinasabing unfair para kay Shaun ang pagkakalaglag niya sa Survivor Philippines: Palau. Pero ganoon talaga ang competition na yun, na dahil malakas ka, may tendency na ikaw ang unang iligwak.

"Kasi, threat ka sa kanila," sabi niya. "Puwede ma-outwit ka ng mga kasama mo, at lumabas na mas malakas sila sa pag-iisip kaysa sa pangangatawan, and that's what the competition is all about."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Walang hinanakit si Shaun sa mga kasamahan niyang naglaglag sa kanya sa Survivor Philippines dahil alam niyang sooner or later, siya rin naman, gagawa ng paraan para ilaglag ang iba kung magtatagal pa siya.

"In-enjoy ko lang ang Palau," nangingiting sabi pa ni Shaun, during this exclusive interview sa Via Mare Morato. "Imagine, kung ano lang halos ang suot ko, yun ang dala ko sa Palau. Adventure talaga. Madalas na nakikita lang ako sa Palau, kung hindi naka-trunks, naka-brief. Salitan lang yun.

"Laking-probinsiya ako, kaya sanay ako sa bundok. Taong-bundok talaga ako!" tawa niya. "Kakayanin kung sa kakayanin, pero ang weakness ko talaga, yung napawalay ako sa anak ko. Thirty-nine days din yun na nalayo ako sa anak ko."

Doon daw siya talaga nahirapan. Aminado si Shaun na may pananagutan na siya sa buhay sa pagsali pa lang niya sa Survivor Philippines: Palau. Naka-focus siya na iiwan muna niya ang family niya sa pagsali niya roon.

"Nagkaroon ng challenge na sabi nga ni Paolo [Bediones], may darating na letters from our loved ones, at doon lang pumasok sa isip ko na may pamilya nga pala akong naiwan. Yung challenges, may kinalaman sa pamilya, kaya hindi lang physical. Dadalihin ka sa emosyon. Prepared ako sa lahat, sa mind games, sa physical challenges. Nasorpresa ako sa mga bagay na ikami-miss ko pala sa pamilya ko," pagtatapat ni Shaun.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN